Chapter 12:(Treat)

8.5K 110 2
                                    

Stella's POV

~KRING KRING

Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at saka ko pinatay 'yung alarm.

Nakangiti akong bumangon at hindi ko maintindihan kung bakit kagabi pa hindi maalis ang ngiti ko.Pano kase si Dylan, ihhh kinikilig ako.

"Let's go, mag dedate tayo."

"Let's go, mag dedate tayo."

"Let's go, mag dedate tayo."

"Let's go, mag dedate tayo."

Paulit-ulit paring nag- eecho sa isip ko 'yung mga sinabi ni Dylan kagabi.

"Hays ang swerte ko talaga sa kanya."nakangiting sabi ko.

Ang swerte ko kase may kaibigan akong kagaya n'ya.Ang bait bait n'ya, maalaga pa.

~FLASHBACK~

"Kain kapa."nakangiting sabi n'ya sakin habang kumakain s'ya.

Konti palang nakakain ko kase nakakahiya naman kay Dylan kung kumain ako ng madami sa harap n'ya.Nakakahiya 'yun.

Ang totoo kanina ko pa gustong lapain lahat ng pagkain dito dahil sobrang gutom ko talaga kaso baka kasi nga makita ako ni Dylan ganun kumain.Pangit daw kase sa babae malakas kumain lalo na pag nasa harap mo' yung taong gusto mo 'diba?

Kaya naman paunti unti akong kumain,hindi ko pinahalata na sobrang gutom ako.

"Hindi na busog na ako Dylan." pag kukunwari ko. Pero syemps ang sasarap ng in-order n'ya gusto ko pa.

Parang kahapon lang nung ang lakas kong kumain kasama si Dylan, nandun pa nga rin si Jacob e.Tse!Syempre iba naman masi 'to. Canteen lang' yon eto Date 'to kaya kailangan umayos ako.

"Ano ka ba, sayang naman 'yung pagkain kung hindi mo uubusin. Maraming tao kaya ang nagugutom dahil wala silang makain, kaya sige na kainin mo na' yan."mahinahong sabi n'ya.

Napaisip ako sa sinabi n'ya. Oo nga naman, marami nga namang nagugutom na tao... Eh anong konek? Pag ba inubos ko 'to mabubusog sila ganon?

Kung gusto mo Dylan ikaw nalang kainin ko rawr!

Joke lang hehe.

Dahil sa sinabi n'ya kumain na uli ako, nakakahiya nga naman Date pa mandin namin' to ehe.

"S'ya nga pala Stella, kamusta na sila tito at tita? Ang tagal na rin simula nung huli kong kita sa kanila."tanong n'ya sakin.

"Ahh oo nga, nasa state sila e busy sa business." sagot ko naman.

"Ahhh" tumango tango s'ya saka uli bumalik sa pagkain.

"Ahh by the way, kamusta naman love life mo? May nagugustuhan kana ba?" nakangiting sabi n'ya.

O_O

Oh nose!

Nabigla ako sa tanong n'ya. Pota naman anong isasagot ko eh ikaw nga 'yon.

"A-ahh m-meron na kaso--"

"TALAGA??" malakas at masayang sigaw n'ya.Kaya naman nag tinginan' yung mga tao samin.

"A-ano kaba wag kang maingay."saway ko sa kan'ya.

"Sino?? Sino??" para s'yang batang nangungulit sakin.

Ehe ang cute.

"Ano kase, imposible kasing magkagusto sakin 'yon."ngumiti ako ng mapait.

Marry Me ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon