Chapter 68:(Hatred)

4.5K 73 12
                                    

3rd PERSON's VIEW

"R-robin.." halos hininga nalang na sambit ni Jacob habang nakatingin sa kapatid n'ya na ilang taon n'yang hindi nakita.

S-si Robin!? KAPATID NI LIAM!?
Gulat na sambit naman ni Stella sa isip.

Nanatitiling nakangisi si Robin habang si Liam naman ay nanlalaki at gulat parin.

"Tama ako ito." nakangising sambit parin ni Robin at nagsimula namang magtayuan ang mga alagad n'ya na iniinda parin ang sakit dahil sa ginawang pag-bugbog ni Jacob sa kanila. Pasimple namang kumuyom ang kamao ni Robin dahil sa matinding galit.

"Kuya.."halos bulong nalang na sambit ni Jacob at hanggang ngayon hindi s'ya makapaniwala. Bigla namang nagbalik ang mga ala ala ni Jacob kasama si Robin.

FLASHBACK

Masayang nag-lalaro sina Jacob at Robin ng kotse na bili ng kanilang ama. Lingid sa kaalaman ng dalawa na hindi sila buong magkapatid dahil anak si Robin sa pagkakamali ng kan'yang ama o sa madaling salita ay anak sa labas si Robin.

Isang taon lang ang tanda ni Robin kay Jacob. At si Robin ay anak ng kanilang katulong sa mansion at 'yon ay lingid sa mura n'yang pag-iisip. Nabuo si Robin dahil nung isang beses na umuwi ng lasing ang Papa ni Jacob ay napagkamalan ng Papa n'ya na ang asawa n'ya ang katulong. Labis ang naging galit ng Papa n'ya ng madiskubre na hindi pala ang asawa n'ya ang kasama sa iisang kama. Nagbunga ito at nabuntis nito ang kasambahay. Sa inis ni Joseph (Papa ni Jacob) pinagtangkaan pa nitong palayasin sa Mansion ang kasambahay  pero dahil likas na mabait at maawain si Lian (Mama ni Jacob) pinakiusapan ni Lian ang asawa na huwag palayasin ang babae hanggang hindi pa ito nanganganak. Pumayag naman si Joseph.

Noong sumunod na dalawang taon naman ay nabuntis narin si Lian kay Jacob at nung mga oras iyon ay isang taon na si Robin. Doon na s'ya pinatira ni Lian at pumayag naman si Joseph dahil anak rin naman n'ya ito.

Ipinanganak na si Jacob sa America at makalipas naman ang ilang bwan ay iniuwi na rin ito sa pilipinas.

Kung kaya't sabay na lumaki sina Jacob at Robin na ang turingan sa isa't isa ay tunay na magkapatid. Ngunit habang lumalaki sila ay nagiiba rin ang pakitungo ni Joseph kay Robin na labis nilang pinagtataka.

"Mama, Papa! Where we going?" masayang tanong ng batang si Jacob sa kan'yang Mama. Nginitian naman s'ya nito.

"We're going to Amusement Park baby." agad namang nagliwanag ang muka ni Jacob.

"Really, Mama?" masayang tanong nito at tumango naman s'ya at tumingin sa asawa.

"Right, honey?" tanong ni Lian sa asawa at ngumiti naman ito at saka umupo para magkapantay sila ni Jacob.

"Yes, your Mama is right. We're going there because you're very good in your school as what your teacher told me." sambit ni Joseph at napapalakpak naman si Jacob dahil sa pagka excite.

"Yeheeeey! But.. How's Kuya Robin? Is he not going with us?" malungkot na tanong ni Jacob. Napaiwas naman ng tingin si Joseph.

"A-ah your Kuya Robin is still sleeping." pagsisinungaling nito. "Ang bad ko naman kung gigisingin ko si Kuya, diba?" dag dag pa nito at kahit na nalulungkot ay napatango nalang si Jacob.

"Okay." malungkot na sambit ni Jacob.

At ilang minuto lang ay umalis na sila at masayang tinungo ang Amusement Park.

Marry Me ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon