MAP 17

76 8 1
                                    

[Margaux's POV]

Mystic Peak Campus

Grabe napuyat na naman si ako sa kakareview at syempre sa kakaisip kay Spencer my loves. Hindi ko pa rin kasi makalimutan yung nangyari kahapon. Nakasama ko na naman siya. Mukhang effective naman yung pagtitiis ko sa devil niyang kapatid dahil dun ay napapalapit na ako sa tadhana ko. 

Halos ala una na din ako nakatulog kanina. Paano ba naman pamatay yung mga subjects na exam namin ngayon, puro computations. Pero ok lang yan, basta written exams kayang kaya ko yan.

Nang matanaw ko yung room nila Spencer my loves ay binagalan ko yung lakad ko. Bago kasi yung room namin ay madadaanan muna yung room nila. Syempre ako naman talagang gustong gusto na dumadaan sa room nila my loves. Hihihihi...

Nung nasa tapat na ako ng bintana ay sumilip ako dun. Syempre sisilipin ko muna si Spencer my loves para naman ganahan ako sa mga exams ko mamaya, kumbaga energizer. Hehehe...

Dahil medyo maaga pa ay konti pa yung mga estudyante sa loob ng room nila. Pero dahil isang butihing estudyante si Spencer ay alam kong maaga din siyang pumapasok lalo na kapag exams, hindi katulad nung kakambal niyang palaging na lang late.

Nakita ko siya sa may ipuan niya na seryosong nagrereview. Kyyyaaahhh...lalong gumagwapo si my loves kapag ganong seryoso siya. Sana ako na lang yung libro na binabasa niya para ako ang titigan niya. Haysss....

Nakita ko na sumandal siya sa sandalan nung upuan niya at parang may iniisip. Nakita ko din kung paano niya ilagay yung lapis na hawak niya sa pagitan ng ilong at labi niya at saka nagpout para hindi mahulog yung lapis. Kyaaahhhhh....ang cute naman ni my loves ko parang ako.

Pero teka, madalas ko ding gawin yun kapag may iniisip ako. Palagi nga ako inaasar nila Ella kapag nakikita nilang ginagawa ko yun eh. Hindi kaya? Ito na yung?

Sign #2: We have 3 something in common.

Aye...Aye...Ito na yun eh. Sabi ko na eh. Konting push na lang Spencer my loves ko. Nararamdaman kong ikaw yun eh. Ikaw talaga yun.

Napabalik ako sa reality nung maramdaman kong may librong nakapatong sa may ulo ko. Tumingin ako sa taong naglagay nung libro sa ulo ko. Ano ako bookshelf? Ang ganda ko naman yatang walking bookshelf?

"Magkakaguliti ka nyan. Ang aga aga naninilip ka."Mataray na bati sa akin ni Bettina. Oh my? Heto na naman po ang kaibigan kong pinaglihi yata sa sama ng loob. (>.<)

"He he he...Ito naman. Nagrerecharge lang para mamaya."Tinanggal niya yung libro niya na nakapatong sa ulo ko at tinaasan lang niya ako ng kilay. Heto na naman po yung mga kilay niyang parang may sariling buhay kung gumalaw.

"Sabi ko nga. Tara na."Nakangiting sabi ko sa kanya at hinila na siya palayo sa room nila Spencer my loves. Grabe talaga itong babae na ito sa katarayan, parang palaging meron eh.

Pumasok na kami sa room namin at umupo na ako sa upuan ko. Wala pa rin yung dalawang bruha at wala pa din yung katabi ko sa upuan. Sabagay ano pa nga ba aasahan ko sa katabi ko? Edi yung late na naman kung pumasok kahit exam days.

Dahil medyo maaga pa ay linabas ko yung notebook ko pero hindi para magreview ulit. Abeh...sober naman kung hanggang ngayon nagrereview pa rin ako? Purgang purga na ang utak ko kaninang madaling araw sa mga formulas at equation. Pahinga muna mga brain cells ko at activate ko ngayon ang mga lumalanding cells ko. Hehehe...

Binuklat ko yung notebook ko kung saan dun nakalagay lahat ng signs ko para malaman kung sino ang right guy for me. Tinignan at binasa ko yung nakasulat dun.

I Ran To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon