Chapter 4: Sick

13.6K 512 113
                                    

Chapter 4

Hindi ko mapigilang mapangiti habang nilalagay ang mga cookies na ginawa ko sa loob ng tupperware. Siguradong magugustuhan 'to ni Francis kasi alam kong mahilig siya sa cookies pero sana tanggapin niya kasi ayoko masayang ang pinaghirapan ko.

Sabado ngayon kaya wala kaming pasok kaya naisipan ko na gumawa ng cookies. Pupunta ako sa kanilang mansyon ngayon.

Nagpahatid nalang ako sa aming driver kasi hindi naman ako masyadong marunong magpaandar ng sasakyan. Atsaka hindi ako papayagan ni Daddy na magpa-andar ng sasakyan kasi baka daw mapahamak ako.

Okay lang din naman sa akin kasi hindi din naman ako mahilig sa sasakyan kahit na niregaluhan ako ni Lolo Drew ng kotse.

"Manong, sa tingin mo po ba magugustuhan nila 'tong cookies?" tanong ko kay Manong habang nakangiti kong nakatingin sa tupperware na nakapatong sa hita ko.

"Oo naman, basta ba may kasamang pagmamahal. Siguradong magugustuhan nila ang cookies mo." sabi ni Manong habang nakangiting nakatingin sa salamin sa harapan.

"Sana nga po Manong, salamat po." masaya kong bati habang iniisip ang magiging reaction ni Francis kapag kinain niya ang cookies na ang hugis ay puso.

Nang makarating na kami sa tapat ng kanilang mansyon ay mabilis na akong bumaba sa loob ng sasakyan at nagpaalam na kay Manong. Hindi na din siguro ako magpapasundo kasi alam ko na ihahatid ako ni Michael pabalik sa amin.

Pagpasok ko sa loob ng kanilang mansyon kaagad na kumunot ang noo ko kasi parang walang tao ngayon sa kanilang mansyon.

Nakakapagtaka naman na wala sila tutal sabado ngayon. Posibleng nandito ang kambal samantalang nasa trabaho pa din sina Tita Kaye kasi ang Doctor minsan lang magkaroon ng vacant time.

"Michael?" tawag ko sa pangalan ni Michael habang nililibot ko ang tingin ko.

Nilapag ko muna ang tupperware na hawak ko sa ibabaw ng mesa at nagtungo naman sa kanilang garden na paborito kong tambayan. Napabuntong hininga ako kasi wala talagang tao.

Tuwing linggo lamang bumibisita dito ang kanilang mga katulong dahil madali naman daw linisin ang kanilang mansyon. Si Tita Kaye ang nag request na tuwing lunes sila pumunta dito sa mansyon upang maglinis. Masipag naman ang kambal na maglinis at 'yon ang ikinatutuwa nina Tita.

"Nasaan kaya sila?" bulong ko sa sarili ko at umupo ako sa sofa.

Nag message na ako kay Michael pero hindi niya pa ako nirereplyan. Kapag ganito naman na aalis siya ay magsasabi siya pero ngayon ay hindi. Siguro sobrang importante ng pinuntahan niya kaya nakalimutan niya ako.

Nabigla ako ng may marinig ako ng yabag na papalapit sa lugar kung nasaan ako. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Francis na namumutla habang kumukuha ng suporta sa mga bagay na nahahawakan niya para hindi siya matumba.

"Francis." nag-aalala kong sabi sa kanya at kaagad na nilapitan siya.

"What are you doing here?" malamig ang tono ng boses na tanong nito habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa ding-ding.

Hindi kona pinansin ang tanong niya kasi dumapo na ang palad ko sa leeg niya upang malaman kung nilalagnat siya. Nanlaki ang mata ko kasi sobrang init niya.

"Nilalagnat ka.." nag-aalala kong sabi at hinawakan ko ang braso niya at akmang iaakbay sa akin para maging suporta niya pero mabilis niyang inalis ang braso niya na hawak ko.

"Hindi kita kailangan." malamig na wika nito at nagsimula na muling maglakad habang nakasuporta ang kaliwa niyang kamay sa ding-ding.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya kasi muli kong hinawakan ang braso niya upang maging ako ang suporta niya upang huwag siyang matumba. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan.

Love Me Back (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon