Chapter 30

232 5 0
                                    

September 11, 2017
6:25 AM

Angelo

: Ano? Hindi!

: Huwag ganiyan,
please!

: Ano ba talaga ang kasalanan ko?

: May mali ba
sinabi ko?

: Okay pa tayo noong August 29, ah? Bakit?

:  Sabihin mo
naman sa akin.

: Nalaman ba ni papa mong may boyfriend ka, kaya nakikipag-break ka na sa akin?

Seen 7:00 A.M.

Angela

: Give me some space.

Angelo

: Ayaw ko.

Angela

: One week.

: Huwag mo muna akong kausapin ng one week.

Angelo

: Hindi ako pumapayag.

Angela

: Kahit ayaw mo, iyon yung gusto ko.

Pumikit ako nang mariin sabay pakawala nang malalim na buntonghininga. Minabuting ilayo muna sa akin ang hawak kong selpon bago pa ako magwala. Isiniksik ko ito sa ilalim ng aking unan. Napahilamos na lamang akong napayuko. Wala akong magagawa kun’di pumayag sa kagustuhan niyang isang linggo. Tama rin naman siya dahil wala rin akong magagawa sa gusto niya. Inalala kong mabuti kung ano ang nagawa kong kasalanan o ang ayaw niya kaya nagkaganito.

Napasabunot ako sa aking buhok dahil wala akong maalala. Ang tanging alam ko ay picture lang iyon. . . wala na akong ibang ginawa pa. Nagkaayos naman kami noong hindi ko sinasadyang malasing ako.

Hindi na nga kami nagkikita sa personal tapos ganito pa siya? Nakakapang-init ng ulo pero kailangan kong intindihin. Paniguradong matatapos ang relasyon namin kung sasabayan ko siya sa pagtatampo niya.

Malalim akong bumuntonghininga. Hinilot ko ang sentido ko’t pabagsak na bumalik sa pagkakahiga. Gusto kong tanungin kung bakit, pero alam ko sa sarili kong hindi niya ako sasagutin.

Nagmuni-muni ako. Pilit kong inaalala kung may nagawa akong mali at baka. . . baka may nasabi ang mga kaibigan ko sa kaniya. Lalo na si John, malakas palagi ang trip sa buhay, at sasakyan naman siya ng dalawa, sina LM at Dylan, na palagi niyang kasama. Ang dalawa ay may sariling buhay. Si Aldrin talaga ang palagi kong kasama, pero dahil busy siya sa iba, mag-isa na lang ako ngayon. Hindi ko na gaanong nakakausap. Samantalang si Macoy ay ka-close ng lahat.

Tumingin ako sa pinto nang bumukas ito. Sumilip ang nakababata kong kapatid.

“Kuya?” patanong niyang tinawag at sandali kaming nagkatitigan.

“Pumasok ka na raw
sabi ni Kuya LM.”

Ipinikit ko ang aking mga mata. “Pakisabi may sakit ako, Louie,” utos ko. Tumango naman ito at isinara ang pinto.

Tumango lang siya at ambang isasara na ang pinto nang biglang sumilip si mama. “Angelo!”

Nagmulat ako ng mga mata at bumalikwas sa pagkakahiga, humarap ako sa bintana, tinalikuran ko ang pinto.

My Angela (CHAT SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon