“Aba, ngiting-ngiti, ah!” masayang bungad ni John nang sabayan ako nito sa paglalakad, papunta sa classroom namin.
“Naman, maganda ang umaga para sumimangot.”
Sinalubong ng kamao ko ang nakaangat sa ereng kamao ni John. Tumawa kami pagkatapos naming pinagbangga ang aming kamao.
“Nang dahil kay Angela ‘yan, kaya ganiyan,” sulpot ni LM at agad ding pumasok sa nadaanan naming classroom.
“Aldrin!” tawag ko sa pangalan niya noong makita kong nakangiti siya nang malapad. Magkakasalubong kaming dalawa at magkaklase rin sila ni LM ngayong oras.
Ibinalik niya ang tingin sa kaniyang cellphone at nailing na lang ako. Kinikilig ang pantog nito panigurado.
Tumigil siya sa aking tapat sabay tapik sa aking balikat. “Oh, miss mo ako?” nakangisi niyang tanong.
“Tinawag lang, miss na agad?”
“Kayo ni Mary Hyziel, kumusta?” usisa ni John, nakalabi.
“Ayon, ni-block niya ako.”
Umalingangaw ang mapang-asar naming tawa sa narinig naming sagot niya. Masakit nga naman talagang ma-block, pero siguro may rason ang mga namblo-block, pero malimit ding trip lang nila. Ang ibig sabihin ng block ay hindi na siya interesado.
“Mauna na ako sa inyo,” paalam nito sa amin at tinapik ang balikat namin ni John.
“Mauna ka lang, wala naman kaming sinabing hintayin mo kami!” sigaw ni John.
“Si Macoy?” tanong ko dahil bukod kay Aldrin, ay bihira ko rin itong makita sa barkada.
“Kasama niya mga barkada niya sa kabilang department,” sagot ni Dylan na kararating lang.
“Magkasama sila ng best friend niyang si Krissel,” dagdag ni John.
Tumango ako sa aking narinig. Tinapik ko ang balikat ni John para magpaalam na mauna na akong pumasok.
-Pagod na pagod akong sumalampak sa kama. Alas-otso pasado na pala ng gabi. Nakakapagod ang buong araw. Napakaraming ginawa. Sa pagbigat ng aking talukap ay biglang nagising ang diwa ko nang marinig ko ang pamilyar na boses.
“Babe,” malambing niyang tawag.
Nagkusot-kusot ako ng mga mata, pinanlakihan pa ito ng mga mata upang masigurado kung siya nga ito. At oo, siya nga.
“Bakit nandiyan ka? Anong ginagawa mo rito?” gulat kong tanong sa kaniya dahil hindi ko man lang napansing pumasok ito.
Baka kanina pa nga ito rito at kinutyaba si mama at dito nagtago sa aking kuwarto.
“Binibisita lang kita,” nakangiti niyang sagot at humakbang palapit sa akin. Pinasadahan ng tingin ang naka-display na alarm clock sa study table.
“Gabi na, ah. Tumakas ka na naman ba sa inyo at pumunta ka pa rito sa Palawan?”
Umiling ito at tila may kakaiba sa kaniya. “Anong oras ka dumating? Kumain ka na ba?” tanong kong muli. Tuluyang nagising ang inaantok kong diwa.
“Kani-kanina lang. Busog pa ako, babe,” nakangiti pa rin nitong sagot.
Pinapakaba ako ng kaniyang pagngiti. Nangunot ang noo ko nang mapansin kong nagtutubig ang mga mata niyang inabot ang aking pisngi. “I love you,” she whispered and extended the word 'you' in the end.
“I love you more,” sagot kong may paglalambing sa kaniya. Mas lumawak ang ngiti niyang nakaukit sa labi nito.
Umisod ako sa aking kama at tinapik ang espasyo para maupo ito.
Umupo siya. “Babe, kapag nawala ako, huwag kang iiyak, ha?” biglang sabi niyang kinunutan ko ng noo.
“Iiyak? Mawawala? Ayan ka na naman sa mga pinagsasabi mo. Huwag kang negga, okay?” natatawa kong habilin. Umiling siya.
“Ayaw kong makita kang umiyak. Kalimutan mo na agad ako,” seryosong sabi niya.
Walang halong biro kaya hindi ko magawang biruin o ni tumawa dahil napakaseryoso niya ngayon.
“Palagi mong tatandaan na minahal kita. Ikaw lang mamahalin ko kahit wala na ako, ikaw lang. Mahal na mahal po kita, cross my heart. Sorry kung madalas kitang inaaway. Mami-miss kita.” Tiningnan ko siyang tumayo at pumihit patalikod 'tsaka naglakad palabas.
Tumayo ako sa aking pagkakahiga at hinabol siya.
“Teka—”
“Kuya, sinong kausap mo?” Nilingon ko ang kapatid ko pagkabukas ko ng aking pinto. Nakakunot ang noong nakasilip sa akin.
“Huh? Kausap ko, Ate Angela mo.”
Luminga-linga ito sa kuwarto ko. Tila may hinahanap. “Ate Angela? Wala naman siya rito, kuya. Nanaginip ka lang.”
Dinaga ako ng kaba nang marinig ang sagot ng aking kapatid. Anong sabi niya? Imposible! Natawa ako nang mahina sabay iling dito.
“Nandito siya.”
Muli siyang lumingon sa buong kuwarto ko at napasimangot dahil wala siyang makita. Pero itinuro ko ang cabinet dahil nandoon lang siya. Sinundan niya ito ng tingin at mas lalong humaba ang kaniyang nguso sa pagsimangot.
“Wala nga sabi, kuya. Kaya nga pumunta ako sa kuwarto mo kasi kinakausap mo sarili mo, naririnig ko sa sala.”
“Anong nanaginip? Ikaw yata itong nanagini—” Tumigil ako sa aking sinasabi. Nakita ko ang pangalan ni mama, mama ni Angela na tumatawag sa akin.
“Sandali, tumatawag ang Mama niya,” sabi ko. Agad kong sinagot ang tawag niya.
“Hello po, mama,” nakangiting bungad ko.
Naningkit ang mga mata ko at nangunot ang noo nang mapansing tila ang tahimik ng background sa kabilang linya. Maya-maya ay narinig ko ang paghikbi ni mama sa kabilang linya. Parang may mali... umiling ako para iwaglit ang negatibong naiisip.
(“Anak… si Angela…”) garalgal ang boses niya sa kabilang linya.
“Ano pong mayroon kay Angela?” kunot-noong tanong.
Magtatanong pa sana ako subalit agad akong inunahan ni mama. (“Wala na si Angela, Angelo.”)
Mapakla akong tumawa saka nailing. Sinusurpresa na naman ba niya ako?
“Po? Ano pong wala? Huwag po kayong mag-alala, nandito po siya. Tumakas na naman siya sa inyo at nagpalusot na naman sigurong may field trip.” Sabay tawa ko nang mahina dahil iba ang pakiramdam ko sa katahimikan at kaseryosohan.
Iisang bagay lang ang tumatakbo sa isipan ko at ayokong paniwalaan iyon. Kailangan kong madaig ang negatibo, pero malakas ang hatak nito sa akin at parang iyon nga ang ipinapahiwatig ng mama niya, na wala na... wala na siya.
Nai-imadyin kong umiiling-iling si mama. Lumakas ang kaniyang paghikbi na mas lalong nagpakaba sa akin.
(“Hindi, hijo. Wala na si Angela. Patay na ang anak ko.”)
Pumikit ako nang mariin at bumigat ang aking paghinga sa narinig. Kinusot ko ang mga mata ko para gisingin pa lalo ang sarili.
“Hindi po ‘yan totoo, ‘di ba? Magkausap lang kami kanina at magkausap kami sa chat kahapon. Paanong…” napasuklay ako sa aking buhok. Napakaimposible ng pangyayari. Nag-usap pa kami kanina at... tumingin ako sa phone screen nang mag-pop ang 0% percent battery at may countdown na para mag-shutting down. Mabilis akong tumayo at hinalungkat sa bag ang charger pero wala ito.
(“Nabangga ang sinasakyan niyang jeep ng b—”) kusang naputol ang tawag nang mag-shut down ito bigla. Tulala akong tumingin sa kapatid kong nandito sa aking tabi, salubong ang kilay niya.
"Angela..." nagsitulo ang mga luha ko sa aking mata. Humihiling ako sa Itaas na sana masamang panaginip lang ito.
BINABASA MO ANG
My Angela (CHAT SERIES #3)
Teen Fiction"You will always be my Angel, My Angela Marquez." - Angelo Flores Started: January 6, 2019 Finished: April 20, 2019 Edited version: July 26, 2020