Chapter 2: Classroom

17.9K 602 108
                                    

Chapter 2

Hindi parin sana ako maniniwala sa sinasabi ni Aye pero nasaksihan mismo ng aking mga mata. Naniniwala na nga ako na nililigawan ni Francis si Hailey.

Nakasalubong namin silang dalawa na magkasama. Hawak ni Francis ang ilang libro na mukhang si Hailey ang nagmamay-ari.

"Sabi na sa'yo, nililigawan ni Francis si Hailey." bulong sa akin ni Aye habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Hindi ako napansin ni Francis kasi masaya siyang nakikipag-usap sa babaeng nililigawan niya. Mahahalata mo sa kanyang mukha ang saya habang kausap 'yong babae.

"Ang ganda naman niya." sabi ko kay Aye habang nakatingin ako doon sa babae na kasama ni Francis.

Sobrang dalagang filipina ang kanyang galaw dahil sa kanyang hinhin. Bagay na bagay sa kanya ang uniporme na suot niya. Nakalugay lamang ang kanyang buhok. Napakaputi din ng kutis ng kanyang balat at napakaganda din ng kanyang ngiti.

 Napakaputi din ng kutis ng kanyang balat at napakaganda din ng kanyang ngiti

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Sobrang ganda ni Hailey na kahit sinong lalaki mapapahinto sa ginagawa para lang makita siya." wika nito habang nanatili pa din na nakatingin sa dalawa.

Iniwas ko na ang tingin ko sa kanilang dalawa. Kasi habang pinagmamasdan ko 'yong babae pakiramdam ko bumababa ang tingin ko sa aking sarili.

Ano ba ang meron siya at napaibig niya ang isang Francis na ubod ng sungit na lalaking 'yon.

"Ba't ngayon ka lang?" taas kilay na tanong ni Aye kay Michael na ngayon ay hingal na hingal habang nakahawak sa magkabila niyang tuhod.

"Galing ako sa Prinicipal." tipid nitong sabi at umayos na ng tayo kasabay ng pag ayos din ng kanyang buhok.

"Naibigay ba sayo ni Kuya Francis ang tubig?" tanong sa akin ni Michael at nilabas niya ang kanyang panyo tapos pinunasan ang aking noo na may pawis.

Napansin kong iniwas ni Aye ang kanyang tingin sa aming dalawa kaya inagaw ko mismo kay Michael ang kanyang panyo at ako mismo ang nagpunas ng aking pawis.

"Yes."

"Tara na sa ating room at magsisimula na ang klase. Sa susunod nalang ulit namin ikaw Xavery ililibot sa buong campus. Madami pa tayong hindi pa napupuntahan." natatawang sabi ni Michael kaya tumango ako bilang pag sang-ayon.

Sumunod ako sa kanilang dalawa habang malalim pa din ang aking iniisip. Hindi ko lang akalain na may mahal na pala si Francis. Never naman kasi nasabi 'yon sa akin ni Michael kahit na palagi kong tinatanong sa kanya kung kamusta na si Francis.

Bihira ko lang kasi makita si Francis kasi palagi siyang wala sa kanilang bahay. Madalas pa naman ako pumunta sa kanila pero kahit minsan hindi ko siya natagpuan sa kanilang bahay. Kaya siguro wala siya palagi sa kanila kasi nandoon siya sa kanyang nililigawan.

Love Me Back (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon