Chapter 39

18 3 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit nawawalan na ako ng gana kay Angelo. Inis ang nangingibabaw kapag nakikita kong bubungad agad ang pangalan niya, subalit hinahanap-hanap ko?

Mabait siya subalit madalas ay self-centered siya. Malimit lamang siyang magiging maintindihin. Tuwang-tuwa nga ako sa ipinakita niya simula noong magkalayo kami dahil napakamaintindihin niya, subalit lalabas at lalabas pa rin talaga ang totoo niyang ugali.

Totoo iyong mga sinabi kong siya ang ideal man ko, husband material na nga. Ayaw ko lang talaga ang ugali niyang makasarili. Akala niya ay siya lang ang naiinis, nagkakaproblema sa relasyon namin, ang nanghihinala. . . at sa sobrang paghihinala niya sa akin, nagiging toxic na ang ugali niya.

Tinitigan ko ang pangalan niya dahil online pala siya. Ang dami-damk niyang chat. Nagdadalawang isip tuloy ako kung re-reply-an o hindi. Kung babawiin ang sinabi ko o hindi. Madalas pakiramdam ko naiirita ako, na naiinis, na hindi maintindihan, pero hinahanap-hanap mo presensiya niya. Gustong-gusto kong kinukulit niya ako.

I am weird. Pero heto ang nararamdaman ko. I did my best para hindi siya sungitan, pero lumalabas ngang nasusungitan ko siya. Sa katunayan, matiyaga siyang mag-chat kahit hindi ko pinapansin.

Isa pang dahilan ko ay natatakot akong baka isang araw, malaman ni papa at pagalitan niya ako. Ayokong umabot sa puntong iyon. Kahit matagal kaming hindi nagkasama ni papa, kilala ko siya bilang istrikto. Nasa tamang edad na ako at hindi na ako bata, subalit kung ituring niya ako parang wala pa akong muwang sa mundo.

Sa kalagitnaan ng aking pagmuni-muni ay muling lumitaw ang pangalan niya sa 'king messenger chat head. Kababasa ko lang ang kaniyang gawang spoken. Na-teary eyed ako r'on.

Hindi ko binuksan ang chat head. Pinanatili kong nakalitaw lang doon. Bahala na kung gaano karami ang icha-chat niya kasi hindi ko naman babasahin ngayon.

Suminghap akong tumitig sa teddy bear na yakap-yakap ko. Aminado rin akong may mali ako, na kasalanan ko dahil madalas ko siyang inaaway. Nawawala sa isip kong pagod siya o busy siya at talagang naglalaan lang siya ng oras para makausap ako, tapos wala lang ako sa mood. I am guilty.

9:54 AM

Angelo

: Baaabe! Feeling ko lalabas na ang utak ko sa dami kong iniisip. Paano kita masusuyo? May nagawa na naman ba ako? Please, sabihin mo naman, o.

: Dumudugo na utak koooo

: Kung ayaw mo na, handa naman  akong palayain ka. Hindi kita pipilitin kasi ayaw mo na, e.

Sumusuko na ba siyang suyuin ako? Kasalanan ko na naman. Gusto ko lang magpalambing pa kasi malapit naman na akong bumigay.

Angelo

: Kung nagpapasuyo ka lang dahil nagtatampo ka, handa akong suyuin ka kahit aaminin kong... napapagod na ako. Mangagangapa ako ng oras para lang suyuin ka. Alam mo ang hirap kasing nag-aaway tayo at alam kong pagsubok lang ito sa atin kaya tayo umabot sa ganito. Kung ang isa sa atin ay nanghina, hindi ako tutulad. Hihilain kita pataas. . . pabalik sa akin. Babe, kung ano man ang bumabagabag sa isip mo, puwede ka namang magsabi o sabihin mo sa Itaas. Pray. Alam ko rin namang hindi lahat ng problema ay kailangang sabi o maging vocal sa nararamdaman.

: Masaya akong nase-seen mo mga pm ko.

: Sorry not sorry kung makulit na ako. Kung hindi kita kukulitin baka mas lalong lumabo ang tayo. Mas magandang mangulit kaysa sa hindi nangulit. Gusto kong isalba ang relasyon natin. Hindi puwedeng maghihintay akong may madyik na mangyari para magkaayos tayo. Kung mahal mo, gagawa ka ng paraan, kung hindi mo mahal hindi ka gagawa ng paraan.

: At sa sinasabi mong ang toxic ko na, napag-isipan ko rin iyon at tama ka. Sorry kung ganoon palagi ang naiisip ko. Akala ko lang kasi ipagpapalit mo na ako pero baka may problema ka lang talaga. Sorry dahil hindi kita inintindi kahit iyon dapat ang una kong gawin. Hindi kasi ako marunong umintindi lalo na kung gusto kong ako ang intindihin.

: Tatawag ako para mag-usap tayo.

You missed a call from Angelo

Kinurot ang puso ko sa ginagawa ko. Paano niya nakakayang ibalewala ang pride ko?

Angelo

: Busy kaaa?

: Siguro nga may ginagawa ka.

: Kailangan ko lang mag-aral. Ikaw rin, ha? Mag-aral ka diyan. Kung umiiyak ka man, tahan na. Wala ako diyan para pupunas sa luha mo.

: Smiling speaks to people charmingly without saying a word. Don't be upset, share your beautiful smile with the world.

I can't help but to smile. He has the patience to stay with me. I am thankful for having him.

I automatically typed the words for him. He deserves a reply from me, though. May matipid na ngiti ako habang binabasa ulit ang mga chat niya.

Angela

: Thank u!

Pero nagtatampo pa rin ako kahit hindi ko alam kung ano ang ikinakatampo ko. Girls like me are weird. Lalo na kapag inatake ako ng mood swings ko.

Umaasa akong may reply siya, subalit offline na siya. Sayang, hindi ko na naabutan!

My Angela (CHAT SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon