Chapter 80:(Danger)

4.1K 62 13
                                    

STELLA's POV

Nagising ako bigla ng maramdaman kong may nagbuhos ng tubig saakin. Unti unti akong napamulat at bahagyang nanlabo pa ang paningin ko dahil sa hilo. Dala siguro ito ng naamoy ko kanina sa panyo.

Unti unting luminaw ang paningin ko at mapagtanto kong pinalilibutan ako ng mga lalaking naka itim.

"Sino--" naitigil ako sa sasabihin ko ng subukan kong tumayo pero hindi ko magawa. Doon ko lang napansin na nakagapos pala ang kamay at paa ko. Nag-umpisa naman akong kabahan at tiningnan kong muli ang mga lalaki sa harapan ko. "Sino kayo!? Anong ginawa n'yo sakin!?" sigaw ko sa kanila at pakiramdam ko naiiyak na ako at the same time natatakot din.

Lumuhod 'yung isang lalaki saakin saka ako inabutan ng pag kain.

"Kumain ka daw muna sabi ni Master." sambit nung lalaki pero sinipa ko lang ang pag-kain na iniabot n'ya saakin.

"Ayokong kumain! Sabihin n'yo saakin kung sino kayo at anong ginagawa ko dito!?!?!" malakas na sigaw ko at nagulat ako ng bigla n'ya akong sinampal ng malakas. Feeling ko namanhind ang pisngi ko at nag-umpisa naring mangilid ang luha ko.

"Masyado kang maingay! Ikaw na nga pinapakain ayaw mo pa!?" galit na sigaw rin nung lalaki saakin at sa nga oras na ito wala na akong ibang maramdaman kundi takot. Takot na takot ako sa nang-yayare. Panaginip lang ba ito?

"A-ano bang kailangan n'yo s-sakin?" kalamadong tanong ko at umiiyak na ako this time.

"Nadamay ka lang." napalihis ako ng tingin ng may mag-salita sa likod nung lalaki. Umalis na 'yung lalaki sa harapan ko kung kaya't malaya ko ng nakikita kung kanino nang-gagaling ang boses na iyon.

Muli akonh dinapuan ng matinding kaba ng makilala ko kung sino s'ya.

"R-robin.." halos hininga nalang na sambit ko at tuluyan ng dumausdos ang mga luha sa mata ko dala ng takot ng mag-simula s'yang humakbang papalapit saakin.

"Ako nga ito, Stella. Friends tayo diba?" sambit nito at para namang nag-init ang dugo ko sa sinabi n'ya.

"Hayop ka, Robin! Hindi kita kaibigan at kahit kailangan hindi ako magkakaroon ng kaibigan na sing demonyo mo!" malakas na sigaw ko at nakita ko namang nagtangisan ang bagang n'ya. Natakot ako lalo ng lumuhod na s'ya sa harapan ko.

"Gusto mo bang malaman kung anong kayang gawin ng demonyong tulad ko!?" galit na sigaw rin n'ya saka n'ya hinawakan ng maranas 'yung baba ko at pinangilidan naman ako ng luha. N-natatakot na talaga ako ng sobra.

"A-ano bang kailangan mo sakin, R-robin?" natatakot na tanong ko at unti unti namang lumuwag ang hawak n'ya sa baba ko at tuluyan na n'yang inalis iyon.

"Malaki ang kailangan ko sa'yo. At ikaw lang ang alam kong makakapag papunta kay Jacob dito."

O_______O

Pagkasabing pagkasabi n'ya no'n ay kumabog ng malakas sa kaba ang puso ko ng marinig ko ang pangalan ni Jacob.

"A-anong kailangan n'yo k-kay Jacob?" kabadong tanong ko at nagulat ako ng unti unting tumawa si Robin. Yung tawang nakakatakot?

"Madami kaming kailangan sa kan'ya at madami din s'yang kailangang pagbayaran. Una, nalagasan ako ng mga tao dahil sa kan'ya. Pangalawa, nabalian ako ng buto dahil sa kan'ya. At pangatlo.. Pinatay n'ya ang nanay at kapatid ko." gigil na sambit ni Robin at napalunok naman ako. Nakwento saakin noon ni Jacob ang totoong nangyari kung bakit namatay ang Mama at kapatid ni Robin.

"W-wag mong sasaktan s-si Jacob." takot na takot na sambit ko at nagulat ako ng sinampal n'ya ako sa kaliwang pisngi ko. Mas malakas ang sampal n'ya kesa sa nauna kaya naman napaiyak na talaga ako.

Marry Me ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon