July 11, 2017
11:23 AMAngela
: Busy?
: Buti naabutan kitang OL
: Wala akong makausap
Angelo
: Hindi naman busy
: Tara, usap tayo
: Vacant mo?
Angela
: Oo. Wala akong makainan
: Halos puno na ang carenderia sa labas at sa canteen naman sa university ay napakaraming tao
: Pati mga pagkaing iniluto nila ay bawal sa akin.
: Bakit ba ako ipinanganak na maraming bawal?
: Bawal ang seafood, manok, itlog. Giniling na lang kakainin ko mamaya kapag nagsialisan na iyong mga nasa canteen
Angelo
: Ayaw mong mag-take out?
: Anong oras ang susunod mong klase?
Angela
: VC tayo.
Bumungad ang pangalan niya sa screen ng phone ko. Tumayo ako at nagtungo sa upuang bakante sa pinakalikod para walang magpapansin sa likuran ko habang kausap ko siya.
Pagkaupo ko ay sinagot ko ito. Nakita kong kumaway-kaway ito habang nakasaltak sa kaniyang tainga ang earphones. Nakaawa ang mga mata niya nang tingnan ko, tila nawawala siyang paslit.
“Ala-una ang next class ko, ikaw ba? Baka may klase ka,” sagot niya sa tanong ko kanina.
Naningkit nang bahagya ang mata ko dahil napapansin kong may kakaiba sa kaniya. Itinulak ko ang kaklase kong nakikisama sa video call.
“Dude, mind your own business,” iritableng paalala ko sa kaniya, pagkatapos ay ibinalik ko ang tingin sa aking kausap.
“Wala pa naman iyong instructor at ang sabi nila ay nasa meeting daw kaya mamayang ala-una y media rin ang susunod kong klase,” nakangiting sagot ko sa kaniya na nagpatango-tango sa kaniya.
“Kumain ka na?”
She brushed her hair using her comb. Pinanood ko kung paano niya suklayin ang kaniyang buhok hanggang sa pinakadulo ng mahaba niyang buhok. Saglit lang siyang nagsuklay. Kaagad din niyang ibinalik sa backpack bag niya ang suklay ‘tsaka tumingin sa akin nang maigi. Her pitiful eyes make me worried. I couldn’t take care of her personally. I want to buy her food and eat with her, but she’s not here with me.
Tumango ako bilang sagot sa tanong niya. “Katatapos ko lang kanina bago ako mag-online. Kumain ka na. Hindi ka ba puwedeng bumili muna at saka diyan ka na lang sa puwesto mo kumain? Malapit nang mag-ala-una,” nag-aalala kong sambit. Kung maiaabot ko lang sa kaniya ang pagkaing bibilhin ko, at kung matatanggap lang niya ay gagawin ko.
Dumako ang tingin niya sa malayo kaya nanatili akong nakatitig sa kaniya. “May bakante na!” masaya niyang sambit dahilan para ngumiti ako.
Naririnig ko ang pagtakbo niya habang nakatingin lang sa cellphone niya habang nakangiti nang malawak. “Watch your steps. Matitisod ka kapag sa camera ka lang titingin.”
“Sira! Nakikita ko naman ang dinaraanan ko. Hindi ako clumsy.” She burst a cute laughed that it made me smile from ear-to-ear. This woman, she certainly knows how to make me smile in her simple actions.
BINABASA MO ANG
My Angela (CHAT SERIES #3)
Teen Fiction"You will always be my Angel, My Angela Marquez." - Angelo Flores Started: January 6, 2019 Finished: April 20, 2019 Edited version: July 26, 2020