Chapter 1: Murphy High

41.6K 810 121
                                    

Chapter 1

Maaga akong nagising ngayon kasi ngayong araw ang 1st day namin bilang Grade 12. Hindi ko akalain na nasa ganito na akong baitang kasi noon hinahatid pa ako ni Daddy sa school na pinapasukan ko.

"Good Morning Mommy," maligayang bati ko kay Mom at hinalikan ko siya sa pisngi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Good Morning Mommy," maligayang bati ko kay Mom at hinalikan ko siya sa pisngi.

"Good morning Baby," nakangiti namang wika ni Mom at inayos ang aking uniporme.

"Super excited na po ako sa new school ko," natutuwa kong sabi kay Mom habang may kasama pang pagtalon.

"Mabuti naman kung gano'n! Alam mo naman na doon kami pumasok ng Daddy mo. Paniguradong madami kang matututunan sa Murphy High."

"Diba po doon pumapasok sina Francis?" tanong ko kay Mom kaya tumango siya bilang sagot.

"Kung kailangan mo ng tulong nila huwag kang mahihiya na lapitan ang kambal. Paniguradong maliligaw ka sa buong campus dahil sa sobrang lawak. Sana ay magkaroon ka kaagad ng kaibigan," nakangiting wika ni Mom habang inaayos ang aking gamit na dadalhin ko sa school.

Big girl na naman ako pero baby pa din ang turing nila sa akin lalo na si Daddy. Sobrang spoiled ako kay Daddy kasi lahat ng gusto ko suportado niya.

"Nasaan po ang kambal?" tanong ko dahil sa pagkakaalala ko ngayon din ang araw ng pasok nila bilang grade 6.

Sobrang lambing ng kambal kong kapatid at higit pa doon napakagwapo nilang dalawa dahil manang mana sila kay Daddy. Ang pangalan nilang dalawa ay Red at Zaijan. Si Red ang una ng 10 segundo na pinanganak ang sumunod naman at si Zaijan. Parehong masungit ang dalawa dahil nagmana daw sila kay Daddy.

Oo nga pala, my name is Sophia Xavery Cortwar, 18 years old.

"Natutulog pa sila, mamaya ko nalang gigisingin kasi mamaya pang 9 ang klase nila," wika ni Mom at iniabot sa akin ang isang baso na may lamang gatas.

Hindi ako sanay na kumain sa umaga, kaya sa tuwing umaga gatas lang ang iniinom ko na minsan ay may kasamang tinapay.

"Xavery..."

Hinanap ko ang boses na 'yon at napangiti ako ng makilala ko kung sino ang bumanggit sa pangalan ko. Walang iba kundi ang bestfriend ko. Nangako kasi siya sa akin na siya ang palaging maghahatid sa akin sa school.

"Good morning Michael," maligaya kong bati at inabot ko ang buhok niya at ginulo ng bigla niya akong samaan ng tingin.

"Good morning Michael," maligaya kong bati at inabot ko ang buhok niya at ginulo ng bigla niya akong samaan ng tingin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Love Me Back (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon