Chapter 62:(Sweet Dreams)

4.9K 70 5
                                    

STELLA'S POV

Back to school na kame at.. Ugh! Nakakatamad pumasok parang gusto ko nalang matulog huhu.

Nga pala, ilang araw na ang lumipas nung nag dinner kami ng mga Lee. Grabe, nung una kabadong kabado ako dahil nakatitig saakin ang Papa ni Liam na para bang sinusuri ang muka ko. Nakakailang nga e, pero syempre hindi ako nagpahalata. Pero nung nagtagal tagal naman, medyo nagiging komportable nako dahil sa mga makukulit na pinsan ni Liam. Dahil sa kanila nawala bahagya 'yung kaba ko sa Papa ni Liam. Nagulat pa nga ako ng tanungin ng Papa n'ya kung kailan ang kasal namin. Nagpalusot nalang kami na pagkagraduate nalang namin kami magpapakasal. Eto namang mga pinsan ni Liam dahit na dahit ikasal kame, kase daw gusto na nilang magka pamangkin. Hays juskopo ewan ko ba, may pinagmanahan pala talaga si Liam.

Kakatapos lang ng Lunch break ngayon. At magisa lang akong naglalakad mag-isa pabalik ng school.

At kung tatanungin n'yo naman kung nasaan si Liam, nandoon s'ya sa JL Group at may inaasikaso lang daw. Ang sabi n'ya saakin.. acting CEO daw s'ya ngayong araw sa kompanya, ibig sabihin s'ya muna ang tatayong CEO ngayong araw lang dahil wala daw ang Papa n'ya at nasa business trip. Hindi daw pwede ang mga pinsan n'ya dahil may kanya kanyang trabaho ang mga ito. Hindi nga s'ya pumasok ngayon e. Ang sabi ko sa kan'ya tawagan n'ya every one hour pero ano ngayon? Wala pang tawag kahit isa.

Kanina pa ko intay ng intay sa kan'ya. Hays baka sobrang busy n'ya ngayon.

Napabuntong hininga nalang ako habang naglalakad ako pabalik. Naka tungo lang ako habang naglalakad ng maramdaman kong may sumusunod saakin.

*LUNOK*

May naririnig akong yabag mula sa likod ko kaya naman tumigil ako. Nung tumigil ako, tumigil din 'yun yabag at nung lumakad ako narinig ko nanaman.

Walang duda, sinusundan n'ya ko.

Huminga ako ng malalim saka ko ipinihit ang katawan ko patalikod at..

"Walang tao?" takang sambit ko at nagkibit balikat nalang ako. Nagpatuloy ako.

O________O

Ngunit napatigil uli ako ng makarinig ako ng yabag. H-hindi kaya m-may multo dito?

Huminga uli ako ng malalim at pinag sara ko ang kamao ko. Ready akong manapak anytime anywhere.

Kaya naman mabilis akong humarap uli at sa wakas nakita kong may tao sa likod ko.

"SINO--" napatigil ako sa pagsigaw dahil sa gulat na rumehistro sa mukha ng lalaking ito. Nagtataka akong tumingin sa kan'ya. "R-robin?" tawag sa pangalan n'ya at nanatili s'yang nakahawak sa dibdib n'ya at saka napatungo.

"Grabe s'ya.. Aatakihin ako sa gulat." nakatungong sambit n'ya at agad naman akong lumapit sa kan'ya.

"S-sorry, a-akala ko kasi kung sinong sumusunod sakin. Natakot ba kita?" tanong ko at huminga s'ya ng malalim saka ngumiti.

"H-hindi naman gaano. At saka, h-hindi kita sinusundan noh hehe. Napadaan lang ako dito at nakita kita kaya sinundan kita at kakalibitan sana kita kaso.." napakamot s'ya. "Ginulat moko grabe ka." natatawang sambit n'ya. "Whoo ang inet." tapos medyo hinabad n'ya ng konti 'yung jacket n'ya kaya nakita ko ang braso n'ya. Ang puti. Tapos nakita ko rin na may tattoo s'ya, di ko lang nakita ng ayos dahil sinuot n'ya agad 'yung Jacket n'ya.

"P-pansensya na ule."paghingi ko ng paumanhin. Potek nakakahiya naman.

"Ayus lang hehe. Una na ko ah? May pupuntahan pa kase ako." sambit n'ya saakin at saka nagmamadaling umalis.

Marry Me ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon