Chapter 49:(INTERHIGH)

5.3K 93 2
                                    

A/N:

Para po doon sa mga hindi nakakaalam ng pronunciation ng 'Dale'.. Ang basa po doon ay 'Deyl' hindi po 'Dal' arrachi? Hehe  yun lang!❤️

DERRICK'S POV

2nd day na ng interhigh. Medyo nakakapagod lang dahil buong interhigh may laro kami. Walang araw na wala. Kaya naman tuwing wala pa kaming game sa umaga, pinagtetraining kami ni coach para daw makondisyon kami. Gusto ko nga magreklamo e. Araw araw naman kaming nasa kondisyon ng mga ka team ko tapos pinagtetraining pa kami bago mag game. Eh dagdag pagod lang 'yon e. Pagod kami galing tarining tapos isasabak kami agad sa laro? Potspa palyadong palyado na ang katawan namin.. Pero kahit ganoon kailangan naming tiisin kung gusto naming makaabot ng finals at mag-champion. Ito na ang huling beses naalaro kami sa interhigh dahil 4th year na kami. Nakakahiya naman kung kailang huling taon na namin saka kami hindi mag-chachampion. At saka sina Lance, Willy, Kim, Ashley, Dylan, Jacob at ako ay pareparehas ng gagraduate dahil mga 4th year kami. Kaya naman dapat naming iguide ang mga juniors para naman hindi mawala ang kampyonato sa LLU.

Anyways.. Kung tatanungin n'yo kung nasaan ako ngayon. Well, andito ako sa resto at kasama ko nanaman 'tong kupal kong kaibigan.

Nakakainis nga e. Imbes na si Maddy ang kasama ko ito pang lalaking 'to.

Kinausap ko din si Maddy para libangin si Stella. Nang sa gayon makapag-usap kami nitong si Lee. Good thing pumayag si Maddy. Hehe bait bait ng girlfriend ko. ^____^

Pinagpaplanuhan namin ni Jacob kung paano ba namin sasabihin kay Stella 'yung tungkol doon sa ka-fling n'ya dati na si George.

Ewan ko ba d'yan. Diba minsan 'yung mga lalaki itatago ang sikreto nila para hindi malaman ng girlfriend nila ang ginawa nilang kalokohan?.. Aba, ibahin n'yo 'tong si Jacob. Imbes na itago nalang,ang gusto n'ya malaman daw ni Stella. Dahil malalaman at malalaman din naman daw 'yun ni Stella.

Sabagay may point naman si Jacob. Mas maganda ng sabihin kay Stella ang totoo dahil hindi naman n'ya habang buhay na matatago ang sikretong 'yon. Lalo na't nasa paligid lang si George.

"Oh ano? Paano mo ba gagawin 'yung plano mo?" tanong ko sa kan'ya. Kanina pa s'ya nagiisip e. May training pa nga kami kaso tumakas kami dahil lang dito. Sinabi nalang namin kay Dylan na s'ya na bahalang gumawa ng palusot.

"A-ah ano.." tapos tumingin s'ya sa itaas para mag-isip.

"Ano nga!?" inis na sambit ko. Paano ba naman, kanina pa 'yan ano ng ano!>_<

"D-diba may laban ngayon si G-george?" tanong n'ya at kinunot ko ang noo ko.

"Oh tapos?" tanong ko.

"Yayain mo si Mia at kunwari m-manonood kayong dalawa ng laro." sambit n'ya at nanlaki naman ng bahagya ang mata ko.

"A-ano kamo? Kami lang dalawa!?" kunot noong tanong ko at tumango naman s'ya.

"No! I won't do that!" pagtanggi ko at sinamaan naman n'ya ako ng tingin. Ayoko nga! Baka mamaya maissue kami ni Stella ih!>__<

"Ano bro engot lang!?" inis na tanong n'ya saakin. "Alangan namang habang pinag uusapan n'yo 'yung ka fling ko dati nandun ako? Edi sana ako nalang nagsabi dahil for sure ako na ang kakausapin non!" inis na sambit n'ya. Aba tingnan mo 'to! S'ya na nga humihingi ng pabor saakin s'ya pa galit? Aba'y ayos.

"Eh ano bang gagawin ko!?" pagmamaktol ko at narinig ko naman na napabuntong hininga s'ya.

"Manood kayong dalawa ni Mia kay George mamaya. Tapos habang nagpeperform si George ungkatin mo 'yung nakaraan ko. Sabihin mong dati ko 'yung ka-fling at magpaliwanag ka ng maayos. Kunwari hindi ko alam na pinaguusapan n'yo ko. Naiintindihan mo? Ayoko nang maglihim sa girlfriend ko.. Nakukunsensya ako."dahil sa sinabi n'ya napakamot naman ako sa ulo ko.

Marry Me ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon