September 19, 2017
7:27 AMMinumulto ako ng panghihinala ko sa kaniya. It didn't give me a nice sleep.
Nakaupo ako sa sala habang nasa tabi ko ang aking kapatod. Nakikinood ako sa pinapanood niyang Naruto.
“Bakit ka malungkot, kuya?” tanong ng nakababata kong kapatid, si Louie. Wala si mama dahil maagang namalengke. Si Papa ay wala pa rin hanggang ngayon. Siguradong na-extend ang trabaho niya sa Maynila kaya wala pa siya dito hanggang ngayon.
Naniningkit ang mga matang tiningnan ito. Nine years old pa lamang ay may nililigawan na. Dinaig ako ng aking kapatid. Samantalang sa ganoong edad ako tulad niya ay napakatorpe pa ako at hanggang crush lang ako noon.
“Hindi pa rin ako pinapanain ni Ate Angela mo, Louie,” matipid ang ngiti kong saad. saad ko pa rin.
Hininaan niya TV, ibinigay niya sa akin ang kaniyang buong atensyon. “Magbabati rin kayo, kuya.”
Tinapik-tapik pa ako sa aking balikat. Natawa ako nang mahina sa inasal ng bunsong kapatid. Kayang-kaya pala niyang pagaanin ang loob ko. Kapag ito nagka-girlfriend, dapat munang dumaan sa akin ang babae. Ayaw kong masaktan sila pareho ng magiging girlfriend ng aking kapatid.
“Kaya kapag ikaw, nagka-girlfriend, huwag na huwag kang gagawa ng ikaiinis ng girlfriend mo, ha? Intindihin mo na lang kahit sobrang moody kasi ganoon madalas ang mga babae. Ang hirap pakisamahan, mauubos pasensiya mo, pero kailangan mo silang intindihin,” habilin ko sa kaniya.
Minsan nakakairita, nakakainis, nakakawalang-gana, pero gusto lang palang magpalambing. Hindi ko na maintindihan si Angela, ngunit kailangan kong intindihin.
“Gusto kong maging ikaw, Kuya.”
Ginulo ko ang kaniyang buhok. Gusto pala niyang maging ako balang araw kaya mapagbutihan nga ang pagganap bilang kuya niya. Ako pala role model nito sa buhay.
May sasabihin pa sana ako nang biglang nag-ring ang cellphone kong nasa ibabaw ng unang nasa pagitan namin.
“Sandali, sagutin lang ni Kuya ito, a.”
Tumango lang ito. My forehead creased when I unregistered number popped out on the screen of my cellphone.
“Hello, sino ito?” kaswal kong tanong. Tahimik ang nasa kabilang linya. Parang wala akong kausap.
“John, ikaw ba ‘yan? Huwag mo nga akong pagdiskitahan!” may pagbabanta kong sabi sa kabilang linya.
Hanggang ngayon ay wala pa ring imik ang tumawag. Sino kaya ito?
“Hello, mali ba ang natawagan mo?” kunot ang noong tanong.
(“I miss you.”)
Awtomatikong umukit ang ngiti sa labi ko pagkarinig ko sa kaniyang boses. I miss her voice.
Ang nanlalanta kong katawan ay nagkaroon nang enerhiya dahil narinig ko ang kaniyang boses.
“Babe! Kumusta ka na? Miss na miss kita!” masiglang wika ko.
(“Nawala ko ‘yong cellphone ko kahapon ng hapon. Sorry.”)
Nai-imadyin kong nakangiwi itong nanghihingi ng paumanhin.
“Saan mo nawala iyong cellphone mo? Hindi ba nila ibinalik sa 'yo?”
(“Naiwan ko sa jeep. Hindi naman na ibinalik sa akin,”) matipid niyang sagot. Narinig ko ang malalim niyang pagpapakawala ng buntonghininga.
Tumango-tango ako sa aking narinig.
“Bati na tayo?”
Tumamihimik nang matagal ang kabilang linya. Kinagat ko ang aking labi dahil tumawag lang yata siya para sabihing new number niya ito at itutuloy ang pagtatampo niya pagkatapos ng aming pag-uusap.
(“Opo. Sorry, nahimasmasan lang sa sinabi ng kaibigan ko at nag-explain na rin sila Dylan sa akin. Dapat pala hindi ako naghinala sa ‘yo, dapat pala nagtiwala ako sa ‘yo. Sorry, babe.”)
Dapat lang na magpaliwanag ang mga gagong 'yon dahil sila ang may pakana n'on. Mabuti rin namang nahimasmasan siya dahil hindi ko alam ang aking gagawin kung 'di pa niya ako kakausapin.
“Naiintindihan ko. May kasalanan din naman ako, pero kalimutan mo na iyon. Tapos na at ang mahalaga ngayon ay magkaayos na tayo. Pero. . .” pamimitin ko. “Unblock mo na ako sa facebook.”
(“Kanina ka pa kita in-unblock. Kahit hindi mo sabihin, i-a-unblock kita.”)
Napasuntok ako sa hangin dahil sa tuwa. Sa wakas ay nakalaya ako sa mga pag-aalala ko.
“Thank you, babe!”
(“Mamaya na lang kita i-chat. Bye-bye muna, may ginagawa pa ako.”)
Tumango-tango ako sa sinabi niya. “Take your time. I love you.”
“Ang ganda naman ng ngiti mo, kuya,” nakangiting puna ni Louie. Ipinatong ko ang aking cellphone sa unang nasa pagitan namin.
“Bati na kami ng ate mo, Louie!” tuwang-tuwa kong sabi at niyakap siya.
Nakisaya sa akin ang kapatid ko. Nag-apir kaming dalawa.
“Inuman na!” sabat ng mga pamilyar na boses.
Lumingon ako sa pinto kung saan nanggaling ang boses. Inis ko silang tinapunan ng tingin.
“Sino nagsabing puwedeng pumasok ang tulad ninyo?”
Tumawa silang apat. “Porque wala lang ulit si Aldrin, ganiyan ka na,” nakangusong sabi ni Dylan, tunog nagtatampo.
Nginiwian ko lang ito at hinablot ang unang sinasandalan ko. Inambahan kong ibabato sa kanila kaya isinangga nila ang kanilang mga kamay.
“Sinong nagsabing wala ako?” taas-kilay na sabi ni Aldrin.
Nailing kaming pareho sa kanila. Madalas talagang sakit sila sa ulo.
“Busy lang ‘yan sa iba,” tukoy ko sa kanila habang nakaturo kay Aldrin gamit ang aking nguso.
“Nagseselos!” sabay-sabay nilang kantyaw para ilingan ko na lang.
“Nagseselos siya, yieee!” kantyaw nilang lahat samantalang tumatawa lang sina Macoy at Aldrin.
“Gago!” asik ko.
“Guwapo,” pagtatama nilang lahat sabay tawa nang malakas.
“Fuckboy!” naiinis kong angil sa kanila.
Umiling silang lahat at sabay-sabay nila akong itinama. “Tayo.”
Tumawa na lang ako dahil wala akong aaksayahing oras ngayon para sumimangot kasi nagkaayos naman na kami ni Angela, kaya makikisabay na lang ako sa kanilang trip.
BINABASA MO ANG
My Angela (CHAT SERIES #3)
Teen Fiction"You will always be my Angel, My Angela Marquez." - Angelo Flores Started: January 6, 2019 Finished: April 20, 2019 Edited version: July 26, 2020