Chapter 9: Boyfriend

13.6K 502 60
                                    

Chapter 9

Ngayong araw na ang intrams namin kaya busy na ngayon ang mga estudyante dito sa Murphy. Halos lahat ng estudyante ay may sasalihan na paligsahan upang ilaban sa ibang bansa.

Sobrang sikat kasi talaga ng Murphy kahit na sobrang mahal ng tuition. Balita ko din na si Tita Madison na ang namamahala nito ngayon. Sobrang namimiss kona si Tita Madison kasi hindi ko na siya gaano nakikita.

Hindi lang basta contest ang nagaganap ngayon kasi meron din na mga booth kung saan ang mga 3rd year ang nakapa-presenta na magkaroon ng booth.

Welcome din sa ibang school ang Murphy. Ngayong araw kahit sino ay pwedeng pumasok sa Murphy kasi kilala ang ang school na 'to sa pagiging mahigpit.

Nandito kami ngayon sa social hall kung saan ginaganap ang labanan ng chess. Parehong napako ang tingin namin ni Aye kay Michael na seryoso sa pakikipaglaban ng chess.

"Kinakabahan ako." rinig kong sabi ni Aye kaya hinawakan ko ang kamay niya at marahang pinisil.

"Magtiwala ka sa kanya dahil alam kong kaya niya." bulong ko ng tumango siya sa akin at muling binaling ang tingin kay Michael na nakikipaglaban sa ibang school.

Halos lahat ng babae ay chini-cheer si Michael pero mabilis naman silang sinasaway kasi hindi sila makapag-concentrate kapag maingay ang paligid.

Lalo na si Michael, hindi niya talaga gusto na may maingay sa paligid niya lalo na kung focus na siya sa isang bagay.

"You won, Mr. De Castro." rinig naming sabi ng isang judges kaya napatayo kami ni Aye habang masayang pumapalakpak.

Sumulyap sa amin si Michael habang ang lapad ng ngiti niya. Lumapit naman kami ni Aye sa kanya at niyakap ko siya samantalang naiwan naman si Aye sa likod ko.

"Congrats sayo, Michael." masaya kong sabi sa kanya ng maghiwalay kami ng yakap.

Kaagad naman niyang ginulo ang buhok ko kaya sinamaan ko siya ng tingin pero nginitian niya lang ako pagkatapos ay inakbayan at humarap kami kay Aye na ngayon ay malapad ang ngiti kay Michael.

"Inlove kana ba sa akin?" tanong ni Michael kay Aye habang nakataas ang sulok ng labi niya samantalang namula naman ang mukha ni Aye.

"Mukha mo! Hindi ka naman magaling maglaro ng chess dahil nakatsamba ka lang kaya ka nanalo." masungit na sabi ni Aye pero alam ko naman na kinikilig siya kay Michael.

"Tsamba pa din kung sa 12 na school ako ang lahat ng nanalo?" nakangising tanong ni Michael kay Aye kaya napairap 'to.

"Oo! Tsamba pa din 'yon!"

"Ikaw ang kauna-unahan kong hater?" tanong naman ni Michael kay Aye habang ako naman ay napailing nalang sa dalawa dahil kahit kailan ay hindi na sila nagkasundo.

"Tinanong mo pa! Oo! Hater mo ako!" masungit na sabi ni Aye kay Michael kaya nilapitan siya nito kasabay ng pag-akbay habang iniipit siya nito sa kanyang kili-kili.

"B-bitawan mo ako! Sisipain ko itlog mo!" gigil na sabi ni Aye habang pilit na umaalis siya sa pang-iipit sa kanya ni Michael.

"Subukan mong sipain ang itlog ko wala kang magiging anak sa akin." mapanglarong sabi ni Michael habang ginugulo ang buhok nito.

Naisipan ko nalang na umalis sa lugar na 'yon ng hindi nila namamalayan. Moment nilang dalawa 'yon kaya ayoko ng makigulo sa kanila.

Habang naglalakad ako madaming estudyante akong nakakasalubong habang iba't-iba ang kanilang uniporme na suot kasi galing sila sa ibang school.

Muling pumasok sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Gradma noong huling kaming magkita. Gusto niya akong maging modelo ulit. Bata pa man ako minsan na akong nagding modelo ng mga design ni Gradma.

Love Me Back (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon