Chapter 3: Hurt

15.8K 580 100
                                    

Chapter 3

Nilibot ko ang aking paningin at napaupo ako ng mapagtanto na nasa loob ako ng kwarto ni Michael. Nasapo ko nalang ang aking noo kasi naalala ko na nakatulog nga pala ako sa kanyang sasakyan habang papunta kami sa kanila.

Tumayo na ako at galing sa pagkakahiga at lumabas na ng kanyang kwarto. Sobrang tahimik ng paligid at kahit yata tunog ng hangin ay hindi mo maririnig.

Pumunta ako sa kanilang dinning area at hindi nga ako nagkamali kasi nando'n si Michael habang hawak ang kanyang phone na siguro ay naglalaro ng mobile legends.

Mas lalo pa akong lumapit sa kanya at pumewesto ako sa likod ng sofa kung saan niya nakaupo at tinakpan ko ang kanyang mata. Gusto kong matawa pero pinigilan ko.

"Hmm. Sino kaya 'to?" nanghuhulang sabi ni Michael habang kinakapa na ang aking mukha upang kilalanin.

 Sino kaya 'to?" nanghuhulang sabi ni Michael habang kinakapa na ang aking mukha upang kilalanin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Parang kilala ko ang amoy nito at ang hugis ng mukha." sabi pa niya habang padako ang palad niya sa ilong ko at pinisil ng marahan.

"Matangos ang ilong." natatawa niyang sabi kaya kinagat ko ang ibabang labi ko para huwag matawa kasi halata naman sa kanya na nakikisakay siya sa trip ko.

"Mataba ang pinsgi." sunod niyang sabi habang kinukurot ang kanan kong pisngi at kung minsan napapangiwi ako kasi napapalakas ang pisil niya.

"Aha! Ikaw si Sophia Xavery?" sabi niya pa kaya inalis ko na ang palad ko na nakatakip sa kanyang mata.

"Ako nga." natatawa kong sabi at umupo ako sa tabi niya.

"Kamusta naman ang tulog ng aking prinsesa?" tanong niya habang pinipisil na naman ang aking pisngi. Hinayaan ko lamang siya kasi sanay na ako sa tuwing ginagawa niya 'yon.

"Mabuti naman." sagot ko at sinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat habang pinapanuod ang paglalaro niya ng mobile legends.

"Turuan mo naman ako maglaro ng mobile legends." nakanguso kong sabi kay Michael kaya natawa siya sa aking itsura.

"Ayoko." iling niyang sabi at nagpipindot na naman sa kanyang phone.

"Bakit ba ayaw mo ako turuan?" pangugulit ko sa kanya habang siya ay tumatawa pa din.

"Ayoko kasi kapag tinuruan kita alam kong tatalunin mo lang ako. Huwag nalang, nakakaadik!" sabi nito at pinatay na ang kanyang phone at hinaplos ang aking buhok.

"Nasaan sina Tita Kaye?" tanong ko sa kanya kasi parang kami lang yata ang tao sa kanilang mansyon.

"Nasa work, alam mo naman ang Doctor dapat laging handa. Meron silang gagawin na operasyon ngayon kaya siguradong gabi pa ang uwi nina Mom at Dad." sabi nito habang akbay na ako.

Siguro kung ibang tao ang makakakita sa amin aakalain nila na may relasyon kami ni Michael. Sadyang ganito lang kaming dalawa. Sobrang kumportable na namin sa isa't isa.

Love Me Back (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon