Chapter 6: Desperada

13.1K 531 98
                                    

Chapter 6

Iminulat ko ang mata ko ng maramdam kong may tumatapik sa pisngi ko. Bigla ulit akong pumikit dahil wala akong malanghap na hangin at feeling ko ay malalagutan na ako ng hininga.

"Gumising kana, please." rinig kong boses ng isang babae at muli kong naramdaman ang pagtapik sa pisngi ko.

Gusto ko man imulat muli ang mata ko pero hindi ko magawa dahil hindi talaga ako makahinga ng maramdaman ko na may dumampi sa labi ko.

Ilang beses ko naramdaman ang malambot na bagay na 'yon sa labi ko ng bigla akong mapaubo ng tubig. Habang may tumutulong luha na sa mata ko. Bumungad sa akin ang mukha ni Francis na ngayon ay sobrang lapit pala sa akin.

Gusto ko man na ngumiti pero hindi ko nagawa dahil sobrang sama talaga ng pakiramdam ko. Binigyan ako ng hangin ni Francis gamit ang labi niya.

Samantalang nasa gilid ko naman si Hailey na ngayon ay nag-aalala na nakatingin sa akin.

"Oh ghad! Mabuti nalang nagising kana. Pinag-alala mo kami." sabi ni Hailey ng namalayan ko nalang na yakap niya ako.

Hindi ko alam na lumalakas na pala ang tulo ng luha ko na nangagaling sa mata ko. Akala ko tuluyan na akong lalamunin ng tubig. Buti nalang niligtas din ako ng lalaking nagligtas din noon sa akin.

"Okay kana ba?" tanong sa akin ni Hailey habang hinahaplos ang likod ko samantalang nakatitig lamang ako kay Francis na ngayon ay pinupunasan na ang kanyang buhok ng tuwalya.

"O-okay lang ako." nakangiti kong wika sa kanya ng bigla na namang lumabas na tubig sa bibig ko kaya napatakip ako sa bibig ko.

"Dalhin ka namin sa clinic para sure na okay ka lang. Kailangan mo din suriin kasi ang dami mong nainom na tubig." nag-aalalang sabi sa akin ni Hailey habang panay ang haplos niya sa likod ko.

"Hindi na kasi okay lang naman ako. Ayoko din malaman ni Dad at Mom ang nangyari sa akin dahil paniguradong mag-aalala sila sa akin." sabi ko sa kanya habang pinipilit ko na tumayo at napakagat ako sa labi ko dahil ramdam ko na namamanhid ang binti ko.

"I'm sorry." rinig kong sabi ni Hailey habang hawak niya ang dalawa kong palad.

"Kung hindi dahil sa akin hindi ka malulunod. Hindi ko din alam na hindi ka marunong lumangoy tapos humingi pa ako sayo ng tulong. Pasensya kana talaga." nakayuko nitong sabi ng mapansin ko na may tumulong luha sa mata niya.

"Okay lang talaga, Hailey. Gusto ko talaga na iligtas ka pero hindi talaga ako marunong lumangoy. Ako nga dapat ang humingi sayo ng sorry dahil hindi kita nailigtas." sabi ko ng maramdaman ko na niyakap niya ako.

Napangiti ako sa ginawa niya dahil totoo nga ang sabi ng marami na mabuting tao daw si Hailey kaya siguro mahal na mahal siya ni Francis at sobrang swerte ni Hailey kasi siya ang mahal ni Francis.

Pinahiram muna ako ni Hailey ng uniform kasi meron pa siyang extra at hindi lang 'yon meron din siyang undies at bra na pinahiram niya sa akin na hindi niya pa nagagamit.

Naligo muna ako bago ko sinuot ang uniform niya. Sobrang fit sa akin kasi maliit ang bewang ni Hailey samantalang ang palda niya naman ay mas makili sa palda ko.

Tumitig ako sa sarili ko habang pinipilit ko na ngumiti. Alam ko na pagkalabas ko dito ay si Hailey at Francis ang makikita ko na halata sa kanilang mata ang kanilang pagmamahalan.

Namilog ang mata ko ng makita ko si Francis na nakatingin sa swimming pool habang nakalagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa niya. Mukhang nakapagpalit na din siya ng panibagong uniform kasi nabasa siya kanina dahil sa pagliligtas niya sa amin.

Love Me Back (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon