A/N:
Gusto ko lang i-share sa inyo na hindi parin talaga ako maka move on sa Titanic kase... Kase si Jack... Jack Dawson kamuka n'ya si Vernon nung palubog na s'ya sa tubig :<
Sana nung 1997 may muwang na ko para man lang naabutan ko kung gaano ka gwapo si Leonardo DiCarprio at Nick Carter huhu :< Iloveyou both :'< Dahil sa in'yo sinipag akong mag update.
So yeah, Enjoy!
JACOB'S POV
Naalala ko pati nung aksidente kaming napunta sa Lovers Park, hindi ko talaga alam na dun pala kami napunta.Kaya ganon nalang ang tuwa ko dahil nung tumunog 'yung bell ay nasa gitna kame pero dahil may respeto ako sa kan'ya instead of kissing her, niyakap ko nalang s'ya ng sa ganon hindi naman kami magmukang KJ sa mga taong nandoon.
Pati 'yung time na nalaman ng buong school na fiancé ko si Stella, alam kong merong hindi magandang mangyayare kaya kahit na nasa ospital ako para bantayan ang napaka arteng si Heidi.. Minabuti kong unahing puntahan si Stella at tama nga ang naging desisyon ko dahil nakita ko s'yang binubully nila Stacey.
FLASHBACK~
"Wag na wag mo s'yang sasaktan kung hinde ako ang makakalaban mo."agad kong pinigil ang kamay ni Stacey na nakaambang sasampalin si Stella.Matalim ko s'yang tinitigan.
"J-jacob."mahinang banggit ni Stella sa pangalan ko kaya nilingon ko s'ya ng ilang segundo bago ko binalik kay Stacey ang paningin ko na kasalukuyang ay takot na takot na nakatingin sakin.
"Ano 'to Jacob? Pinag tatanggol mo s'ya? Ibig sabihin totoo nga?" kahit napapangiwi na s' ya sa higpit ng hawak ko sa kamay n'ya ay hindi nawala ang matalim na tingin ko sa kan'ya.
"Totoo man o hindi wala kanang pakealam don."mariing banggit ko sa kan'ya.
Isang isa nalang bibingo na sakin 'tong babaeng' to e!
"A-ano ba Jacob tama na."pagpupumiglas n'ya kaya mag lalo ko pang hinigpitan ang pagkakapit ko sa kamay n'ya.
"Sa susunod na gagawin mo 'to sinisigurado kong wala kana sa eskwelahang' to."pagbabanta ko sa kan'ya at kitang kita ko kung paano namilog ang mga mata n'ya.Pabato ko namang binitawan ang mga kamay n'ya.
"Halika na."yaya ko kay Stella tsaka namin nilisan ang lugar na 'yon.
END OF FLASHBACK~
'Yung araw na' yon ay dinala ko s'ya sa Hacienda ni lolo,wala pa kong ibang dinadala doon bukod sa kan'ya.Pati si Heidi hindi ko pa nadadala doon.Tanging ang taong gusto ko pa lang ang nadadala ko doon...
At 'yon ay walang iba kung' di si Stella.
Naalala ko 'yung time na kinausap ako ni papa tungkol sa kasal namin ni Heidi.
FLASH BACK~
Umuwi ako ng bahay ng may malaking ngiti sa labi.Ewan ko pero mula pa kaninang nagkahiwalay kami ni Stella hindi na nawala ang ngiti sa mga labi ko.
Hahahahahahahahahaha saraaaaaaaaaap!
^____________^
Habang nagpapark ako napansin kong may isa pang kotse nandoon kaya naman napakunot noon ko.
May bisita?
Hindi ko na 'yon pinansin at saka ako pumasok sa loob ng Mansion.
Tulad ng dati pagkapasok na pagkapasok ko agad akong sinalubong ni Fred.
BINABASA MO ANG
Marry Me ✔
Jugendliteratur[Book 1] All of this started with an ACCIDENT! Jacob is a heartthrob, wealthy, popular, and good-looking man who only wants to be free of the girl his father wants him to marry for the sake of their company's business. The only way out of this situa...