Chapter 11: Plan

12.9K 489 57
                                    

Chapter 11

Marahan kong ginagamot ang kaunting sugat sa gilid ng labi ni Ethan. Tahimik lamang siya habang ginagawa ko 'yon. Napahinto lamang ako sa ginagawa ko ng magtama ang tingin naming dalawa.

"Ano na ang gagawin mo?" seryoso niyang tanong sa akin habang iniwas ko naman ang tingin ko.

"Ano ba ang dapat kong gawin?" tanong ko sa kanya ng umayos siya ng upo habang nakatingin lamang sa sahig.

"Sundin mo ang gusto ng puso mo." bulong niya kaya naman kinagat ko ang ibabang labi ko.

Alam kong sobrang nag-aalala siya sa akin dahil sa nangyari kanina. Maging ako nga din nag-aalala sa sarili ko. Baka isang lapit niya ulit sa akin maging tanga na naman ako.

Wala e, marupok ako.

"Huwag kang mag-alala dahil hindi ako magpapadala sa kanya. Kahit na ano pa gawin at sabihin niya." seryoso kong sabi ng magtama ang tingin naming dalawa.

"Ayoko lang na masaktan ka." aniya.

"Kaya nga minabuti ko nalang na umiwas kasi masasaktan lang ako." tugon ko ng maramdaman ko na hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil.

"Alam mo kung gaano ako katakot kanina?" tanong niya habang nakakunot naman ang noo ko.

"Takot na takot ako." muli niyang sabi habang sinakop na ng palad niya ang kamay ko at marahan na pinisil.

"Makita ko palang na hawak ka niya takot na ako paano pa kaya kung pagmamay-ari ka na niya." dugtong niya kaya hindi ko mapigilan na mapangiti.

"Pinili kita kasi alam kong sayo ako sasaya at alam ko na hindi mo ako sasaktan. Bakit ko pipiliin ang taong sasaktan lamang ako?"

"Kasi mahal mo." dugtong niya kaya pinisil ko ang kamay niya.

"Hindi porket mahal mo pipiliin mo. Kailangan mong mag-isip bago ka gumawa ng hakbang. Hindi 'yong sa huli pagsisihan mo na sana hindi nalang siya ang pinili mo kung masasaktan ka lang."

Nabigla ako ng niyakap niya ako. Ipinatong niya ang mukha niya sa balikat ko kaya ramdam ko ang paghinga niya habang hinahaplos niya ang buhok ko.

"Salamat kasi ako ang pinili mo. Hindi kita bibiguin." bulong niya kaya napangiti ako.

Narinig namin na bumukas ang pintuan ng clinic kaya parehas kaming napatingin kung sino ang pumasok. Namilog ang mata ko ng makita naman si Francis na may tuwalya sa kanyang balikat habang ang gulo ng buhok niya.

Kasalukuyan pa din siyang nakasuot ng jersey habang pawis na pawis siya. Nagtama ang tingin naming dalawa kaya mabilis kong iniwas ng tingin ko.

"Nasaan ang Nurse?" malamig na tono na tanong niya habang sumama naman ang timpla ng mukha ni Ethan.

"Lumabas lang saglit." tugon ko ng tumango lamamg siya at nagtungo na sa kama kung saan malapit sa pwesto namin ni Ethan.

Hinahaplos niya ang gilid ng labi niya na may bakas ng dugo tulad ng kay Ethan. Bumakas naman sa mukha ko ang pagtataka dahil hindi niya kasama ngayon si Hailey.

Hindi pa din mawala sa isipan ko ang nangyari kanina. Wala akong ideya na gagawin niya 'yon kaya sobrang naguluhan ako.

"Okay na ang sugat ko, tara na!" biglang sabi ni Ethan habang hawal na ang wrist ko.

"Sandali lang." mabilis kong sabi at inayos ko na ang ginamit kong panggamot sa kanya at nagtungo ako sa direksyon ni Francis.

Nagtama ang tingin naming dalawa habang nakakunot ang kanyang noo. Ipinatong ko sa gilid niya ang lalagyan ng medicine kit na ginamit ko kay Ethan.

Love Me Back (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon