Chapter 14: Girlfriend

12.6K 452 30
                                    


Chapter 14

Iminulat ko ang mata ko at sumalubong sa akin ang puting kisame. Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko si Mommy na nakaub-ob sa gilid ng kama kung saan ako nakahinga ngayon.

"M-mom!" tawag ko kay Mom ng mabilis siyang tumunghay at kaagad na niyakap ako.

"Pinag-alala mo ako!" bulong ni Mom habang rinig ko ang paghikbi niya kaya hinaplos ko ang likod niya.

"Ano po ang nangyari?" tanong ko kay Mom matapos niya akong alalayan na makaupo.

Napansin kong may nakapulupot sa ulo kong benda at ng hawakan ko 'yon ay hindi ko mapigilang mapadaing dahil biglang kumirot.

"Nagpagulong-gulong ka pababa sa hagdan. Hindi ko alam ang gagawin ko noong malaman ko ang bagay 'yon. Mabuti nalang kaagad sinabi ni Francis ang nangyari sayo at mabilis ka niyang nadala sa hospital." wika ni Mom habang hinahaplos ang pisngi ko.

Narinig kong bumukas ang pintuan at niluwa nun sina Dad habang kasama sina Michael at Aye. Kaagad naman akong dinaluhan ng dalawa habang nilapitan naman kaagad ni Dad si Mom.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Aye kaya tumango ako at ngumiti.

"Kung alam ko lang na magyayari 'to edi sana sumama nalang ako para bantayan kita." nakayukong sabi ni Michael kaya inabot ko ang kamay niya at marahanan na pinisil.

"Wala kang kasalanan, Michael!" wika ko na mabilis niya naman akong niyakap ganundin si Aye.

"Kamusta na ang pakiramdam ng prinsesa ko?" tanong ni Dad kasabay ng paghalik niya sa noo ko kaya napangiti ako.

"Okay lang po ako, Dad!" wika ko at niyakap ko silang pareho ni Mom.

Lumipas ang isang oras ay nanatili sila sa tabi ko habang nagku-kwentuhan kami nina Michael samantalang sina Mom at Dad ay mahimbing na natutulog. Siguradong napuyat silang dalawa sa akin sa pagbabantay sa akin.

"Hindi ba pumunta dito si Francis?" tanong sa akin ni Aye kaya nagkibit balikat ako kasi hindi ko naman siya nakita noong pagmulat pa lang ng mata ko.

"Nakasalubong namin siya kanina kaya akala namin nagpunta siya dito." muli niyang wika kaya nagulat ako kasi wala namang Francis akong nakikita.

"Hindi siya umuwi kagabi sa mansyon." sabi naman ni Michael kaya nabaling na ang tingin ko sa kanya.

"Alam kong nagpalipas siya dito ng gabi at binantayan ka. Hindi niya manlang nagawang magpalit ng suot niya dahil hinayaan niyang matuyo sa katawan niya ang basang-basa niyang uniform." muli niyang sabi kaya natigilan ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

"S-si Ethan?" kinakabahan kong tanong ng biglang yumuko si Aye kaya napuno ng kaba ang dibdib ko.

"N-nasaan si Ethan?" tanong ko kay Michael habang hawak kona ang braso niya.

Hinawakan ni Aye ang kamay ko at marahang pinisil kaya bumaling ako sa kanya. Napansin kong humugot siya ng hininga kaya mas lalo akong kinabahan.

"Hindi pa din siya nagigising hanggang ngayon." aniya kaya bumuhos na ang luha ko.

"Pupuntahan ko siya!" wika ko habang patuloy ang pagtulo ng luha ko ng yakapin ako ni Michael.

"Hindi kapa pwedeng lumabas kasi hindi pa maayos ang pakiramdam mo." seryosong sabi ni Micharl habang hawak ang magkabila kong pisngi.

"Mas magiging okay ako kapag nakita kona si Ethan!" matigas kong sabi at nakahinga ako ng maluwag kasi hindi na nila ako pinigilan pang tumayo.

Bumaling ako kina Mom at Dad na tulog parin ngayon. Sumulyap ako sa nakaturok sa akin at akmang aalisin kona sa likod ng kamay ko ng pigilan ako ni Aye.

Love Me Back (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon