Chapter 32:(Jealous)

7.2K 91 2
                                    

STELLA'S POV

~KRING~KRING~

Nagising ang diwa ko ng marinig ko 'yung alarm.Agad kong kinapa 'yon at saka pinatay.Unti unti kong iminulat ang mata ko.

O______O

Agad akong napabalikwas ng higa ng maalala ko ang nangyare kagabe.

*LUNOK*

Ang nanatandaan ko lang kinantahan ako ni Dylan. Tapos.. Tapos..

O________O

PAKININGSHET NAKATULOG AKO!!

Agad akong napasabunot sa buhok ko.

Nakakahiya ba't ako natulooog? Saka paano ako napunta sa kwarto ko? Anak ng.. Ba't kasi ako natulooog!

Napatingin ako sa malaking wall clock sa kwarto ko.Oras na para maligo.Naging mabilis ang pagligo ko dahil ayoko ng malate tulad ng dati. Napahiya na ako non kaya naman ayoko ng maulit.

Binilisan ko na ang pag kain ko sala ako bumaba.

Pagkababa ko ay natanaw ng mata ko ang isang black at blue na Lamborghini Veneno.Kapwa pinagtitinginan ang mga kotse nila dahil sobrang kintab.Napahalukipkip nalang ako dahil kilalang kilala ang dalawang kotse na 'yan.

Kay Dylan at Jacob!

Magkasabay na bumaba ang dalawa at saka sabay na pumunta sa harapan ko na may nakaburdang ngiti sa mga labi nila.

Anong nangyayare?

"Anong ginagawa n'yong dalawa dito?" nakahalukipkip na sambit ko.

"Ihahatid na kita--"-Dylan.

"No! Ako ang maghahatid sa kan'ya!" -Jacob.

Nangunot ang noo ko ng magkatitigan sila na parang may kuryenteng dumadaloy sa pagitan nila.

Ano bang nangyayare sa kanila?

Agad akong pumagitna sa kanila.

"Ano bang nangyayare sa inyong dalawa!?" iritang sambit ko.

"Sumama ka sakin." agad na hinila ni Dylan ang kamay ko.

"Sa akin s'ya sasama."agad ding hinila ni Jacob ang kabila kong kamay.

"Saakin s'ya sasama." bahagya akong hinigit ni Dylan.

"Saakin s'ya." matigas na sambit ni Jacob dahilan para matigilan kaming dalawa ni Dylan.

*LUNOK*

Agad akong bumitaw sa kamay nila.

"Sandali nga! Ano bang nangyayare sa inyo?! Ginawa n'yo pa akong lubid!" inis na sambit ko saka ko inayos ang blazer ko.

Nawiwirduhan na ako sa dalawang 'to ha!

"Sorry." sabay na sambit nila kaya muli silang nagkatinginan at 'yun nanaman ang parang may kuryenteng lumalabas sa pagitan ng mga titig nila.

"Mia saakin ka sumabay." pagpupumilit ni Jacob at nakita ko naman ang malakas na buntong hininga ni Dylan.

"Sige na Stella, sa kan'ya kana sumabay.. S'ya naman talaga ang naghahatid sa'yo." malungkot na sambit ni Dylan at kitang kita ko naman ang ngiting tagumpay ni Jacob."Pero saakin ka mamayang lunch." nakangiting sambit ni Dylan at kitang kita ko naman na unti unting naglaho ang ngiti sa labi ni Jacob.

"T-teka--"

"Bye Stella! Sabay tayo mamaya ha? Kakain tayo ng kaldereta diba favorite mo 'yon? Hehe sige babye!" nakangiting sambit n'ya saka sumakay ng kotse n'ya.

Marry Me ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon