Chapter 71:(Bad News)

4.4K 58 3
                                    

JACOB's POV

Isang linggo na ang lumipas nung mangyare ang isidenteng 'yon. Sobrang excited ako dahil bukas na ang sundo ko kay Mama. Sa wakas ay makikita ko na uli s'ya after 7 months. Dati kasi ay sa skype lang kami or sa call lang nagkakamustahan. Hindi ko na rin s'ya madalas natatawagan dahil sa sobrang busy at idagdag n'yo pa ang pamomroblema ko d'yan sa Red Dragon. Kaya talagang occupied na ang utak ko at hindi ko na naiisip na tawagan si Mama.

Ang aga nga ng gising ko ngayon e. Kaya maaga rin ang sundo ko kay Mia mwehehehe.

Habang papunta ako sa bahay nila ay binuksan ko ang radio ng kotse. Ang boring e. Sakto naman na ang ganda nung kanta kaya sinabayan ko ito.

"Said it happened last night.. about ten to eleven when I first laid eyes on you..Standing in line.. into Club Triple 7, it was just like heaven and a dream come true.. We're standing in the right place at the right time.. When you, this ehu girl, caused the crime.. You're my pretty little ehu girl who made me a fool in love.. You got my heart all in a whirl and now it..needs cooling off..You set my heart on fire and now I don't know what to do..You set my heart on fire and now I'm so in love with you my ehu girl eyy!"

Tapos napapakagat labi pa ako habang kumanta kanta hehe. Feel na feel ko e pati maganda ang gising ko kaya good mood ako ngayon.

Nung nag red ang ilaw ay huminto ako saka ko pinaba ang binta ng kotse ko. Gusto ko sanang makalanghap ng sariwang hangin pero puro usok ng sasakyan ang nalalanghap ko kaya 'wag nalang.

Nung itataas ko na uli ang binta ng kotse ko ay napatingin ako sa billboard sa taas. Agad na nawala ang ngiti sa labi ko ng makita ko iyon. Nakita ko lang naman ang billboard ni Nadine na nageendores ng chanel na bag. Kaya ba ayaw kong dumaan sa lugar na ito. Iba pa bang daan papunta sa condo ni Mia? Aish!

Isinara kona ang binta dahil nag green light na. Saka ko mabilis na pinatakbo ang sasakyan ko. Badtrip nakita ko pa!

Pagkarating ko ng condo ay nagpark na ako sa car park. Nag-punta na ko sa unit n'ya at saka nag doorbell. Pero nakakailang doorbell na ako pero walang nagbubukad ng pinto. Kaya naman sinet ko ang pass code ng unit n'ya saka pumasok.

Pagpasok ko.. Ang bango ng unit n'ya, tapos ang linis talaga. Hanga ako dahil kahit mag-isa lang s'ya ay nalilinis n'ya ang kwarto n'ya ng mabuti.

Ibinaba ko sa table ang susi ng kotse ko saka ako nagtungo sa kwarto n'ya. At tama nga ako.. tulog pa prinsesa ko.

Lumapit ako sa kan'ya saka umupo sa kama n'ya. Nakatagilid s'ya sa gawi ko kaya naman kitang kita ko ang muka n'ya. Matamis akong napangiti saka ko hinaplos haplos ang buhok n'ya. Ang ganda n'ya kahit tulog.

Napasilip ako sa likod n'ya. Nandoon si Tristan at natutulog din. Ang laki na ni Tristan. ^________^

Ibinalik ko kay Mia ang atensyon ko habang mahimbing na natutulog. Para s'yang si sleeping beauty. Pag ba hinalikan ko to magigising 'to? Wala namang masama kung gagawin ko.

Kaya naman tumungo ako at idinampi ko ang labi ko sa pisnge n'ya at ilang segundo lang ay unti unti ng bumukas ang mga mata n'ya. Napangiti ako ng tumingin s'ya saakin at saka kinusot kusot ang mata n'ya.

"Gusmising kana may pasok pa, babe." malambing na sambit ko at napanguso naman s'ya. Aish sarap halikan.

"Nananaginip ba ako?" nakanguso paring sambit n'ya at natawa naman ako.

"Hindi ka nananaginip.. Andito talaga ang gwapo mong boyfriend." nakangiting sambit ko at narinig ko naman s'yang suminghal saka umupo sa kama n'ya.

Marry Me ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon