JACOB'S POVWe're still here on bicol. Disperas ngayon ng pasko kaya naman nakaisip ako ng ideya. Kahapon ko lang naisip kaya naman gagawin ko na ngayon pati bukas hehe.
Basta ang dapat ko lang magawa ngayon ay pagurin ng husto si Mia. Papagurin ko s'ya sa pamamagitan ng pagtatrabaho hindi ng kung anong iniisip n'yo. Shrek minded kayo ha Hahahaha.
STELLA'S POV
Disperas palang ng pasko ngayon pero excited na excited na akong magpasko hihi. First time ko kasing magpasko ng si Liam ang kasama ko. Wala pa kaming balak para bukas e, s'ya daw magdedesisyon kung saan kami pupunta. Ewan koba d'yan kung saan nais kaming mapadpad, basta ako kahit saan n'ya ako dalhin as long as nandun s'ya okey na ko dun.
8:30 na ng umaga ngayon. Ngayon araw naka schedule si Kat kat na manghuli ng tulya doon sa may.. Ewan ko ba kung anong tawag doon, basta para s'yang sakahan pero puro putik lang. Minabuti naming samahan si Kat Kat manghuli ng tulya dahil bukod sa gusto namin s'yang tulungan ay nagpupumilit si Liam na sumama daw kame. Nagtaka nga ako e, lulusong kami sa putikan pero gusto n'yang sumama. Ang pagkakakilala ko kase sa lalaking 'yon e ayaw n'ya sa lahat ay 'yung nadudumihan s'ya, kaya naman anong mabuting espiritu ang nagtulak sa kan'ya para gawin ang huwarang trabaho na ito? Nauntog 'ata ang ulo ni Liam.
Nag suot na kami ng mga proper clothes para dito. Then dumiretso na kami sa bukid kasama si kat kat. Nagdala kami ng timba para lagyan non, napagalaman ko rin na sa lolo pala ni katkat ang bukid na ito.
Nung makarating na kami sa bukid ay tumigil muna kami sa may puno ng mangga sa tabi nung mismong pagkukuhanan namin ng tulya tapos may pinuntahan si katkat doon sa may kubo kaya nag-antay kami dito, tiningnan ko uli ang bukid, panay putik talaga ang matatanaw mo. Hindi naman ako ganoon ka arte para pandirian ito, saka nakagawa kona ito dati nung pumunta ako dito sa bicol. Nag-aalala ako para dito sa kasama ko dahil wala s'yang experience pagdating sa mga gantong bagay. Kaya naman nilingon ko s'ya.
At takte lang, nakatingin s'ya sa putik na parang kinakabahan at panay ang lunok. Pfft! S'ya ang nagyaya tapos kakabahan s'ya ng ganyan? Hahahahaha. Kaya naman siniko ko s'ya at agad s'yang napatingin saakin. Nung tumingin s'ya sa mga mata ko dun ko nakita na kinakabahan talaga s'ya Hahahaha.
"W-why?" tanong n'ya saakin kaya naman natawa ako.
"Wag ka ngang kabahan d'yan para kang timang." natatawang sambit ko kaya naman kaagad na nagunot ang noo n'ya.
"A-anong sabi mo!?" inis na tanong n'ya.
"Binge kaba Liam?" sarkistong sambit ko at agad naman s'yang nag-iwas ng tingin. Hahahaha cuuuuute
^________^
"A-ah hindi naman ako kinabahan e. Ang dali daling gawin nito ba't ako kakabahan? Ha-ha-ha-ha." tapos pilit s'yang tumawa. Sus kunwari pa Hahahaha.
"Aminin mo na kase tayo lang naman dalawa dito."pamimilit ko. Totoo naman kase e, kinakabahan talaga s'ya swear. Hahahahaha. Sabagay, wala pa s'yang experience kaya siguro kinakabahan. Pero, ano namang nakakakaba sa pangunguha ng tulya? Kung natatakot s'yang madumihan, naka proper clothes naman s'ya.. naka gloves at face mask pa nga e ba't s'ya kakabahan. Asarin ko nga hahahahaha.
"H-hindi nga ako kinakabahan."
"Weh? Eh bakit ka lunok ng lunok at parang 'di mapakale?"
"E-eh basta.. Hindi ako kinakabahan noh. It's just like a piece of a fvcking cake!" pagmamalaki pa. Aba aba!
"Oh bakit may fvcking fvcking pang kasama? Naiinis kana noh?" pangaalaska ko pa. Hahahaha sarap n'yang asarin.
BINABASA MO ANG
Marry Me ✔
Jugendliteratur[Book 1] All of this started with an ACCIDENT! Jacob is a heartthrob, wealthy, popular, and good-looking man who only wants to be free of the girl his father wants him to marry for the sake of their company's business. The only way out of this situa...