Chapter 23: Visiting Her

9.5K 358 36
                                    

Chapter 23

"Ate! Wake up!"

Tinakpan ko ng unan ang mukha ko kasi inaantok pa talaga ako. Hindi namin namalayan ni Ethan na napahaba na pala ang tawagan namin na umabot pa ng umaga. Mabuti na lang kasi sabado ngayon kaya walang pasok.

Kinakantahan niya pa ako habang magkaharap kami sa camera. Isa lang ang masasabi ko, sobrang lambing ng boses niya na ang sarap pakinggan. Nakakagaan din ng pakiradam lalo na sa tuwing tumatawa siya.

I'm so thankful kay Lord kasi pinagtagpo niya kami ni Ethan. Hindi ko naisip na mababaling ang atensyon ko sa iba pero nung makilala ko siya, nagkamali ako kasi mabilis niyang nakuha ang loob ko.

"ATE!"

Pilit nilang hinihila ang kumot ko kaya mahigpit kong hinawakan 'yon. Gusto ko pa talagang matulog kasi halos tatlong oras lang ang naitulog ko.

Siguradong tulog pa rin hanggang ngayon si Ethan. Hindi na siya nahihiya pang pumunta rito kasi tanggap naman siya nina Dad.

"Kuya Francis is here.."

Bigla akong napamulat sa sinabi ng isa sa kambal. Inalis ko na ang pagkakatakip ko ng kumot sa mukha  habang gulat na nakatingin sa dalawa na parehong nakasampa sa kama ko.

"Ano?"

"I said, Kuya Francis was here," tugon ni Red.

"Bakit daw?"

"Hindi po namin alam."

Bakit siya pupunta rito kung alam naman niya na ayaw ko siyang makita. Ano ba ang gusto niyang mangyari sa buhay?

Hanggang dito ba naman ay kukulitin niya ako. N'on naman ay hindi siya pumupunta rito kasi ayaw niya akong makita.

Palagi na rin akong nakakatanggap ng message niya na hindi ko naman nirereplyan.

Why would I? Binabalewala niya ako n'on at gagawin ko rin 'yon sa kanya. Kahit ano'ng gawin niya ay hinding-hindi ko siya pipiliin kasi mayroon na akong Ethan na nagmamahal sa 'kin.

Umalis na ang kambal sa kwarto ko habang palaisipan pa rin sa 'kin kung bakit nandito si Francis. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na siya na ang naghahabol sa 'kin.

Hindi ko maintindihan kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

Dumiretso ako sa cr para maligo, tinagalan ko talaga kasi gustong kong maghintay ng matagal ang lalaking 'yon.

Ayaw niya pa naman na naghihintay siya, siya 'yung tipo ng tao na mainipin. Wala akong pakealam kung umalis na siya kasi ayoko talaga makikita ang pagmumukha niya.

Naalala ko na kung bakit siya nandito. Magka partner nga pala kami sa paggawa ng prototype na alam kong pinalano niya talaga.

Nasabi ko na kay Ethan na si Francis ang partner ko, syempre may pangamba sa kanya kasi natatakot siya na muli akong mahulog kay Francis.

Sinabi niya pa nga na siya na lang ang gagawa ng prototype na mabilis ko naman tinanggihan kasi alam kong busy din siya.

Nagpalipas ako ng tatlong oras sa kwarto ko bago ko naisipan na lumabas. Habang pababa ako ng hagdan ay natanaw ko na agad siya na nakaupo sa sofa.

Hindi ko akalain na maghihintay siya sa loob ng tatlong oras. Nang marinig niya ang yabag ko ay napalingon siya sa 'kin.

"Good morning," bati niya.

"Good morning? Makita pa lang kita ay sira na ang araw ko," walang emosyon kong saad.

Hindi ko na tingingnan pa ang reaksyon niya kasi dumiretso ako sa sofa na katapat lang ng inuupuan niya kanina.

Love Me Back (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon