Tinawagan ko ang mga kaibigan niya, pagkarating ko. Kinutiyaba ko sila para i-surprise ang birthday boy. Hindi naman tumanggi ang apat dahil gusto raw nilang maatake sa puso ang kanilang kaibigan sakaling makita niya ako. Susunduin ako ni Macoy. Si LM sana kaso busy siya kasama si John sa paghahanda ng pagkain sa bahay nila Dylan. Samantalang si Dylan ang nagdi-disenyo sa sala nila at si Aldrin daw ang bahalang susundo kay Angelo kasi mas maniniwala raw siya dito kaysa sa kanilang apat.
Nakausap ko na rin ang parents niya at pumayag naman sila. Natatawa nga ako dahil pasimple pa si tito na hindi niya alam na hindi ako darating. Naghihintay talaga si Angelo ng himala at nangyari nga. Hinawakan ko ang dibdib ko noong tumikhim si Macoy mula sa likuran ko.
“Nakakagulat ka naman!”
Tumawa siya, tuwang-tuwa pang ginulat ako.
“Welcome back!” natatawa, ngunit masiglang turan niya sabay yakap pa sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya. Ibinigay naman niya ang helmet sa akin at pinaangkas muna sa kaniyang motorsiklo bago siya sumakay at paandarin.
“Kanina ka pa ba naghihintay?” tanong niyang naulinigan ko.
“Hindi naman. Si Angelo, nandoon na?”
Umiling siya. “Sinusundo pa lang siya ni Aldrin. Hindi pa nga pala alam n'on na kayo na,” natatawang sambit niya.
Kilala ko naman talaga si Aldrin, nakita ko na siya personally, subalit hindi niya alam na mag-on kaming dalawa. Ang alam lang niya kasi ay nililigawan pa lang niya ako. Binusog ko ang mga mata ko sa paligid. Napakaganda nang paligid. Ang ganda ng bungad sa akin. Nadaanan pa namin ang isang kilalang dagat dito.
Humawak ako nang mabuti sa damit ni Macoy nang bumilis ang pagpapaandar niya sa kaniyang motor. Hindi nagtagal, nakarating din kami sa isang bahay. Ngayon ko lang nakita ang bahay nila Dylan, at taga-rito pala siya. Malapit sa dagat ang kanilang bahay. Himalang biniyayaan siya ng maputing balat dahil nakakaitim kaya ang tumira sa ganitong lugar. Although, living near the beach is a great place to live. The scenery here in Puerto Prinsesa is awesome.
Iginiya ako papasok ni Macoy sa loob ng bahay nila Dylan. Dalawang palapag ang bahay at sa labas ay masasabi mong napakasimple lang dahil napaka-boring ng pinturang puti. Subalit nang makapasok ako sa loob ay nakalalaglag ng panga pala ang interior design sa loob. Mamahalin ang lahat!
Inilibot ko ang paningin ko. Naghanda pa ako ng magalang kong pagbati sa parents niya, subalit mukhang sinamantala ng lalaki habang wala ang parents niya sa bahay. Hindi pa yata nagpaalam ang isang ito.
Sinalubong nila akong tatlo. Pawis na pawis na nakangiti si Dylan, may hawak pang lobo habang itinatali niya. Samantalang nakangiti rin sila LM at John.
Madungis sila kaya ako na ang lumapit para yakapin sila isa-isa.
“Thank you sa inyo,” masaya kong saad. Kahit madalas isinusumbong ni Angelo sa akin ang mga kaibigan niya, napamahal na rin sila sa akin at kaibigan din ang turing ko sa kanila.
“Maliit na bagay,” sabay-sabay nilang sabi na ikinatawa ko nang mahina.
Lumingon ako sa kinaroroonan ng pinto nang may pumasok. Sumingkit ang mga mata kong kinilala ang lalaking dumating. Si Aldrin ba siya?
Nakangiting siyang kumaway at dinaluhan ng yakap na ikinagulat ko.
“Kayo na pala, akala ko hindi mo na sasagutin. Anyways, welcome back. Balik ka na rito nang hindi sumimangot si Angelo,” sabi niyang doon ko nakumpirmang siya nga si Aldrin.
“Yumakap ka agad ng hindi nagpapakilala. Sabihin mong ikaw si Aldrin, ang patay na patay sa ka-chat niyang si Mary—”
“Patay na patay sa babaeng hindi ako gusto,” nakangiting putol niya sa sinasambit ni John.
BINABASA MO ANG
My Angela (CHAT SERIES #3)
Teen Fiction"You will always be my Angel, My Angela Marquez." - Angelo Flores Started: January 6, 2019 Finished: April 20, 2019 Edited version: July 26, 2020