Chapter 22: Explain

9.8K 379 64
                                    

Chapter 22

"Saan ka pupunta?" tanong ni Michael nang makitang palabas ako ng room.

Tumingin din sa 'kin si Aye habang nakakunot ang noo. Sinabi niya kanina na si Michael na lang ang maging partner ko pero hindi ako pumayag.

Hindi niya kasi gaanong ka close si Francis at saka alam kong gusto niyang partner si Michael. Habang si Michael naman ay parang wala lang sa kanya na partner ko ang kakambal niya. Para bang pabor pa siya.

"Kukuhanin ko lang ang book ko sa locker."

"Gusto mong samahan kita?" Tanong ni Aye kaya mabilis akong umiling.

"Okay lang ako, malapit lang naman ang locker room."

Napatango na lang siya at biglang siniko si Michael na ngayon ay nakahalumbabang nakatingin sa unahan.

"Kunwari may kukunin pero ang totoo ay makikipagkita sa lalaking 'yon!"

Kinurot naman ni Aye ang tagiliran ni Michael habang nailing na lang ako. Alam kong darating ang araw na matatanggap niya rin si Ethan.

"May klase siya ngayon."

Para bang nakahinga ng maluwag si Michael sa sinabi ko. Kinawayan ko na lang si Aye bago tuluyang lumabas ng room.

Wala pa kaming napag uusapan ni Francis tungkol sa paggawa ng prototype. Hindi ko alam kung paano kami makakagawa kung puno ng galit ang nararamdaman ko sa kanya. Talagang pinalano niya na kami ang maging partner para malaya siyang makalapit sa 'kin.

Kung pwede nga lang magpagawa na lang sa iba ay gagawin ko pero hindi naman pwede 'yon. Kailangan rin namin na maghirap.

Ang inaalala ko ay ang magiging reaksyon ni Ethan. Alam kong hindi siya matutuwa sa oras na malaman niya na partner ko si Francis. Hindi naman kasi pwedeng sa chat lang namin pag planuhan ang gagawin namin.

Pero mas mabuti kung isend niya na lang sa 'kin ang details at ako na ang gagawa ng prototype. Magpapatulong na lang ako kay Dad kapag hindi siya busy.

Ayoko talagang makasama siya sa iisang lugar. Bumabalik sa ala-ala ko ang pananakit at pambabalewala na ginawa niya sa 'kin.

Natigilan ako nang makita ko si Francis na may kinukuha rin sa locker niya. Mukhang napansin niya ang presensya ko kaya napalingon siya sa 'kin.

Nagtama ang tingin naming dalawa na mabilis ko naman iniwas. Nagsimula na ulit akong maglakad at dumiretso sa tapat kung nasaan ang locker ko. Halos magkalapit lang ang amin kaya sobrang lapit namin sa isa't isa.

"Sophia Xavery!"

Hindi ko pinansin ang pagtawag niya sa 'kin kasi binuksan ko na ang locker ko. Naiinis ako kasi nangangatal ang kamay ko habang hinahawak ko ang kailangan kong book.

"I'm sorry for what happened last night."

Halos padabog na ang paghahanap ko sa loob ng locker ko kasi hindi ko talaga mahanap ang book na 'yon. Nandito kasi lahat ang book ko kasi nabibigatan ako kapag nasa loob ng bag ko.

"Pansinin mo naman ako," halos pabulong niyang wika.

Bakit? N'on ba binibigyan mo ako ng pansin? Pinagtutulakan mo pa nga ako hanggang sa napagod ako.

Bigla kong nakagat ang ibabang labi ko nang maramdaman ko ang sakit dahil sa ginawa niya kagabi.

"I'm really sorry, Sophia Xavery, I was dru---" Napahinto siya sa sasabihin niya dahil malakas kong sinara ang locker ko.

Nahanap ko na kasi ang pakay ko at kahit ano'ng pagpapansin niya ay hindi ko siya papansinin.

Lalampasan ko na sana siya nang bigla niyang hawakan ang braso ko. Mabilis ko naman inalis 'yon habang walang emosyon na nakatingin sa kanya.

Love Me Back (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon