Chapter 29: He's Gone

14.2K 411 116
                                    

Chapter 29

"N-no... huwag kang magbiro ng ganyan, Michael. Tatamaan ka talaga sa 'kin."

Patuloy lang sa pagbuhos ang luha ko habang nakasalampak pa rin ako sa sahig. Hindi ako naniniwala sa kanya na wala na si Francis.

Francis won't leave me. Hindi niya ako magagawang iwanan kahit ano'ng gawin kong pagtatabuyan sa kanya.

"I-m sorry, Xavery, wala na siya. Iniwan na niya tayo."

Napahawak na lang ako sa bibig ko habang pinipigilan ko ang malakas na hikbi. Mas masakit pa ang nararamdam ko ngayon kaysa sa natamo kong sugat.

"N-nasaan siya, Michael? Please tell me.."

Kahit nanghihina ang tuhod ko ay pinilit ko pa rin na tumayo. Natatakot ako, natatakot ako na baka totoo ang sinabi ni Michael na wala si Francis. Ang lalaking mahal na mahal ko.

Ang lalaking pilit kong pinapalayo.

"J-just wait for me, susunduin kita."

Sa sobrang pagmamadali ko ay bigla na lang akong nagpagulong-gulong sa hagdan. Napangiwi ako sa sakit ng katawan ko pero pinilit ko pa rin na tumayo.

Mukhang mahimbing na ang tulog na Mom at Dad kaya hindi nila ako narinig. Pagkalabas ko ng gate ay napapikit na lang ako habang nilalanghap ang malamig na simoy na hangin.

"F-francis.."

Patuloy lang sa pagbuhos ang luha ko habang inaalala ko ang matamis niyang ngiti. Ang higpit ng yakap niya at sa bawat pagsabi niya na mahal niya ako.

Nakarinig ako ng pagbusina at mabilis na lumabas si Michael sa sasakyan niya at sinalubong niya ako ng yakap.

"N-nagbibiro ka lang di ba? Hindi totoo ang sinasabi mo..."

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa 'kin habang nararamdaman kong nababasa ang balikat ko. Tanging ang paghikbi lang namin ang naririnig namin sa oras na 'to.

"S-sana nga nagbibiro lang, sana nga kasi tangina! Hindi e, iniwan na niya tayo. Wala na ang kakambal ko at hindi ako kumpleto kung wala siya. Tangina ang sakit! Ang sakit sakit... pakiramdam ko pati ako ay unti-unti ng pinapatay. Ano'ng karapatan niyang iwanan tayo?! Napakamakasarili niya. Tangina! "

Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya habang hindi pa rin tumitigil sa pagtulo ang luha ko.

"K-kasalanan ko 'to.. kung sana hindi ko siya pinagtulakan... Kung sana siya ang pinili ko edi sana hindi mangyayari 'to. Kasalanan ko 'to, Michael.. kasalan ko 'to.."

"H-huwag mong sisihin ang sarili mo, walang may gusto nang nangyaring 'to.. Wala kang kasalanan.."

Sinabi kong mawala na siya sa buhay ko pero bakit ganito, Francis? Bakit sa ganitong paraan? Walang dapat na ibang sisihin kundi ako. Kasalanan ko kung bakit nawala siya. Napaka selfish ko. Hindi ko manlang inisip ang mararamdaman niya.

"M-mahal na mahal ko siya.. pero hindi pa rin siya ang nagawa kong piliin.. Ako dapat ang sisihin niyo sa pagkawala niya.. Magalit ka sa 'kin, Michael, magalit ka kasi ako ang may kasalanan."

Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan niya ang luha ko. Nanghihina akong makitang patuloy sa pag agos ang luha niya.

"I-ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na wala kang kasalanan, ha? H-huwag kang ganyan, please.. Mas nasasaktan ako.."

Muli niya akong niyakap at sa pagkakataong 'to ay mas malakas na ang hikbi naming dalawa. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak at ako pa ang may kasalanan.

Love Me Back (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon