Chapter 21: Partner

9.6K 371 27
                                    

Chapter 21

Hindi ko mapigilan na mapangiti nang makita ko si Ethan na masayang nakikipag usap kay Mom. Minsan ay kinukulit niya rin ang kambal. Sayang nga lang at wala ngayon si Dad.

Ipapakilala ko pa naman sana si Ethan ngayon bilang boyfriend ko. Sabagay, marami pa naman ang pagkakataon.

"Good morning, Mom!" nakangiti kong bati kay Mom kaya dumako ang tingin sa 'kin ni Ethan.

"Good morning, sweetie!" Hinalikan niya naman ako sa pisngi habang ang tamis ng ngiti niya.

Nginuso pa ni Mom si Ethan na ngayon ay nakangiti pa rin na nakamasid sa amin.

"Good morning, Love," bati niya kaya pinaningkitan ko siya ng mata pero ang loko nginisian lang ako.

"Ayaw pa niyang kumain kasi hinihintay ka niya na bumaba."

Dumako ang tingin ko sa pagkain na nasa harapan niya. Tama nga si Mom, paubos na ang pagkain nila habang ang kanya ay hindi niya pa nagagalaw.

"Ate!" lumapit sa 'kin ang kambal at niyakap ako.

Napangiti naman ako at hinalikan silang dalawa. Minsan lang namin sila makasabay sa umagahan kasi tanghali pa ang klase nila.

Lumapit na ako kay Ethan at tumayo ako sa gilid niya. Nabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang palad ko sa harapan mismo ni Mom. Pakiramdam ko ay sobrang pula na ng mukha ko.

Bakit kasi ang sweet ni Ethan? Nanginginig ang tuhod ko sa kilig.

"Mom, boyfriend ko na po siya," nahihiya kong wika kay Mom.

"I know, sweetie, he introduced himself. Masaya ako para sa inyong dalawa."

Nakikita ko ang saya ni Mom habang nakamasid sa amin. Ang inaalala ko lang ay ang magiging reaksyon ni Dad sa oras na malaman niya na boyfriend ko na si Ethan.

Iniwan na kami ni Mom para daw magsolo kaming dalawa. Pero bago siya umalis ay lumapit muna siya sa 'kin at may binulong. Sinabi ni Mom na mabuting tao daw si Ethan kaya may tiwala siya dito.

Ang saya ko kasi tanggap niya si Ethan bilang boyfriend ko.

"What happened to your lips?"

Naibaba ko ang kutsara sa plato dahil sa sinabi niya. Bigla niyang hinawakan ang pisngi ko para iharap ako sa kanya.

Marahang hinaplos ng thumb niya ang labi ko na may sugat.

"A-ano--" iniwas ko ang tingin sa kanya kasi pakiramdam ko ay niloloko siya.

Nagsugat ang ginawang paghalik sa 'kin ni Francis kagabi. Nang dahil sa ginawa niya ay mas lalo akong nakaramdam ng galit sa kanya. Ipagtutulakan niya ako tapos siya naman ang nangungulit sa 'kin.

Hindi niya ba matanggap na may boyfriend na ako? Ano ba ang nangyayari sa kanya?

"Tell me," halata sa boses niya ang pag-alala.

Hinawakan ko ang kamay niya at pinilit kong ngumiti."I accidentally bite my lips, Love."

I'm sorry Ethan! Ayokong mag away na naman kayong dalawa nang dahil sa 'kin.

"Nalagyan mo na ba ng gamot?"

Napailing na lang ako sa sinabi niya kasi nakalimutan kong lagyan ng gamot ang labi ko. Sobrang excited ko kasi na makita siya kaya nawala sa isipan ko.

"Ako na lang ang gagamot sa 'yo, Love," aniya at namalayan ko na lang na dumampi ang labi niya sa 'kin.

Tatlong segundo lang ang tinagal ng halik niya. Muli niyang hinaplos ang labi ko habang namumula na ang mukha ko.

Love Me Back (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon