July 15, 2017
8:35 P.M.
Angelo
: Super busssyyyy?
: Pm mo ako kapag hindi ka na buys, haaa?
: *busy
: Nakakahawa talaga si Macoy
: Lakas ng virus niyang typo
Seen 9:00 P.M.
Angela
: Hindi na gaanong busy
: Marami lang talaga kasi akong ginagawa kaya hindi ko mahawakan ang cellphone ko.
: Hinahawakan ko lang cellphone ko kung tinitingnan ko ang oras.
: Ginagawa ko rin iyong sinabi mo tungkol sa pagngiti at iba nga sa pakiramdam ang ngumiti.
: Nakagagaan sa pakiramdam kapag ngumingiti ako. Salamat, babe.
: At saka sila mama at papa, medyo nagiging madalas na naman ang pag-aaway nilang dalawa.
: Natatakot ako sa tuwing nag-aaway sila kasi baka maulit iyong nangyari sa amin dati. Hindi ba nakakatakot iyon?
: Ewan ko ba kung bakit ganito ang buhay ng mag-asawa, palaging may away. Para tuloy ayaw ko ng mag-asawa.
Angelo
: Awtsuu. Canceled na ang kasal natin? Forever boyfriend at girlfriend na lang tayo?
: Hindi naman pare-parehas ang relasyon at nasa magka-relasyon iyan kung paano nila sosolusyunan ang problema nila o hindi pagkakaintindihan.
: Huwag kang matakot mag-asawa dahil kung nasa tamang tao ka, hindi ka niya sasaktan.
: At saka gaya ng sabi ko noong nakaraang araw, parte na ‘yan ng buhay mag-asawa. . . ang pag-aaway. Normal na lang sa kanila ‘yon.
: Palagi ring nag-aaway ang mga magulang ko at ayaw kong gawin ‘yon sa ‘yo kung magiging mag-asawa na tayo.
Angela
: Paano ka nakasisigurong hindi mo gagawin iyon? Na hindi ka sasaktan ng taong mahal mo kahit alam mong nasa tamang tao ka na?
: Hindi mo iyon masasabi agad. Lalabas at lalabas ang baho ng isang tao.
: Napapansin ko ngang maayos pa sila noong mag-boyfriend at girlfriend pa lang sila. Naayos pa nila ang problema nila kapag may hindi sila pagkakaintindihan, pero noong mag-asawa na sila—nakatira na sila sa iisang bubong, doon lumalabas ang tunay na kulay niya. Sasaktan na niya ang asawa niya at aawayin, tapos kung hindi aawayin, hahamunin sa hiwalayan.
: Kaya alam mo iyon. . . nakakatakot na ang mag-asawa.
: At saka hindi mo masasabing nasa tamang tao ka dahil ang pag-ibig, traydor.
Angelo
: Nakakatakot naman ‘yang sinasabi mo, babe.
: Parang ayaw mo na talagang ikasal at alam ko rin namang magbabago pa ang desisyon mo o ang pananaw mo.
: Ipapakita kong hindi ako magiging gaya ng kinakatakutan mo.
: Magkakaiba rin ang pananaw nating lahat sa pag-aasawa—sa buhay may-asawa at masasabi kong tama ‘yong mga sinabi mo dahil madalas ay ganoon nga ang mag-asawa sa panahon ngayon.
: Nakakalungkot ang ganoon, ‘di ba?
Angela
: Sobra.
: Nakakadismaya ang ganoon.
: Oh, may isa pa pala akong gagawin na assignment.
: Lumitaw sa reminder ko. Offline na ako, babe.
: I miss you and I love you!
Angelo
: Hindi mo kailangan ang tulong ko?
: I can help you.
Angela
: Hindi na babe. Kaya ko na ito!
Angelo
: Okay, I love you too.
BINABASA MO ANG
My Angela (CHAT SERIES #3)
Teen Fiction"You will always be my Angel, My Angela Marquez." - Angelo Flores Started: January 6, 2019 Finished: April 20, 2019 Edited version: July 26, 2020