Isang linggo ang lumipas at nakumpirma kong wala siya. Akala ko ay gawa-gawa lang nila iyon, ngunit hindi biro. Noong nakumpirma ko kinabukasan kay mama, sa mama niya ay hindi ko alam kung paano ako magre-react. Hindi naman mahilig mag-prank si Angela pero iyon ang una kong naisip noong tawagan ako ng mama niya. Na-hit and run daw siya ng motorsiklo habang patawid siya pedestrian lane, kung saan nakatigil ang mga sasakyan para tumawid lahat ng mga tatawid, ngunit may isang pasaway na motorista at lasing.
Tumawid lang siya, ngunit nagmistulang bula ang buhay ni Angela. Gusto kong bugbugin ang lalaking iyon. Hindi ko pa rin tanggap na wala na siya, na iniwan na niya kaming nagmamahal sa kaniya. Araw-araw ko siyang iniiwanan ng chat, na naglalaman ng paalala at mga katanungan sa kaniya. Nagbabasakaling tulog lang siya nang mahimbing at gigising pa siya. Iyon ang isinisiksik ko sa sarili ko. Nakatatawa lang isiping niloloko ko lang ang aking sarili. Wala na siya. . . at iyon ang totoo.
October 20, 2017
5:45 PMAngelo
: Kumusta ka naaa?
: Ang haba na ng tulog mo, a. Hindi mo ba kami nami-miss? Wala ka na bang balak bumangon? Sorry, ha? Hindi ko pa rin kasi matanggap na wala ka na.
: Kumusta naman diyan sa langit? Ayos ba? Malamig ba diyan?
: Maganda bang tumira diyan?
: Gusto mo na bang sumunod ako?
: Bakit ka kasi nang-iwan.
: Alam kong ‘di
mo sadya, pero bakit ikaw pa?: Kung alam ko lang na maaga kang kukunin sa akin ng Itaas, sana tinuruan na lang kitang maging masama para matagal ka pang kunin sa akin.
: Bumangon ka. Hindi ako tatakbo sa takot sakaling magising ka.
: Mag-vi-viral ka pa nga kapag gigising ka kasi may himala.
: Pagpasensiyahan mo na ako kung pinagdidiskitahan kitang i-chat. Pakiramdam ko kasi nandito ka pa sa tabi ko, sa tabi namin.
: Grabe ang iyak ng mama mo habang binuburol ka samantalang ako ipit ang iyak. Nagpipigil. Ayaw kong umiyak kasi sinabi mong hindi ako iiyak, 'di ba?
: Akala ko nga susuntukin ako ng papa mo noong lapitan niya ako, pero wala naman siyang sinabi at masaya nga raw siyang ako ang boyfriend mo.
: Ikinuwento pala sa kaniya lahat ni mama kung paano natin tratuhin ang isa't isa.
: Legal na tayong dalawa sa kaniya, pero kung kailan tanggap niyang may tayo saka ka naman nawala.
: Bakit napaka-unfair ng mundo? Ang saya-saya pa nating pinag-uusapan ang future natin noong kinagabihan n'on tapos kinabukasan, namaalam ka na.
: Mahimbing kang natutulog nang tingnan kita. Bakit ka nga ba do’n natutulog? Hindi ba dapat sa kama ka natutulog? Ang daming nag-iiyakan. Hindi ba dapat hindi gano’n? Puting-puti ang suot mo at gustong-gusto kitang gisingin no’n pero hindi maaari.
: Gumising ka, tutuparin pa natin pangarap nating dalawa.
BINABASA MO ANG
My Angela (CHAT SERIES #3)
Teen Fiction"You will always be my Angel, My Angela Marquez." - Angelo Flores Started: January 6, 2019 Finished: April 20, 2019 Edited version: July 26, 2020