Chapter 10: Sunshine

13.1K 551 44
                                    

Chapter 10

Tulala lamang ako habang naglalakad. Hindi ko na muling hinabol pa si Francis dahil wala naman akong mapapala sa kanya. Mas mabuti na nga na umiwas na ako sa kanya.

Wala lang naman ang ginawa niyang pagtubos sa akin kaya bakit ko lalagyan ng malisya. Siguro napansin niya na nag-iisa nalang ako sa loob kaya niya ako tinubos kasi kawawa ako.

"Saan ka galing?" biglang sulpot ni Michael habang may kinakain siyang hamburger at ganundin si Aye.

Ngayon ay nakasuot na siya ng short habang hapit na hapit ang suot niyang damit. Nakapuyod din ang mahaba niyang buhok habang may suot siyang makapal na headband. Hindi ko maipagkakaila na sobrang ganda niya talaga.

"Bakit bigla ka nalang nawala? Saan ka nagpunta?" tanong naman ni Aye sabay kagat sa hamburger niya.

"Namamasyal ako kanina ng bigla akong hulihin at dalhin sa jail booth." sagot ko sa tanong nila ng lumapit sa akin si Michael kasabay ng pag-akyat niya sa akin.

"Oh, sayo nalang." aniya at binigay niya sa akin ang kanyang hamburger na kokonti pa ang bawas.

"Hindi na, sayo nalang dahil alam kong kulang pa sayo 'yan." naiiling kong wika ng samaan niya ako ng tingin.

"Kung alam mo lang kung gaano na kadami ang nakain ng lalaking 'yan. Mahigit na sa pito at pangwalo na ang hawak niya ngayon." natatawang sabi ni Aye kaya naman sinamaan siya ng tingin ni Michael.

"Akala ko kaunti palang nakakain ko hindi pa kasi ako busog." nakanguso niyang wika habang hinahaplos ang kanyang tiyan kaya napailing ako.

Siya kasi ang tipo na kahit na madaming kainin ay hindi tumataba. Kahit naman matakaw siya ay meron naman siyang mapagma-malaking abs.

"Ano'ng kaunti kung hindi pa kita pinigilan ay bibilhin mong lahat ang paninda nila. Ano bang klaseng hayop ang nasa tiyan mo?" tanong sa kanya ni Aye.

"Baby anaconda." naiiling na sabi ni Michael kaya natawa nalang ako kasi hindi talaga sila kailanman nagkakasundo.

"Alam mo pa ba kung ano ang sunod na baby ko?" muling na namang sabi ni Michael kay Aye.

"Ano?"

"Ikaw ang sunod kong baby." seryosong sabi ni Michael kaya natigilan si Aye habang namumula ang kanyang mukha samantalang ang lapad naman ng ngiti ko sa kanilang dalawa.

"Joke lang!" natatawang sabi ni Michael habang nagtatakbo palayo kaya naman halos umusok na ang ilong niya habang nagtatakbo siya para habulin si Michael.

Napailing nalang ako sa dalawa ng marinig kong may naghihiyawan sa gym kaya lumapad ang ngiti ko kasi magsisimula na ang basketball.

Hindi na ako nag-abala pang magpaalam sa dalawa dahil siguradong malayo na ang narating nila.

Pagkapasok ko ng gym ay hindi na ako nagulat dahil sobrang daming estudyante na may mga hawak na banner at mga lobo na kulay blue at red.

Bumili muna ako ng tubig para kay Ethan. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din siya nakikita. Minabuti ko nalang na umupo sa bleacher sa ibaba dahil 'yon nalang ang may bakante kasi halos puno na talaga lahat.

Nahagip ng mata ko sina Francis habang kasama niya si Hailey na kasalukuyang nakasuot ng pang cheerdance habang nakapuyod ang mahaba niyang buhok.

Samantalang naka jersey na si Francis na ang kulay ay blue at hindi ko talaga maipagkakaila na sobrang gwapo niya sa suot niyang jersey.

Nag-uusap silang dalawa habang makikita mo sa kanilang dalawa ang saya. Madami din akong naririnig na nagbubulungan dahil ang swerte daw ni Hailey dahil ang campue hearthrob dito sa MURPHY ay mahal siya.

Love Me Back (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon