July 3, 2017
11:05 AMAngelo
: Babeeeeee!
: Nakatulog ka na agad kagabi?
: Di ka na nakapag-reply sa chat kong inaantok ka na.
: Halatang napagod ka sa paglilinis ninyo ng bahay.
: Ngayon, may ginagawa ka?
Angela
: Oo, babe
: Sasamahan kong mamalengke si mama
Angelo
: Sige. Mamaya na lang tayo mag-usap kung ganoon
Angela
: Wala kang pasok?
Angelo
: Mamaya pang 1 pm, babe.
: Paalis na ba kayo?
Angela
: Mamaya pa naman
Angelo
: May data ka? VC tayo.
Angela
: Wait.
Isinalpak ko agad ang earphone sa aking tainga pagkatapos lumabas ang earphone plugged in sa notification bar ng aking cellphone.
"Babe!" nakangiti kong turan sabay kaway sa kaniya. Hindi ko siya maaninag masiyado 'pagkat medyo malabo ang larawan niya o sadyang magulo lang siyang maghawak ng cellphone, o baka malabo ang camera ng cellphone niya at puwede ring mabagal ang internet connection sa kanila.
"B-ba-be!" paputol-putol ang boses niyang pagbati pabalik.
Tila mahina nga ang internet connection niya. Nangunot ang noo ko nang maging whole black ang background niya. Inilipat ko sa chat section ang pag-uusap namin. Naririnig ko pa ang papautol-putol niyang pagsabi ng hello sa kabilang linya. nagtipa naman ako ng sasabihin ko para ipaalam sa kaniyang maghanap siya ng magandang puwesto kung saan maksasagap siya nang malakas na signal para maging malinaw ang aming pag-uusap. Mas gugustuhin ko pang mag-usap kami through video call dahil mas mararamdaman kong kasama ko siya kahit magkalayo na kaming dalawa kaysa sa mag-usap sa chat.
Angelo
: Mahina internet mo yata kaya hindi tayo nagkakaunawaan. Naririnig ko naman ang boses mo pero putol-putol.
Suminghap ako nang mag-end call ang aming pag-uusap. pipindutin ko na ang call back nang bumungad sa phone screen ko ang pangalan kasama ang profile picture niyang tumatawag. Walang pag-aalinlangan kong sinagot iyon. Mabilis din akong umukit ng pagngiti sabay kaway nang todo.
"Babe, malakas na signal dito!" masigla niyang bungad habang nakangiti.
Kita ko sa screen ang buong mukha kong nakalabas ang ngipin ko na nakangiti nang mas malapad habang tinititigan ko ang magandang ngiti niya sa labi. Malinaw ang camera niya, nagpalit yata ng cellphone kaya kitang-kita ko ang manipis niyang labi na kulay pink. Pinagmasdan ko ang kapaligiran niya. Halatang nasa kuwarto niya ito hindi gaya kaninang nasa kusina siya dahil nakita ko ang single burner nila sa kaniyang likuran kanina kahit medyo malabo.
"Wala ka talagang pasok ng ganitong oras?" tanong nito habang may inaayos ang unan sa tabi niya pagkatapos ay umalog ang camera niyang hawak para humiga siya sa kama.
Inayos ko ang bangs kong tumatakip sa mata ko. “Mamaya pa po. Ikaw, hindi mo pa naayos ang papers mo para sa papasukan mong uiversity?" nag-aalalang tanong ko.
Sayang ang one month niya dito. May ilang buwan pa naman silang titiisin bago lumipat sa Zambales para magsama-sama sila, pero desisiyon nila iyon at wala akong magagawa.
"Hindi ko alam, babe. Magiging hassle ang paglipat ko. Sayang ang scholarship ko diyan dahil Palawan lang ang sakop. Mabuti na lang din ay nakapag-apply ako sa isang scholarship program dito sa Zambales before June—bago magklase, kaya laking tuwa ko noong malaman kong nakapasa ako sa online exam na ginawa nila. Nakita ko ang pangalan ko sa facebook page nila.”
Ako ang nanghihinayang sa kaniya rito. She's one of the candidates of cum laude. Nangako pa ako sa kaniyang ipapasyal ko siya sa Hong Kong kapag naging ganap siyang cum laude. Wala man na siya sa Palawan ay itutuloy ko pa rin iyong pangako ko sa kaniya. Sinuklay-suklay niya ang buhok niya gamit ang daliri niya.
“Miss ba kita,” malambing niyang saad. Hinawakan ko ang screen ng aking cellphone.
Hinaplos ko ang mukha niya at alam kong hindi niya mararamdaman ang paghaplos ko.
Hinayaan naming sakupin kami ng katahimikan habang nagtitigan sa isa’t isa na para bang magkaharap kami ngayon. Maya-maya pa ay napalitan ng pag-aalala ang ekspresyon ko nang makita siyang sumimangot. “Babe, kapag may nakita kang mas maganda sa akin diyan, huwag mo akong ipagpapalit—”
"Hindi naman po kita ipagpapalit sa iba kahit magkalayo tayong dalawa ngayon. Huwag mo rin akong ipagpapalit sa iba, babe,” putol ko sa kaniyang sinasabi.
Tumango-tango siya. "We will never leave each other. Makakayanan natin 'to kahit long distance relationship. Our heart will beat each other's name," nakangiti kong dagdag kasabay nang biglang pag-end ng call. Nawalan yata ito ng internet connection o baka biglang naubusan ng load.
Tama nga ang hinala ko dahil may chat siya sa akin.
Angela
: Naubos na ang data ko. Magpapa-load na lang ulit ako next time ng GOSAKTO90 para matagal
Angelo
: Load-an kita mamaya.
: Chat you later. Gagawa pa kami ng thesis.
: Nandito sa bahay iyong tatlo may dalang pagkain at dinala na rin ni Dylan ang printer nila sa bahay.
: Chat me lang if you need someone to talk to kahit offline ako.
Angela
: Take ur time!
: Aalis na din kami ni mama
Angelo
: Mag-iingat kayo.
Angela
: Thanks, babe!
BINABASA MO ANG
My Angela (CHAT SERIES #3)
Teen Fiction"You will always be my Angel, My Angela Marquez." - Angelo Flores Started: January 6, 2019 Finished: April 20, 2019 Edited version: July 26, 2020