Chapter 82:(Hate)

3.6K 55 6
                                    

STELLA's POV

*SUNDAY*

Nakatulala lang ako habang nakatingin sa sahig. Ewan ko ba, halos isang linggo na akong nakakulong sa nakakatakot na lugar na ito. Sobrang dilim dito at kung minsan ay iniiwan nila akong mag-isa dito. Wala nalang akong ibang magawa kundi umiyak ng umiyak dahil sa takot. Feeling ko nagkaka phobia na ako sa dilim dahil sa lugar na ito.

Pinapakain naman nila ako pero ako ang umaayaw. Sa loob ng isang araw isang beses lang akong kumakain. Iniisip ko si Liam, pupunta s'ya mag-isa dito para lang iligtas ako. Paano kung mapahamak s'ya? Wag naman sana. Dahil aaminin ko na mahal na mahal ko parin si Liam kahit na nag break na kami.

Maya maya napatingin ako sa may pinto ng biglang bumukas ito. Tumambad saakin ang mga lalaking ngayon ko lamang nakita. Sa tagal ko na dito parang ngayon ko palang sila nakikita. Bagong recruit 'ata ng demonyong si Robin.

Nakahilera sila pero 'di ko gaanong kita ang mga muka nila dahil madalim dito at kunting ilaw lang ang nasisinag.

"Look, Stella."rinig kong sambit ni Robin habang nakaturo sa mga lalaking kapapasok lamang."May bagong hire ako na mga tauhan para patumbahin kayo ng boyfriend mo." nakangiting demonyong sambit nito. Matamlay ko naman s'yang tiningnan.

Feeling ko wala na akong lakas dahil minsan nagsisisigaw ako rito kahit wala namang nakakarinig saakin.

"Demonyo ka talaga, Robin. Wala kang kwentang kapatid." matigas na sambit ko at nginisian naman n'ya ako.

"Hays, dumadaldal ka nanaman. Busalan n'yo na 'yan at baka kung ano ano nanamang sabihin n'yan at masaktan ko nanaman." sambit ni Robin.

Maya maya lang may lumapit saakin na isang lalaking naka black na cap na may dalang panyo.

Nung lumapit s'ya para talian ang bibig ko. Naaninag ko ang muka n'ya kahit kalhati kang ng mata ko ang nakabukas.

O________O

D-dylan!?

Sambit ko sa isipan ko. Nanlaki ang mata ko ng husto. Namamalikmata ba ako? Si Dylan ba talaga dito? Bakit kasama n'ya ang R.D.O!?

"Hmmmm.. Hmmmm." tanging sambit ko nalang dahil may busang ang bibig ko.

Nung matapos akong busalan ni Dylan nagkatitigan muna kami. Tapos nagulat ako ng ngumisi s'ya saakin.

O____O

H-hindi ito si Dylan.. Bakit s'ya ganyan? Kasabwat ba s'ya sa pag dukot saakin? Pero.. B-bakit?

"Nagulat kaba, Stella?" nakangising tanong n'ya saakin. Sa paraan ng pananalita n'ya ay matatakot ka. Para s'yang naninindak.

"Hmmm." tanging sambit ko nalang. At nag-umpisa ng mangilid ang luha sa mga mata ko.

"Pasensya na kung kaya kong gawin sa'yo ito ha?.. Demonyo 'yang boyfriend mong si Jacob kaya dapat ng patayin."

O_____O

"Hmmm.. Hmmmmm." sambit ko habang nagpupumiglas at umiiling iling. Nag-umpisa naring pumatak ang luha sa mata ko. Dylan..

"Nung una nagalit ako sa kan'ya dahil hinayaan ka n'yang mawala. Pero unti unting nag-bago. Nawalan na ako ng pakealam sa'yo, Stella. Mabuti pa sigurong mamatay ka nalang den." pag-kasabing pagkasabing ganon ni Dylan ay natigilan at nagulat talaga ako. B-bakit s'ya nakakapag-salita ng ganyan?

Napahagulgol nalang ako dahil hindi ko magawang mag-salita dahil sa busal sa bibig ko.

Napakasama mo, Dylan. Sa buong buhay ko hindi ko inaasahan na magiging ganito ka. Nakakasura, kinamumuhian na kita.

Marry Me ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon