Chapter 25

93 5 0
                                    

August 23, 2017

6:23 AM

Angela

: Hi babe, kumusta ka na?  Dumating na ang pinakahihintay kong araw! Inaabangan ko talaga ito.

: Online ka naman siguro, ‘di ba? Sana mabasa mo at umaasa akong makatatanggap ako ng reply mula sa iyo.

: Ito na!

: Happy eight monthsary sa ating dalawa! Akalain mo iyon eight months na tayo at isang buwan mahigit na tayong magkalayo. Stay strong sa atin! Walang maghihiwalay, ah? Magkaselosan man tayo, mag-away at magkatampuhan man tayo pero sana hanggang doon lang at hindi na aabot sa break up. Remember you're my source of happiness at hindi iyon biro. Ikaw lang kaya ang sili ko—ang mahal na mahal ko. Aysus! Korni ng banat ko pero sana kiligin ka sa pa-effort kong ito. Gusto ko sanang i-vm na lang kaso nahiya ako bigla kung maririnig mo ang boses ko. May natitira pa akong hiya pagdarting sa ‘yo. Dapat sana ay nagde-date tayong dalawa gaya ng ginagawa natin madalas noong tayo pa ang magkasama. Kahit hindi tayo magkasama at hindi natin magagawa ang mga gusto nating gawin, puwede naman tayong mag-date online through video call.

: At saka bilib ako sa iyo dahil hindi mo nakaliligtaang i-chat ako kahit busy ka.  Naalala ko tuloy kung paano tayo nagkakilala at nagkaroon ng tayo. Ikukuwento ko pa ba? Sige na nga,i-summarize ko na lang dahil alam ko namang tandang-tanda mo pang lahat. May mababasa ka ring hindi ko pa nasasabi sa iyo. Simulan na natin!

: Alam mo bang matagal na rin akong may gusto sa iyo noong elementary pa lang tayo? May kumalat na tsismis kaya noon na gusto kita at ang alam ko ay nakarating sa iyo iyon. Paano ba naman kasi iyong kaibigan ko. Nakakainis kasi hindi marunong magtago ng sekreto. Kahit magkaibang section tayo noong grade 6 ay madalas pa rin tayong nagkikita at nagkakangitian lang. Matagal ko nang alam na may gusto ka sa akin. Mula grade 3 to grade 5 magkaklase tayo, at lahat ng kaklase natin ay alam na alam iyon. Nakalulungkot lang dahil noong grade 6, hindi na tayo magkaklase. Nasa section 1 ako samantalang nasa section 2 ka. Comeptetive ka rin pala, hindi nagpapatalo kaya ayon, ikaw ang salutatorian habang ako naman ang valedictorian noong elementary tayo. High school, nagkahiwalay tayo ng school pero palihim kong binibisita ang account mo sa facebook para maging updated ako sa buhay mo at puro shared posts ang nakikita ko sa timeline mo hanggang sa isang araw, nalungkot ako dahil nakita ko ang bago mong facebook status na ‘in relationship’ ka na pala. Tumigil na ako sa pag-s-stalk sa iyo simula noong nagka-girlfriend ka kasi ayaw kong saktan ang sarili ko at mas lalong maging malungkot. Mabilis lumipas ang araw at noong grumaduate tayo sa high school, doon ko lang binisita ang account mo at nakita ko ang mga broken hearted shared posts mo kaya naisip ko kaagad na wala na kayo ng girlfriend mo at ang status mo ay napalitan na ng ‘single’. Dapat ay malungkot ako dahil malungkot ka kasi nasasaktan ka pero ang saya-saya ko sa nalaman ko. Bago ako pumasok sa dream university ko, may reunion tayong lahat na magkakaklase sa elementary. In-add ako sa gc at nandoon ka rin pala. Isa ka sa chat nang chat sa gc kasama iyong kaibigan mong si Aldrin at Mark Adrian. Nagkita tayo roon at grabe ang saya ko noon nang ngitian mo ako, tapos nag-hi ka sa akin kaya abot-langit ang kilig ko. Kahit sinabi kong naka-move on na ako, ikaw pa rin talaga. Lakas na yata ang tama ko sa iyo. So, doon na nga nag-umpisa... nagkuwnetuhan tayong dalawa. Binalikan natin kung gaano tayo ka-comepetitive sa isa’t isa hanggang sa sumapit na ang gabi, kailangan na nating umuwi noon kaya hindi na ako tumanggi nang kunin moa ng cellphone number ko. Para akong nanalo sa lotto dahil sa wakas may commnucation na ako sa iyo lalo na noong mag-text ka sa akin, nagtatanong kung nakauwi na ako kaya bago ako pumasok sa bahay n’on ay nagpa-load ako para ma-reply-an ka.  First year college and we are the same school. Muli akong nabigo na maging akin ka dahil may bago kang girlfriend noon. Ayaw ko na sana ang maghintay at umasa pa na magkaroon ng tayo, pero naghintay pa rin ako parang imposible na ang pangarap ko. Sinubukan kong magpaligaw pero hindi ko rin sinagot dahil ayaw ko sa kaniya. Ikaw lang ang gusto ko until one day. . . destiny didn't make me hopeless this time. Third year college ka noon at one year ka na ring single, tapos palagi tayong nagkakasalubong n’on, sabay pang kumain sa canteen dahil magkaklase tayo sa lahat. Same block tayo at doon na nga nag-umpisa ang lahat. Nanligaw ka ng ilang buwan at sinagot kita, kaya heto. . . walong buwan na tayong magkasama.

My Angela (CHAT SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon