Chapter 46:(Intramurals)

6.3K 71 1
                                    

HEIDI'S POV

Maaga akong nagpunta ng school. Dahil syempre manonood ako ng basketball. At mali ang iniisip n'yo ha, hindi dahil kay Dylan kaya ako manonood basketball. Nek nek n'ya! Kapal kapal ng muka n'ya. Dinaig pa aspalto sa kakapalan!

Actually nagmadali dala akong pumunta dito sa hindi malamang dahilan e. Para bang may gusto agad akong makita na ewan.

Hindi na nga ako nakapag breakfast e. Well that's ok, I'm on my diet. Pero kahit na diet ako syempre kailangan ko parin kumain noh. Baka mamaya 'yung pagda diet pa 'yung ikamatay ko Hahahaha.

Pagpasok ko sa cafeteria agad akong naupo sa isang table at kumuha ng magazine para magbasa. Um-order nadin akl ng kape.

Inilibot ko naman ang mata ko para makita kung sino sino ang tao dito. Panay mga nerd ang nandito at sa may bandang gilid ko nakita ko ang isang lalaki na nakapandekwatro na pangbabae at konti nalang magkakapalit na sila ng muka nung news paper na binabasa n'ya dahil sobrang lapit ng muka n'ya sa dyaryo.

Hindi ko na 'yon pinansin at saka sumimsim nalang ako ng kape.

Habang nagbabasa ako naramdaman kong may umupo sa harapan ko. Kaya naman tiningnan ko kung sino 'yon.

O_____O

Agad na namilog ang mga mata ko ng makita ko kung sino 'yung umupo sa harapan ko.

"Hi babe.. Long time no see." nakangiting sambit n'ya sakin at napalunok naman ako.

A-anong ginagawa n'ya dito!?

>________<

"M-markief?"tanong ko at ngumiti naman s'ya ng matamis saakin. Eww!

"Yes, it's me babe." sambit n'ya kaya tuluyan ng nagsalubong ang kilay ko dahil sa pagtawag n'ya saakin ng babe which is super nakakapangilabot eww!

"Don't you fvcking dare to call me babe!" sambit ko at lalo namang lumapad ang ngiti n'ya.

"C'mon babe.. Parang wala man lang tayong pinagsamahan?" nakangising sambit n'ya saka n'ya binasa ang labi n'ya. I just rolled my eyes.

Sa maniwala kayo't sa hinde.. Isa s'ya sa mga naka fling ko date. Ewan ko kung bakit ako nagpadala sa tabas ng dila ng lalaking 'yan. Pero ngayon tinalikuran ko na ang ganong gawain noh! Hindi na ako nakikipag fling kung kani kanino.

"Excuse me?" tinaasan ko s'ya ng kilay. "Wala tayong pinagsamahan noh! So you better get out of my sight!" inis na sambit ko at lalo lang lumapad ang ngiti n'ya.

"Oh c'mon babe.. I know you still like me." sambit n'ya. Kapal talaga ng muka neto e noh? Ang lakas mag assume punyemas. Hinawakan n'ya 'yung kamay ko at agad ko namang inagaw iyon then nag smirk ako sa kan'ya.

"Yes, I like you.." sambit ko at nakita ko namang nagliwanag ang muka ng manyakis na ito. "..to get loss!" dag dag ko pa saka ako tumayo at akmang aalis na ko pero hinawakan n'ya ang braso at agad ko namang inalis iyon.

"Babe--"

"Stay away from me!" sigaw ko at mabuti na nga lang walang masyadong tao dito.

"You can't to that to me!" sigaw din n'ya at dahil doon tinulak ko s'ya ng malakas dahilan para tuluyan na s'yang mapabitaw saakin.

"Leave me alone! May boyfriend na ko!" pagsisinungaling ko dahil wala na akong maisip na idadahilan para tantanan ako nito. Nakita ko namang ngumisi s'ya.

"Do you think paniniwalaan kita?" sambit n'ya habang nakangiti saakin. "Sige nga! Where's your fvcking boyfriend huh?" tanong n'ya kaya napalunok naman ako.

Marry Me ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon