Chapter 1

723 9 0
                                    

July 1, 2017

10:25 A.M.

Angelo

: Nakarating ka na ba?

: How's the trip?

: Ayos ka lang?

: Hindi ka ba nasuka sa bus? Miss na agad kita.

: Babe, pm mo na lang ako kung nasa Zambales ka na

: Baka online ka naman pero naka-off lang ang active status mo.

: Nag-aalala kasi ako sau lalo na at hindi ka sanay sumakay sa bus at wala ka pang kasama.

: Pero sana makayanan natin 'to.

: Sana walang magbago sa ating dalawa.

: Love you.

Masyado akong nag-aalala sa kaniya. Sabi niya madalas mag-away ang parents niya pero hindi ko lang maintindihan kung bakit d'on? Gaano na sila katagal na hindi buo ang pamilya nila? Hindi ba't dapat lumayo na lang sila para hindi na mag-away ang parents niya? Ang sabi niya gusto niyang makita ang pamilya niyang buo sila. Napakabait naman ng girlfriend ko. Kung ako sa kaniya ayoko nang makita ang mga magulang kong nasa iisang bahay kung palagi naman silang nag-aaway.

Huminga ako nang malalim kasabay ng pagtingala ko sa kisame, pero pabalik-balik ang tingin ko sa nakapatong na cellphone sa tiyan ko. Kinamot ko ang pisngi ko sabay kuha ng cellphone. Iniangat ko ito pataas, tiningnang mabuti ang oras na nasa bungad ng screen. Ilang oras ba ang biyahe mula Palawan hanggang Zambales?

Nanatili akong nakahiga sa kama habang nakadagan ang ulo sa kamay imbes na sa unan. Lumingon ako sa pinto nang makarinig ako ng sunod-sunod na pagkatok.

“Angelo!” malalim ang boses niyang tawag sa akin. Kinamot ko ang leeg ko ‘tsaka niyakap ang unang nasa pagitan ng mga hita ko.

“Bukas 'yang pinto, p’re!” sagot ko. Nambubulabog na naman ang mga gentle dogs.

Pinagmasdan kong pumihit ang seradura at iniluwa ang dalawang tukmol na gentle dogs. I spread my legs to occupy all the spaces but I failed. Lumapit si Dylan, iniangat ang paa ko’t umupo sa paanan ko habang si John ay nakangising itinutok ang puwet pagkalapit dahilan para bumalikawas ako ng pagkahihiga para bigyang-daan ang pag-upo niya sa aking uluhan.

"Bakit ka nandito? Akala ko ba pupunta tayo ng Manila," kunot-noong mungkahi ni Dylan pagkatapos niyang agawin ang unang niyayakap ko. Kunot ang noong umahon ako sa pagkahihiga. Sumandal ako sa head rest habang ang kilay ko ay ramdam kong nagsalubong. Anong Manila ang sinasabi nila?

Ngumisi si John at iiling-iling siyang nagsalita nang mapang-asar, “Postponed yata dahil nagse-senti.”

Hindi ko siya pinansin dahil balewala lang sa akin ang presensya niya. Alam niyang hindi maganda ang araw ko ngayon—nalulungkot ako kaya malakas mang-asar ang tukmol.

Para hindi nila ibaling sa akin ang usapan, minabuti kong usisain ang sinabi kanina ni Dylan. Wala among maalalang sinabi koi yon. Siguro lasing ako kaya hindi ko na maalala, pero tiyak akong nag-iimbento lang itong Dylan.

My Angela (CHAT SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon