Chapter 5: Swimming

13.1K 526 68
                                    

Chapter 5

Pinagmasdan ko ang mga litrato naming tatlo noong mga bata pa kami. Sa tuwing kinukuhanan kami ng litrato ako palagi ang nasa gitna. Hindi manlang ngumingiti sa harapan ng camera si Francis samantalang kami ni Michael ay wagas ang ngiti kapag nasa harapan ng camera.

"Sino sila?" biglang tanong sa akin ni Aye ng makita ang litrato na hawak ko.

"Ako at ang kambal." nakangiti kong sabi habang nanatili ang tingin ko sa mukha ni Francis.

Bakit hindi na lang ako ang nagustuhan mo? Sabagay, hindi naman pwedeng turuan ang puso na magmahal.

Hindi din sapat ang salitang ginawa mo na ang lahat sa taong hindi ka naman mahal.

"Talaga? Si Michael ang nasa left side?" tanong nito habang nakatingin sa mukha ni Michael.

"Yes." simpleng sagot ko sa tanong niya ng biglang may humablot ng litrato na hawak ko.

"Napaka-gwapo ko talaga." nakangising sabi ni Michael habang nakatitig sa hawak niyang litrato.

"Ang hangin mo talaga kahit kailan." natatawa kong sabi dito at inabot ko na naman ang buhok niya para guluhin.

"Sabi na gagawin mo 'yan, mabuti nalang wala akong nilagay na gel." naiiling nitong sabi habang inaayos ang kanyang buhok.

"Pansinin niyo naman ako." nakangusong sabi ni Aye habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.

"Nandito ka pala?" nang-aasar na tanong ni Michael kay Aye kaya tumaas ang kilay ni Aye na nakatingin kay Michael.

"Malamang, ano'ng tingin mo sa akin? Poste?" inis na tanong ni Aye kay Michael.

"Oo, flat chested ka kaya mukha kang poste." natatawang sabi ni Michael kay Aye samantalang si Aye naman ay namumula na ang mukha dahil sa galit. Hindi na niya nakayanan kaya hinabol niya si Michael habang pauli-uli sa field.

Napailing nalang ako sa kanilang dalawa. Kahit na madapa-dapa na si Aye kakatakbo ay hindi niya pa din tinigilan si Michael na ngayon ay sobrang lakas na ng tawa tuwing mapapansin niya na madadapa na si Aye.

It's been a week na simula noong huling pag-uusap namin ni Francis. Minabuti ko munang umiwas sa kanya dahil hindi talaga maganda ang tagpo naming dalawa na nangyari sa kanila.

Kung kelan naman naisipan ko ng umalis sa kanila tsaka naman dumating si Michael kaya wala akong nagawa kaya manatili muna doon. Kaya pala wala siya noong umaga dahil pinuntahan niya sina Tita sa hospital. Namiss na daw niya kaya binisita niya.

Samantalang si Francis naman ay gusto ko lamang siyang alagaan kasi may sakit siya pero para bang napakalaking kasalan kona inalaagaan ko siya.

Oo, hinding-hindi ako magiging si Hailey na mahal niya pero kaya ba siyang mahalin ng babaeng 'yun tulad ng pagmamahal na nararamdam ko para kay Francis.

Alam niyo yung masakit? 'Yung gustong-gusto mo siya. Pero may gusto siyang iba.

Magiging masaya nalang ako para sa kanila kahit na masakit.

"Hey."

Nagulat ako ng biglang may lalakeng umupo sa tabi ko. Tumingin ako sa kanya samantalang siya naman ay nakatanaw lang sa field. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at lumayo ng konti kasi sobrang lapit niya sa akin at isa pa hindi ko siya kilala.

"What's your name?" tanong nito sa akin kaya lumingon ako sa kanya samantalang nakatingim din siya sa akin.

"Xavery." tipid kong sagot sa kanya.

Love Me Back (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon