JACOB'S POV
Magdamag akong hindi nakatulog kakaisip nung nangyare kagabe.
Hindi ko alam kung bakit ganun ang naramdaman ko.Normal ba 'yun? Normal siguro na makaramdam ako ng selos dahil una sa lahat may gusto ako sa kan'ya.Pero sa tingin ko wala akong karapatang mag selos dahil hindi ko naman s'ya pagmamay-ari.Naguguluhan ako.
Pero hahayaan ko nalang, mag-sestay ako sa tabi n'ya kahit na anong mang-yare.Tama, ganun ang gagawin ko.
Ngayon aacting muna ako bwahahaha kunwari 'di ko s'ya papansin.Tingnan natin kung anong mangyayare.
DISCUSS
Science
Eto ang subject na magkatabi kami at oras na para sa pagpapanggap.
Kanina pa ako naka poker face nung mag-simula si. Prof sa pagtuturo.
Nakahalukipkip ako at deretso lang ang tingin sa harap.Gusto kong matawa dahil panay ang sulyap n'ya saakin.
Hahahahahahaha saraaaaaaaaaap!
^______^
STELLA'S POV
Pagkapasok ko dito panay parin ang bati saakin ng mga tao dahil sa pagkapanalo ko.Halos lahat na din ng taong nadadaan ko binabati ako.Nakakatuwa lang na wala na 'yung mga taong nambubully saakin.
Napansin ko naman na kanina pa tahimik si Jacob nung english class palang.Hanggang ngayong science ay wala s'yang imik.
Ano kayang problema nito?
Kapansin pansin ang kanina pa n'yang pananahimik at hindi ako sanay doon.Mas sanay akong binubwisit n'ya ko.
Panay ang sulyap ko sa kan'ya dahil gusto ko s'yang kausapin pero hindi ko alam kung paano sisimulan.
Bakit ba s'ya nagkakaganyan?
Nanatili s'yang walang imik sa tabi ko hanggang sa natapos na ang science.
Break
15 minutes break lang ito kaya naman nagsilabasan na ang mga estudyante dito.Maging si Jacob lumabas din.
Kausapin ko ba? Oo tama, kailangan ko s'yang kausapin.
Agad akong tumayo para sana sundan s'ya pero pag-labas ko ay wala na s'ya.Agad na ginala ko ang aking paningin pero wala na s'ya sa hallway.Nagpunta ako ng canteen at may mangilan ngilan na bumabati saakin pero hindi ko muna sila inintindi dahil gusto kong kausapin si Jacob.
Para namang may sariling buhay ang mga paa ko ng magumpisa itong mag-lakad papunta sa likod ng building at hindi nga ako nagkamali.Natanaw ko si Jacob na nakaupo sa damuhan habang umiinom ng..
Chuckie?
Gusto kong matawa dahil para s'yang bata.
Tumikhim ako bago umupo sa tabi n'ya at alam kong nagulat s'ya pero hindi n'ya ako nagawang tingnan.
Ano ba kasing problema nito?
Ilang segundo kaming nabalot ng katahimikan at walang nag-salita saamin.
"L-liam?" pambabasag ko sa katahimikan.
"Hmmm?" tanging sagot na nakuha ko sa kan'ya na hindi parin tumitingin saakin.
"A-ah may problema k-kaba?" utal utal na sambit ko.
"Wala."simpleng sagot n'ya.
"A-ah kung ganon.. B-bakit ganyan ka?" nilunok ko na pride ko para makapag tanong.
BINABASA MO ANG
Marry Me ✔
Teen Fiction[Book 1] All of this started with an ACCIDENT! Jacob is a heartthrob, wealthy, popular, and good-looking man who only wants to be free of the girl his father wants him to marry for the sake of their company's business. The only way out of this situa...