Chapter 36

19 1 0
                                    

September 23, 2017
8:24 PM

Angelo

: Good morning

: *evening pala.

: Happy
monthsarrrryyy

: Kumusta?

Angela is typing...

Angela

: Ayos lang naman kahit busy. Ikaw?

: Happy monthsary too!

Angelo

: Busy rin
pero ayos lang.

Angela

: Good to hear that. :)

Angelo

: Busy sa midterm.

Angela

: Kaya nga magpapaalam sana ako na madalang na lang akong mag-online, kaya kapag offline ako, huwag kang magagalit. Tawagan mo na lang ako kung gusto mong mag-usap tayo.

Angelo

: Bakit parang bored na bored ka? I mean masakit sa feeling na china-chat lang dahil bored. Nakalulungkot 'yong gano'n. Nag-chat dahil bored.

Angela

: Ayan ka na naman. Ilang beses ko bang sasabihin na hindi nga ako bored. Could you stop? Sumasakit na naman ang ulo ko sa 'yo.

: Hindi ba at ayan na ang pinagtalunan natin kahapon?

: Akala ko ba okay na tayo.

: Isa pa, Angelo. Tatapusin ko na talaga ito!

Angelo

: Hindi na talaga.

: Sorryyy

: Hindi ko na uulitin. Pangako.

Angela

: Bahala ka na diyan!

Angelo

: Sandali.

: Sorry na

Huli na noong nag-offline na siya. I sighed from frustration. Naihilamos ko ang aking dalawang palad sa mukha sabay pikit nang mariin. Naiinis ako sa aking sarili. Monthsary pa naman din namin ngayon, ngunit sinira ko ang espeyal na araw na ito para sa amin. Nakakainis!

Humilata ako sa aking kama upang umidlip sandali. Sumasakit ang aking ulo at sa pagpikit ng aking mga mata ay inaaya akong matulog kaya hinayaan ko ang aking sariling makatulog nang tuluyan. Nagising ako nang may kumatok sa aking pinto. Hindi ako umimik at hinayaang may kumatok lang.

"Angelo, nandito mga kaibigan mo at bumangon ka na riyan, kain na."

Boses ni Mama ang narinig ko sa labas. Iritado akong lumabas sa aking kuwarto. Andito na naman ang mga pagulo sa buhay ko.

"Ano na naman 'yang mukhang 'yan?" punang tanong ni Dylan sa akin habang nakangisi.

Masama ko silang tinitigan isa-isa. "Minsan ayaw na naming pumunta rito dahil parang ayaw mong makita ang pagmumukha namin." Kumibot ang labing sabi ni Aldrin saka niya isinuksok ang cellphone niya sa kaniyang cellphone. I remained silent. Hindi ko namang kasalanang maging ganito ako palagi sa kanila. Sumasabay kasi sila sa init ng ulo ko kaya sa kanila ko ipinapadama.

Lumapit si LM sa akin sabay tapik-tapik sa aking balikat. Inis at iritado ko itong tiningnan. "Appreciate us, Angelo. Kami na nga lang ang tunay na nagmamahal sa 'yo, kinaiinisan mo pa kami."

"Oo nga, huwag ganiyan. Mahalin mo rin kami gaya ng pagmamahal namin sa 'yo," sang-ayon ni John.

"Solid friendship," magkasabay na sabi nila Macoy at Aldrin.

"Para kayong mga bakla," naiinis kong sambit sa kanila 'tsaka sila tinalikuran.

"Kuya, kung ayaw mo sa kanila, ako na lang ang ipalit ninyo," presinta ni Louie. Nagkatinginan ang apat sa isa't isa sabay baling sa akin na iniiwasan ko ng mga mata.

"Sige, iuuwi ka na namin tapos tutu—"

"Wala talaga kayong matinong magawa sa buhay. Magsilayas na nga kayo!"

Natahimik sila at tiningnan nila ako. "Hindi ikaw pinunta namin dito, pagkain." singhal ni John.

"Mga patay gutom!"

Tumawa lang sila sa aking itinuran. Masama ko lamang silang tiningnan.

"May problema na naman ba kayong dalawa ni Angela?" kuryosong tanong ni Dylan, umupo sa aking tabi. Nakita ko namang dumaan si Louie, pumasok sa kaniyang kuwarto.

"Ano pa nga ba?" singit ni LM na tila alam niya at nasabi ko sa kaniya, kahit wala naman akong sinabi.

"Kami na lang kasi mahalin mo. Kahit nakakasawa man ang pagmumukha namin para sa 'yo, andito naman kami palagi sa tabi mo," sambit ni Macoy habang nakangiti.

"Drama niyo!" naiirita kong singhal.

"Iiyak na ba kami?" natatawang sambit ni Aldrin.

Isa rin ito. Nakikisama lang kapag hindi rin sila okay ng kinukulit niya sa chat. Bakit ba kasi ganoon ang mga babae? Hindi man lang kami iniisip. Akala nila ay hindi kami nasasaktang mga lalaki.

"Para kayong bakla!" nairirita kong singhal.

Nakangusong tumingin sa akin si LM na tumabi. Minasahe niya ang magkabilang balikat ko.

"Because we mahal you. So, appreciate the love na bigay namin to you."

Napakamot na lamang ako nang marahas sa aking batok. Minasahe nilang lima ang likod ko. Dito makiki-sleep over ang mga tukmol na ito. Hahayaan ko na lang sila kahit madalas nakakainis silang kasama.

Nakikinig lang ako sa kanilang kuwentuhan. Nakikitawa kapag tumatawa sila. Sinubukan kong libangin ang sarili ko, ngunit si Angela ang laman ng aking isipan. Nine twenty na ng gabi kaya naisipan kong buksan ang nakapatay kong cellphone upang i-chat siya.

Ngumiti ako dahil may chat pala siya sa akin. Hindi na ako magta-type ng "hi" at tamang-tama dahil online siya. Makikipagpuyatan ako sa kaniya ngayon.

9:23 PM

Angela

: Cool-off muna tayo.

Nanginig ang kamay ko sa aking nabasa at tumahimik sila. Ramdam kong nakatingin sila akin.

Hindi ba ako namamalikmata sa aking nabasa?

Cool off? Tinawagan ko siya pero hindi niya sinasagot. Nag-chat din ako sa kaniya, ngunit hindi siya nagre-reply kahit online siya.

My Angela (CHAT SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon