Chapter 55

40 2 0
                                    

March 9, 2018 at 12:10 PM

"Angelo, puwedeng makisabay sa 'yo ulit?" Nakangiti niyang tanong sa akin.

"Bianca, sorry, pero may kasabay akong kakain," simpleng sagot ko sa kaniya bilang pagtanggi. Ang totoo ay wala akong kasabay at ayaw kong sumabay siya sa akin. Ayaw kong mas lalo siyang ma-attach dahil ayaw ko.

Kinuha ko ang aking pitaka at ibinulsa. "Gan'on ba?" nadismaya niyang sagot at napawi ang magandang ngiti sa labi niya.

Tiningnan ko siyang tumalikod at naghanap ng makakasama niya, ngunit lahat ay may kasama na ring kakain. Bumuntonghininga akong tinanaw siyang maglakad nang bagsak ang balikat.

Inilabas ko sandali ang cellphone ko at napansing may chat pala siya sa akin. Pikitmata akong nagkamot ng aking batok bago ako mag-type ng sasabihin ko.

Angelo

: Tara sabay na tayo.

Seen 12:16 PM

Bianca is typing...

Bianca

: Seryoso? Akala ko ba may kasabay ka?

Angelo

: Wala.

Bianca

: Aysus! Nagsinungaling ka na naman serrr. Puwede mo namang diretsahin ako mas mainam pa 'yon kaysa sa magsinungaling.

Angelo

: Hindi ba mas nakakasakit sa damdamin ang diretsahin ang isang tao kaysa sa magpalusot?

Bianca

: Mas masakit ser yung nagpalusot ka pa para hindi mo ma-offend yung tao.

: Hindi naman sa diretsahin mong sabihin. Say it in a better way na hindi naman gaano nakaka-offend. Mas maiintindihan nila 'yon kaysa sa nagsinungaling ka para tanggihan.

Angelo

: Okay.

Bianca

: So ano na ser sabay na tayong kumain? Baba ka na. Maghihintay ako rito sa lobby.

Angelo

: Bianca, hindi ko ito masabi sa personal kaya dito na lang.

: Please, huwag kang ma-attach sa akin. Umamin ka na sa aking may gusto ka pero hindi ko iyon maibabalik. I'm still stuck with her. Siya pa rin at wala ng iba.

Bianca

: Masakit sa mga matang basahin. Busted agad ako. Shakeeet serrr. Hindi pa ako nanliligaw, eeee!

: But I understand. Let's be friends na lang po serr. Hindi ko naman ipinipilit at handa pa rin akong maghintay kung sakali.

: Ikaw muna crush ko ser habang wala pang itinitibok na bago ang mga mata ko.

Angelo

: Baliw. Lol.

Bianca

: Ser naman hindi ako baliw. Wala akong saltik pero slight lang.

Natawa na lamang ako sa reply niya. Kuwela kausap at makulit. Aaminin ko. . . naaawa ako sa kaniya at gusto ko ang personality niya. Masaya siyang kausap at nakakalimutan ko ang aking pagod kapag kausap siya madalas.

Kikilalanin ko muna at hahayaan ko ang aking pusong ibigin siya kung maiibigan ko nga. Isa siya kaibigan ko na rin dito sa aking pinagtra-trabahuan. Hindi naman magagalit sa akin si Angela kung sakaling maiibigan ko siya. At wala ring mawawala kung susubukan ko siyang papasukin sa aking buhay.

My Angela (CHAT SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon