Chapter 78:(Back To Zero)

3.6K 75 14
                                    

This chapter is dedicated to Nerissa Edeza na schoolmate ko hehe. Thank you sa pag babasa mo ng story ko hehe.❤️

THIRD PERSON's VIEW

Lumipas ang ilang araw at nagulantang nalang ang lahat ng malamang hiwalay na sina Stella at Jacob. Maging sina Dylan, Heidi, Derrick at Maddy ay nagulat din.

Si Jacob, bumalik nanaman sa dati. Gabi gabi s'yang nasa bar at laging lasing kung uuwi sa kanila. Lagi nalang s'yang inaalalayan ni Derrick sa bar dahil kung minsan ay napapaaway rin ito. At tuwing lasing si Jacob ay lagi rin itong umiiyak. Bumalik narin s'ya sa dating pagiging cold at hindi namamansin. Mas lumala pa nga 'ata kaysa dati.

Si Stella naman, hindi narin gaanong nag-sasalita. Sa aminin man n'ya o hinde ay nasaktan rin s'ya ng maghiwalay sila ni Jacob. Nag palipat narin ng upuan si Stella kung saan malayo kay Jacob.

Minsan sa tuwing nagkakasalubong sila ay parang hangin lang ang dumaan sa kanila. Hindi na sila nagpapansinan at parang wala silang pinagsamahan.

Hiwa-hiwalay narin kumain kung minsan ang magkakaibigan dahil ang awkward naman kung mag-sasabay sabay parin sila.

Palihim nalang kung sumulyap si Jacob kay Stella. Pakiramdam n'ya kasi ay mas masakit ang break up n'ya ngayon kaysa dati kay Nadine. At itinatak n'ya sa puso n'ya na hinding hindi s'ya mag mumove on kay Stella dahil kahit hiwalay na sila ay hindi naman naalis kay Jacob ang pag-mamahal n'ya sa DATIng kasintahan. Pero sa ngayon ay umiiwas s'ya kay Stella dahil nasasaktan parin s'ya sa nangyari.

Halos isang linggo na ang lumipas ng mag hiwalay sila.

"Bro, ano iinom ka nanaman mamaya? Hindi kaba naaawa sa atay mo?" napapakamot na sambit ni Derrick. Kasama n'ya ngayon si Jacob at naglalakad sila papuntang canteen dahil lunch break na.

"Iharap mo sakin 'yung pinakamalakas na alak sa bar mo." walang emosyong sambit ni Jacob. Taka naman s'yang tumingin kay Jacob.

"Huh? Edi kung gusto mo meron akong alak doon. 75.5% ang alcohol volume n'on. Imposibleng mainom mo 'yun dude. Ako nga dati, nung nagmayabang akong inumin 'yon ng straight pota napapikit ako ng sobra habang nag so-sorry kay lord dahil pakiramdam ko kukunin na ako--"

"I serve mo sakin 'yon mamaya." simpleng sambit ni Jacob at natigilan naman si Derrick.

"H-ha? S-seryoso ka 'dre?"

"Muka ba akong nagbibiro?" walang emosyong sambit ni Jacob.

"S-sabi ko nga. Basta walang sisihan ha. Binalaan kita pare, nag-inom kami dati ng mga pinsan ko at ininom namin ang alak na 'yon. Sinasabi ko sa' yo pare sa liit ng alak na 'yon wala pa kami sa kalhati lupaypay na kaming lahat partida lima na kami non." kwento pa ni Derrick with action pa. Patuloy parin naman si Jacob sa paglalakad at diretso lang ang tingin.

"Kahit na." pagmamatigas ni Jacob at napatigil naman s'ya ng hawakan ni ang balikat n'ya kaya naman napatingin s'ya dito.

"Pre, huwag.. Masisira ang buhay mo." seryosong sambit ni Derrick na animo'y isang matandang binabalaan ang isang taong nais sumabak sa malaking gera.

"Tsk!" inis na inalis ni Jacob ang kamay ni Derrick sa balikat n'ya.

"Seryoso kang iinumin mo 'yon?"

"Oo nga." iritang sambit ni Jacob at napasabunot nalang si Derrick sa buhok n'ya at saka muling sinabayan si Jacob sa paglalakad.

"Pare pakiusap huwag mo ng inumin 'yon. Tatlong araw akong may hang-over no'n at sa tatlong araw na iyon ilang beses kong binalak sipingin ang girlfriend ko." sambit ni Derrick at napatingin naman si Jacob sa kan'ya.

Marry Me ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon