August 15, 2017
5:35 P.M.Angelo
: Puwede na tayong mag-usap?
: Kahit hindi na tayo mag-chat basta sagutin mo lang ang tawag ko. Ni-re-reject mo kasi. Pasagot naman, o.
: Gusto ko lang marinig ang boses mo.
: Kahit “hi babe” lang please.
Inihilamos ko ang palad dahil ni seen ay wala akong natanggap mula sa kaniya. Ganoon ba talaga niya sineryoso ang ginawa ko? Bakit nga ba kasi hinayaan ko ang mga tukmol na ‘yon.
Tiningnan ko ang messages ko kung may reply siya, pero wala. Maririnig ko naman kapag may reply siya dahil hindi ito naka-silent. Nagtipa ulit ako ng mga salitang ipapadala sa kaniya.
To: Babe
Can I call? Gusto ko lang talaga marinig ang boses mo. Kahit hindi ka na gaanong magsalita basta sagutin mo lang ang tawag ko. Magtutula ako para sa ‘yo.
Bumuga ako ng hangin pagka-sent ko ng aking mensahe. Ibabalik ko na sana ang cellphone ko sa ilalim ng aking unan upang matulog muna ako, pero malakas na tumunog ang ringtone na naka-set—bilang palatandaan na may text akong nanggaling sa kaniya. Malapad ang ngiting iniukit sa labi at hindi ko mapigilan ang excitement na buksan ang cellphone ko upang mabasa ko na, ngunit napawi sa isang iglap dahil sa aking nabasa.
From: Babe
I can’t answer your phonecall. I am still busy. Sorry.
To: Babe
Talaga bang busy ka o iniiwasan mo ako?
Nabitawan ko bigla ang hawak kong cellphone ko nang mapindot ko ang ‘send’ button sa tabi.
“Shit! Huwag sanang mag-send,” pakiusap ko sa hangin. Pinagpawisan ako bigla sa kaba. Mas lalo niya akong hindi kakausapin kapag matatanggap niya. Ayaw kong manghinala dahil alam kong nagsasabi naman siya ng totoo, na busy talaga siya. She doesn’t want to hold her phone if she’s doing an important task.
Kinagat ko ang ibabang labi kong pinindot nang mariin ang power button para i-shutdown nang sa ganoon ay hindi mag-send, ngunit laking tuwa ko nang makita ko ang katagang ‘messagge sending failed’ sa notification bar ng aking cellphone. Napasuntok ako sa hangin dahil sa tuwa.
Bumalik ako sa messenger para mag-chat na lang sa kaniya kaysa sa mag-text pa dahil mahahawakan na naman ang phone niya para reply-an ako’t tawagan ako bigla para manisi kapag hindi niya natapos ang mga gawain niya.
Angelo
: Chat mo ako kapag hindi ka na busy.
: Hihintayin ko.
: Mag-ingat ka sa pag-uwi kung hindi ka pa nakakauwi.
BINABASA MO ANG
My Angela (CHAT SERIES #3)
Teen Fiction"You will always be my Angel, My Angela Marquez." - Angelo Flores Started: January 6, 2019 Finished: April 20, 2019 Edited version: July 26, 2020