Chapter 16: Belong

11.9K 456 55
                                    

Chapter 16

Pareho sila na nakayuko habang palakad lakad ako sa harapan nilang dalawa. Samantalang nakangisi lamang si Francis na nakamasid sa amin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano ang meron sa inyong dalawa?" tanong ko sa kanila ng mapansin ko na magtinginan silang dalawa.

"Ano ang meron sa atin?" tanong ni Michael kay Aye kaya tumaas ang kilay ko.

"Hindi ko alam." sabi naman ni Aye kaya pumagitna ako ng upo sa dalawa.

"Kayo na ba?" tanong ko habang pabaling baling ang tingin ko sa dalawa na katabi ko na ngayon.

"Hindi." sagot ni Aye kaya napatango ako.

"Bakit kayo naghahalikan?" tanong ko pa ng mamula ang mukha ni Aye.

"Tayo nga naghalikan na pero wala pa din na tayo." rinig ko na sabi ni Francis kaya pinaningkitan ko siya ng mapahagalpak ng tawa si Michael.

"Pareho lamang pala tayo." sabi ni Michael habang umayos na ng upo.

"Walang kami." dugtong pa nito kaya tumingin ako kay Aye.

"Gusto niyo ang isa't-isa?" tanong ko kaya sabay silang tumango.

Umupo na lang ako sa tabi ni Aye habang ang lalim ng iniisip ko. Hindi ko manlang namalayan na may something na pala sa kanilang dalawa.

Matapos nun ay naisipan muna naming manuod ng movie. Hindi naman kami pwedeng mag swimming dahil nilalagnat pa din si Francis.

"Manunuod lang naman tayo, bakit ka nakaakbay?" tanong ko kay Francis na ngayon ay ang lapad ng ngisi.

"Gusto ko e."

Napailing na lang ako sa sinabi niya. Nagsimula na ang movie kaya natahimik na kaming apat.

Tumingin ako kay Michael at Aye at hindi ko mapigilan na mapangiti. Hindi ko akalain na mah tinatago pala sila sa akin. Palagi na lang kasi silang nag-away.

Naisip ko na naman si Ethan. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin kapag nagkatagpo kami. Pwede na akong punasok bukas dahil maayos na ako.

Balita ko ay pwede na ding pumasok si Ethan. Hindi ko alam ng mararamdaman ko kung ang Ethan na nakasanayan ko ng makasama ay hindi na ako masyadong kilala.

"Bakit ka umiiyak? Masaya naman ang pinapanuod natin."

Mabilis kong pinunasan ang luha ko ng mapansin ako ni Francis. Dumako ang tingin ko kina Aye na pareho ng nakatingin sa akin. Pinilit ko na ngumiti sa kanila.

"Tears of joy."

Umiwas na ako ng tingin sa kanila. Naramdaman kong hinaplos ni Francis ang braso ko na ngayon ay nanatiling nakayakap sa akin.

"Naninibago lang ako."

Tumingin ako kay Francis na ngayon ay seryoso na ang mukha ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon sa kanya.

Noon naman masaya ako kahit isang sulyap niya lang pero ngayon mukha g hindi na. Kahit na nakaakbay siya sa akin parang natural lang.

"Bakit?"

Tumitig siya sa mata ko, seryoso lang ang tingin niya.

"Iba na kasi ang nasa isip mo, hindi na ako."

Natigilan ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman na naiisip ko si Ethan sa oras na 'to? Halata ba sa mukha ko ngayon?

"Paano mo nasabi?"

Inalis niya ang pagkakaakbay sa akin at muling tinuon ang tingin sa pinapanuod namin.

"Hindi ko makita ang saya sa mukha mo ngayong kasama ako."

Love Me Back (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon