Chapter 17: Girlfriend

11.7K 405 38
                                    

Chapter 17

Tipid akong ngumiti nang bumangad sa harapan ng gate namin si Francis. Binuksan niya ang pinto ng kotse habang nakangising nakatingin sa'kin.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa ngayon. Dapat masaya ako kasi nasa akin na ang atensyon niya pero bakit parang may kulang?

"Hindi ba dapat sinusuyo mo si Hailey?"

Tumaas ang isang kilay niya sa sinabi ko. Napansin kong tumaas baba ang adams apple niya kasabay ng pag iwas  ng tingin niya sa'kin.

"Wala na kami."

Malakas akong napabuntong hininga sa sinabi niya. Akala ko mahal niya si Hailey pero bakit parang ang bilis niyang bitawan.

"Puntahan mo siya at makipag ayos ka. Kaya kong mag-isa na pumasok ng school."

Nagsimula na akong maglakad at nilampasan ko siya. Napatigil ako sa paglalakad nang hawakan niya ang braso ko.

Hinarap ko siya at mabilis na inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Iniiwasan mo ba ako?"

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Noon naman gusto niya na mawala ako sa paningin niya.

"Ayoko lang naman na pag usapan tayo ng iba."

Biglang kumunot ang noo niya sa lumabas sa bibig ko. Isa na din 'yon sa dahilan kung bakit gusto ko siyang iwasan.

Marami ang nakakaalam na silang dalawa ni Hailey. Ano ang sasabihin nila kapag nakitang ako ang kasama niya.

"Hayaan mo akong ihatid ka," aniya.

Malakas akong napa buntong hininga at wala ng nagawa kundi ang sumakay sa loob ng sasakyan niya.

Mariin kong pinikit ang mata ko nang maamoy ko ang pabango niya sa loob ng sasakyan. Tahimik lang siyang nagmamaneho habang nakamasid lang ako sa labas.

Sumulyap ako kay Francis na nakatuon pa din ang pansin sa pagmamaneho. Humaharang ang ilang hibla ng buhok niya sa kanyang mata na minsan ay hinihipan niya.

Napaiwas ako ng tingin nang dumako ang tingin niya sa'kin.

"May dumi ba sa mukha ko?"

Mabilis akong umayos ng umupo dahil sa sinabi niya. Mahina siyang tumawa kaya biglang namula ang mukha ko.

"W-wala naman," tugon ko.

Inayos ko ang buhok ko habang naririnig ko pa din ang mahina niyang pagtawa.

"O may gwapo sa paningin mo?"

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya at pinandilatan siya ng mata. Halos maiyak na siya kakatawa habang panay ang sulyap sa daan at sa pwesto ko.

"Kapal ng mukha mo!"

Ginulo niya ang buhok ko kaya mas lalong sumama ang tingin ko sa kanya. Napaayos ako ng upo nang mapansin na malapit na kami sa MURPHY.

Pinarada niya muna ang sasakyan sa parking lot ng school. Bumaba na ako ng sasakyan niyang nang biglang sumalubong sa harapan ko si Hailey.

Matalim ang tingin niya sa'kin na nababakas talaga ang galit.

"Ang kapal din ng mukha mong babae ka na sumabay sa boyfriend ko!"

Hahablutin niya sana ang buhok nang biglang may umawat sa kanya. Nasa harapan ko si Francis habang hindi makapaniwala si Hailey na nakatingin dito.

"T-tayo pa din diba? Alam kong hindi ka seryoso sa sinasabi mo na wala na tayo? Please.."

Umiiyak na si Hailey habang nakahawak ang isang palad niya sa pisngi ni Francis. Nanlaki ang mata ko nang biglang tapikin ni Francis ang palad niyang nakahawak sa pisngi nito.

Love Me Back (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon