Chapter 15: Chance

12.6K 489 56
                                    

Chapter 15

Hindi pa din ako makapaniwala sa nalaman ko na may girlfriend pala si Ethan. Sinabi niya sa akin na wala pa siyang nagiging girlfriend pero sino ang babaeng pinakilala niya sa akin sa hospital?

Sobrang sakit lamang kasi na kung kailan nagugustuhan kona tsaka ko naman malalaman ang bagay na 'yon.

Umuwi na kami ngayon sa mansyon para mas makapag pahinga ako. Pinayagan ako ng principal na 1 week ako magpahinga kasi nananakit pa din ang binti at ulo ko.

Wala akong balita kay Ethan dahil hindi naman siya nag memessage sa akin. Sabagay, may girlfriend na nga pala siya.

Hindi niya pa din ako natatandaan.

"Sana bumalik na ang ala-ala niya." bulong ko sa dalawang kuting na nasa lap ko.

Napangiti ako ng maalala ko kung paano sila alagaan ni Ethan. Paano kaya kung ipakita ko sa kanya ang kuting na inaalagaan niya? Maaalala niya kaya ako?

Narinig ko na bumukas ang pintuan at pumasok si Mommy na may hawak na isang tray. Nilapag niya sa side table ko ang tray na may laman na cookies at gatas.

"Thank you, Mom!" nakangiti ko na sabi sa kanya ng umupo siya sa tabi ko.

"Maayos na ba ang kalagayan ng baby ko?" tanong ni Mom habang hawak niya ang palad ko.

"Opo naman."

"Mabuti naman kung ganun, hindi ko alam ang gagawin ko ng malaman ko ang nangyari sayo." malungkot na wika ni Mom kaya pinisil ko ang kamay niya.

"Huwag na po kayong mag-alala sa akin. Maayos na po ako."

Hinaplos ni Mom ang buhok ko kaya hindi ko mapigilan na mapangiti habang pinagmamasdan ko siya. Mahal na mahal talaga kami ni Mommy.

"N-nagbantay po ba sa akin si Francis?" nauutal ko na tanong ng tumitig sa mata ko si Mom.

"Siya ang tumawag sa akin ng mangyari ang bagay na 'yon. Hindi ka niya magawang iwanan kung hindi lamang siya kinausap ng Daddy mo. Basang basa pa din siya nung binabantayan ka niya sa hospital." aniya kaya namilog ang mata ko.

Dalawang araw na ang lumipas noong mangyari ang bagay na 'yon. Minsan ay dumadalaw dito sina Michael para kamustahin ako.

Tungkol naman sa pagtatampo ni Michael ay siya pa din ang unang kumausap sa akin dahil alam ko na hindi niya ako matitiis.

"Nasaan po sina Tita?" tanong ko.

"Wala pa din siya sa kanila kasi nasa pampanga siya dahil sa naganap na lindol."

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Nalaman ko din kina Aye na hindi pumapasok si Francis. Kapag tinanong ko naman si Michael ang sasabihin niya sa akin ay nagsesenti lamang ang kakambal niya.

"Mom, pwede po ba akong pumunta kina Francis?" tanong ko dahil hindi talaga ako mapakali kasi pakiramdam ko ay kailangan ni Francis ng tulong.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Mom kaya mabilis ako na tumango.

"Maayos na po ako. Nakakapaglakad na po ako ng ayos." wika ko habang hinahakbang ko ang paa ko.

"Sige, hahayaan kita na pumunta sa kanila basta ubusin mo muna ang cookies na ginawa ko sayo." aniya kaya hinalikan ko siya sa pisngi at mabilis na kinain ang ginawa niyang cookies.

Wala si Dad sa mansyon dahil nasa kompanya siya pero tinawagan ko muna siya bago ako sumakay ng sasakyan. Naghatid na lamang ako sa driver namin dahil hindi ko pa kaya na mag commute.

Pinagdala din ako ni Mom ng cookies na ginawa niya.

Habang nasa byahe ay nakamasid lamang ako sa bawat daraanan namin. Medyo makulimlim ang ulap dahil mukhang uulan.

Love Me Back (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon