July 20, 2017
8:19 P.M.Angela
: Babe?
: Are you busy?
Angelo
: Ayyym heeeree.
Angela
: Puwede mo ba akong gawan ng spoek word ngayon?
Angelo
: Pahintay na lang,
babe, a?: May topic ka bang gustong marinig?
: Iyong specific topic?
Angela
: About family?
Angelo
: Hindi ako marunong pero sige susubukan ko. Impromptu lang ang gagawin ko.
: ▶-----------5:30
Ang tulang ito ay may pamagat na PAMILYANG PANGARAP KO. Simulan na natin.Pamilya?
Binubuo ng pitong letra
Pero ang sakit na ibibigay ay kakaiba
Ang bawat sakit ay nag-iwan ng sugat
Hindi ko alam kung ibabaon bas a limot
O tatanggapin ko na lang lahat?Saan nga ba nagsimula ang pag-aagam-agam ko?
Naalala ko na,
Nagsimula ang lahat sa isang magandang pagsasama,
Binusog ako ng pagmamahal,
Wiling-wili naman ako
Ngunit sa isang iglap ay nagbago,
Napalitan ng “hindi kita mahal” ang salitang “mahal kita”,
Akala ko noong una ay biro,
Pero madalas at napagtantong seryoso
Para bang nabasag ang napakagandang plorera,
Na pinakaiingatan ng bawat isa,
Itinuring na napakamahal at walang katumbas na ibang halaga,
Sapagkat pagmamahal lang ang kaakibat nito
Ngunit sa isang pitik ay naglaho.
Pumikit lang ako, wala na.
Away nang away,
Humantong sa paghihiwalay,
Buong pamilya ang nais ko!
Ibigay ninyo naman nang sumaya ako,
Gusto kong maging masaya kasama kayo,
Buong pamilya ang pangarap ko!
Magkaayos na kayo, ina, ama,
Tama na ang away,
Tama na.Angela
: Ang galing! Napaluha ako habang pinakikinggan ko ang voice message mo.
: Masyadong malungkot. Damang-dama ko. Salamat, babe.
Angelo
: Kinabahan ako sa mga sinasabi ko. Ahahaha
: Hindi kasi ako sanay na hindi ko pa na-proofread at edit ang sinasabi ko.
: Anyway, I am happy to know that you loved it.
Angela
: I will always love your spoken poetries.
: Magaling ka kaya sa bagay na iyan at huwag mong ibaba ang sarili mo.
: Matulog na tayo, babe. Gabi na rin.
Angelo
: Sigurado ka?
Angela
: Oo. Good night!
Angelo
: See you in
dreamland. I love you.
BINABASA MO ANG
My Angela (CHAT SERIES #3)
Teen Fiction"You will always be my Angel, My Angela Marquez." - Angelo Flores Started: January 6, 2019 Finished: April 20, 2019 Edited version: July 26, 2020