"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko pagkahiwalay namin sa matagal naming pagyayakapan. Ganoon namin talaga na-miss ang isa’t isa. Halos ayaw ko na ngang umalis sa ganoong posisyon subalit naiinitan ako at kinakapos ng hininga sa sobrang higpit na aming yakap.
“Grabe,” sumimangot siya. “Ayan agad ang bungad?”
Hindi ko pinansin ang pagtatampo niya. “Wala man lang bang, I miss you at I love you o happy monthsary?” pakurap-kurap niyang tanong, nagpapa-cute.
Nilampasan ko lang siya. Umupo ako sa sofa kung saan nakaupo rin si mama. Nakikinig sa aming pag-uusap. Imbes na mailang ako dahil nandito si mama, pero parang wala lang sa amin ang presensya niya dahil matagal naman na niyang kilala si Angelo at botong-boto nga siya sa kaniya.
Sumunod siya upang umupo rin sa tabi ko. Nalanghap ko ang body spray niyang nakaaadik sa pang-amoy.
"Paano ka nakapunta rito? Ang layo ng Palawan dito sa Zambales. Saan ka kumuha ng pamasahe mo?" usisa ko.
"Sinabi ni Mama ang daan. Saka bakit ako mawawala kung ang mahal ko ang hinahanap ko?"
"Ha?" Kunot-noong nilingon ko siya. Kung ano-ano ang sinasabi, hindi sinasagot nang maayos ang tanong ko. Lumapit siya lalo sa akin at ambang yayakapin ulit ngunit ipinag-krus ko ang dalawang braso ko.
Tumawa lang siya nang mahina sa ikinilos ko. “Sabi ko, hindi ako mawawala sa piling mo. Magkalayo man tayo at kilo-kilometro ang layo, pupuntahan kita kahit gaano pa kalayo.”
Ngumiwi ako sa sinabi niya. “Naiinis ako kaya huwag mo akong daanin sa mga banat mo!” mapagkunwari kong singhal ‘tsaka ako lumayo sa kaniya. Nais ko lang magpalambing, at sana napansin niya iyon. Alam ko kasing isang araw lang ito at hindi na ulit kami magkikita. Hanggang sa messenger na naman kami aasa at hindi naman namin puwedeng araw-arawin ang pagbababad sa social media dahil busy kami pareho sa aming pag-aaral at hindi pareho ang schedule naming dalawa, kaya tuwing gabi kami nag-uusap. Naulinigan ko ang pagod niyang buntonghininga.
“Anak, huwag ganiyan. Pagod si Angelo tapos susungitan mo lang?” suway ni mama ngunit nagmatigas ako. Oo, nagsusungit ako ngayon sa kaniya subalit gusto ko lang talaga ang magpalambing.
"Wala akong pakialam, ma. Hindi niya pa nase-seen 'yong message ko at ni hindi pa siya naka—" hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil tinakpan niya ang mga mata ko gamit ang kaniyang palad.
Kumurba ang kilay ko sa pagtataka dahil bibig ko dapat ang takpan niya pero iba ang ginawa. Naramdaman ko ang kamay niyang hinawakan ang pulsuhan ko ‘tsaka maingat niya akong itinayo. Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya dahil wala akong makita. Hindi naman ako umaangal sa ginagawa niya dahil alam kong may binabalak ito kaya hahayaan ko siya sa gusto niyang gawin.
I swallowed my lump as we started to walk slowly. Hindi ko alam kung saan kami tutungo pero patuloy lang akong naglalakad. Hindi naman niya ako ihuhulog o dadalhin sa labas ng kalsada dahil alam kong nasa bahay lang kami. Sinasabayan niya akong maglakad. Sinubukan kong idilat nang mabuti ang mga mata ko ngunit wala akong makita bukod sa dilim.
“Saan mo ako—”
“Happy eight monthsary!” masiglang pagbati niya pagkatanggal nito ng kamay sa mga mata ko.
Sandali akong tumitig sa kaniya. Matamis ang malapad na nakaukit sa labi niya. Banayad kong sinundan ang kamay niyang nakamuwestra at doon ko nakita ang nakahanda sa mesa. A strawberry shortcake and two box of ferrero rochers chocolate with a pair of pink flowers. Nakita ko rin ang inihandang pancit ni mama.
Kaya pala nagluto dahil alam niyang pupunta si Angelo dito. Madaya! Bakit hindi sinabi sa akin ni mama? Kanina pa ako nasurpresa kaya hindi na dapat niya ako supresahin pa. Effort na effort at talagang gusto niyang maging memorable ang aming monthsary ngayong buwan.
Inilipat ko ang tingin ko sa kaniya ngunit naabutan ko itong nakalabi habang nagkakamot ng kaniyang namumulang tainga. “I know this is so overused surprise, but I want to surprise you. I hope you like—”
“Gustong-gusto ko. Maraming salamat, babe. You made my day. I love you so much!” I said, cutting him off.
“I’m happy to hear that. I love you so much, too, babe.”
Bumingisngis naman si mama sa harap namin. Suportado niya ang relasyon namin at sinabi pa niyang itago ko ang relasyon namin kay papa noong sabihan ako ni papa, pagkarating namin dito sa Zambales na kung may boyfriend na raw ba ako. Sasagot n asana ako n’on subalit dinugtungan niya agad ang kaniyang tanong ng: “Kung mayroon, hiwalayan mo na. Ayaw kong may sumasagabal sa pag-aaral mo dahil gusto kong grumaduate ka muna bago mag-boyfriend.” Kaya napag-usapan namin ni mama na itago sa kaniya. Hindi naman sagabal ang relasyon ko kay Angelo sa pag-aaral ko. Nasa tao na iyon kung paano niya babalansehin ang oras niya sa pag-aaral. Mahabang pasensiya at pang-unawa lang ang aming kailangan ni Angelo dahil magkalayo kami.
"Matutulog ka ba rito?" Tumingin ako sa kaniya at inilipat kay mama nang magkatinginan sila.
"Oo, kung puwede," sagot niya pagkalingon niya sa akin. Ako naman ang lumingon kay mama, tiningnan ko siya sa mga mata niya. Ipinapahiwatig ng mga mata ko kung okay lang bas a kaniyang patulugin siya rito, at paano kung biglang dumating si papa?
Tumango lang ito sa akin, naintindihan ang nais kong iparating. Bigla akong dinagsa ng kaba ko at takot dahil baka anumang oras ay dumating si papa kahit isang linggo naman siyang out of the town. Ano nga baa ng magandang alibi sakali?
"Kapag dumating si papa at nakita ka niya, sasabihin ko na kaklase kita. Ayos lang ba iyon sa ‘yo?” nakangiwi kong tanong. Tumitig ako sa kaniya dahil parang ayaw niya ang ideya ko at kapansin-pansin ang pagkabigla niya sa sinabi ko. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang tungkol sa pagbabawal ni papa na mag-boyfriend ako.
“Strict kasi si papa,” dugtong ko.
“Pero ipinapangako ko namang kapag naka-graduate na ako, ipapakilala kita sa kaniya. Sa ngayon, sekreto muna. Ayaw kong makipag-break sa ‘yo. Okay lang ba sa ‘yo?” pakiusap ko sa kaniya. Kinakabahan ako kasi ayaw niya. Parang gusto niyang aminin na may relasyon kami kapag nagkita sila ni papa.
Alam kong masakit sa kaniya dahil ipapakilala ko lang siyang kaibigan, kahit alam naman namin sa isa’t isa, kasama si mama na higit pa sa pagkakaibigan ang relasyon namin. Tumingin ako sa kaniya at napahawak sa braso niya.
"Pasensya na hijo, sekreto lang namin ni Angela pero gagawa kami ng paraan para sabihin ang totoo kapag naka-graduate na kayo,” sabat ni mama na aking tinanguan.
Ngumiti siya kasama ng kaniyang pagtango. "Naiintindihan ko po, Ma."
“Salamat, hijo,” nakangiting pasasalamat ni mama.
“Walang anuman po, mama.”
Sa wakas ay nabunutan ako ng tinik sa pag-aalala dahil hindi siya kumontra sa gusto ko. Nagpapasalamat akong naiintindihan niya ako at hindi ko naman intensyong itago kay papa.
BINABASA MO ANG
My Angela (CHAT SERIES #3)
Novela Juvenil"You will always be my Angel, My Angela Marquez." - Angelo Flores Started: January 6, 2019 Finished: April 20, 2019 Edited version: July 26, 2020