Chapter 28: Choose

10.9K 395 94
                                    

Chapter 28

"Papanagutan kita, baby."

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Hanggang ngayon ay magkalapat pa rin ang labi naming dalawa. Randam ko ang pagmamahal niya sa bawat galaw ng labi niya.

But this is wrong. May Ethan akong nagmamahal sa 'kin. Sobra na ang pananakit na ginawa ko sa kanya at ayoko nang dagdagan pa. Hindi niya deserve masaktan nang dahil sa 'kin.

"P-please, Francis, ayoko.."

Hindi ko na napigilan na maluha at mabilis ko siyang tinulak palayo sa 'kin. Napansin kong napasabunot niya sa sarili niyang buhok.

"Shit. I'm sorry, baby."

Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako pero tulad kanina ay pilit ko siyang tinutulak palayo. Ayoko siyang mapalapit ulit sa 'kin kasi natatakot ako, natatakot na hindi ko na kayang lumayo pa sa kanya.

"P-parang awa mo na, Francis, tigilan mo na ako. Tigilan mo na kami ni Ethan. Kahit ano'ng mangyari ay siya pa rin ang pipiliin ko."

Tumayo na ako galing sa pagkakaupo sa kama at naglakad na palayo sa kanya. Pero bago pa ako makalabas ng kwartong 'yon ay naramdaman ko ang pagyakap niya sa likod ko.

"P-please, let me go.."

Pilit kong inaalis ang braso niyang nakapulupot sa tiyan ko pero mas hinigpitan niya ang yakap sa 'kin.

I love you, Francis! Mahal na mahal kita pero hindi ko kayang saktan si Ethan. Hindi ko kayang bigla na lang iwanan sa ere ang taong lubos na nagmamahal sa 'kin.

"S-sorry kung nasaktan kita, sobrang nagsisisi ako. Please baby, ako na lang, handa akong maghintay na mahalin mo ulit ako. Kahit gaano katagal, maghihintay ako. Mahal na mahal kita."

Mariin kong pinikit ang mata ko sa sinabi niya. Nakapatong ang mukha niya sa balikat ko kaya ramdam ko ang pamamasa nito dahil sa pag-iyak niya.

I did everything para lang makawala ako sa higpit ng yakap niya at nang magtagumpay ako ay mabilis ko siyang hinarap kasabay ng malakas na pagsampal ko sa kanya.

"BINGI KA BA, HA? ILANG BESES KO BANG SASABIHIN SA 'YO NA LUMAYO KA NA! HAYAAN MO NA KAMING MASAYA!"

Hindi pa ako nakuntento kasi pinaghahampas ko pa siya. Hinayaan niya lang na gawin ko 'yon sa kanya.

"I can't, I really can't, hindi ko kayang lumayo sa 'yo.."

Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko. Dinala niya 'yon sa mukha niya habang nakapikit ang mata niya.

Ang sakit na makita na nakahaluhod siya sa harapan ko habang patuloy sa pagbuhos ang luha niya.

It's break my heart into pieces.

"F-francis please, nahihirapan na ako. Humanap ka na lang ng iba na mamahalin mo. Maraming iba dyan na sobrang magmamahal sa 'yo. Balikan mo si Hailey, siya ang babae na para talaga sa 'yo."

Pilit kong binabawi ang kamay ko sa kanya pero mas hinigpitan niya ang hawak sa 'kin.

"H-hindi, hindi ako hahanap ng iba. Damn it. Ikaw ang babaeng mahal ko. Ikaw ang babaeng gusto kong pakasalan."

Napansin kong may kinukuha siya sa bulsa niya kaya lumakas ang kabog ng puso ko. Hanggang ngayon ay sobrang higpit pa rin ng hawak niya sa kamay ko na para bang natatakot siyang mabitiwan ako.

Hindi nga ako nagkamali. Nakita ko ang isang singsing na hawak niya. Tumitig siya sa mata ko na ngayon ay may luha na.

"I know masyado pa tayong bata pero damn it. Ayokong mawala ka sa buhay ko, selfish na kung selfish pero gusto na kitang itali kasi mahal kita. Ikaw ang gusto kong maging ina ng magiging kambal ko, ang babaeng kasama ko pagmulat pa lang ng mata. You are the only one person I want to be with for the rest of my life and grow old with. I love you my baby.. "

Love Me Back (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon