Chapter 25: Restaurant

8.9K 346 37
                                    

Chapter 25

Hanggang ngayon ay nakamasid pa rin ako sa kanila habang magkalapat ang labi nilang dalawa. Kahit na masakit makitang may kahalikang iba ang boyfriend ko ay hindi ko talaga inalis ang titig sa kanila. Nang matauhan si Ethan ay mahina niyang itinulak ang babaeng 'yon.

Nilingon ako ni Ethan na ngayon ay halata sa mukha na kinakakabahan siya. Bakit? Sino ba ang babaeng 'yon sa buhay niya? First love? Kung ganun ano ako sa puso niya?

Mahal niya ba talaga ako o pinaglalaruan niya lang ako?

"I-im with my girlfriend."

Sa wakas nakaimik na rin si Ethan. Nilingon naman ako nang babae na halata sa mukha ang gulat. Aamin ko na maganda ang babaeng kasama niya ngayon at sa tingin ko ay walang-wala ako.

Mahaba ang buhok niya at medyo kulot ang ibaba. Maputi rin siya at sobrang tangkad niya. Maganda rin ang hugis ng katawan niya. Sa tingin ko ay may lahi siya kasi kulay berde ang mata niya.

"Ops! I'm sorry, gurl! Hindi ko alam na  may girlfriend pala si Tantan."

Kahit na nasasaktan ako ay pinilit ko pa rin na ngumiti. Ang sakit kayang makita na may humalik sa boyfriend mo.

Siguro ganito rin nag naramdaman ni Ethan nung nakita niya akong hinalikan ni Francis. Sobrang sakit pala!

"I'm Sophia Xavery Cortwar!" nakangiti kong wika at nilahad ko ang palad ko.

Napansin kong namilog ang mata niya at nilingon niya si Ethan na ngayon ay nakatingin din sa 'kin. Mabilis ko naman iniwas ang tingin kay Ethan kasi ayokong mapansin niya na nasasaktan ako.

"Really? Sophia rin ang name ko. Sophia Sanchez," nakangiti niyang wika at tinanggap ang kamay ko. "Nice to meet you!" aniya kaya tumango na lang ako.

Bakit magkapangalan pa talaga kami? Kaya ba nakipagrelasyon sa 'kin si Ethan kasi Sophia rin ang name ko?

Naguguluhan ako! Akala ko ba ako ang first love ni Ethan? Bakit may babaeng bigla na lang susulpot at hahalikan siya at ang worst pa ay sa harapan ko pa.

Lumapit na sa 'kin si Ethan at hinawakan ang kamay ko. Naramdaman ko ang marahan niyang pagpisil sa kamay ko pero hindi ko siya nilingon.

"I'm sorry, love, nagulat lang din ako sa biglaan niyang paghalik sa 'kin ," bulong niya.

"Okay lang, ang sweet niyo nga," tugon ko habang nakatingin pa rin ako kay Sophia na ngayon ay nakamasid sa amin.

"Let me explain, love!"

"No need to explain," tugon ko.

Gusto kong malaman ang paliwanag niya pero natatakot ako na baka masaktan lang ako. Mabuting huwag na lang kasi magbubulag-bulagan na lang ako.

"May pupuntahan ba kayo ngayon?" malapad na ngiting tanong ni Sophia.

"Yes!" tugon ni Ethan.

"Wala naman," sagot ko kaya naman lumapad ang ngiti ni Sophia.

Marahan na pinisil ni Ethan ang kamay ko pero hindi ko siya pinansin. Gusto kong ako mismo ang makatuklas kung ano'ng meron sa kanila kahit na masasaktan ako.

"That's great! Nagugutom na kasi ako, ayoko naman kumain ng mag-isa kasi nasanay ako ng may kasama. Mabuti na lang nandyan kayo!"

Bigla niyang ipinalibot ang kamay niya sa braso ko at hinila ako papalayo kay Ethan. Wala na akong nagawa kundi ang magpadala sa kanya.

"Oh ghad! Umalis nga pala ang driver ko," inis na sabi niya.

"It's okay, may dala namang sasakyan si Ethan."

Love Me Back (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon