chapter 1

20.3K 221 37
                                    

Ang matinis na boses mula sa communicator ang gumising sa akin.

Napilitan akong bumangon upang patayin sana ang communicator dahil naka-leave ako ngayon sa trabaho.

Ayaw kong maisturbo dahil gusto kong sulitin ang oras ko na malayo sa trabaho at ang pagtunog ng communicator ay indikasyon na galing sa trabaho ko ang isturbo.

Isa ako sa mga elite fighter ng Earth government.

Ang gobyernong namamahala sa buong mundo kung matatawag pa bang buo ang mundo gayong ang natitira na lang na pwedeng tirhan ay iyong mga bansang nabibilang dati sa third world country.

Sino nga bang mag-aakalang sa pagdating ng year 3000 ay maging sentro ng sibilisasyon ang bansang tinatawag na  Pilipinas noong unang panahon pero tinatawag na ngayong Earth Capital kung saan nakatayo ang Earth government.

Kung di lang dahil sa mga datos at mga aklat  na nakaimbak sa Capital Library ay di ko malalaman kung gaano kalaki ang pinagbago ng mundo na siyang nadatnan ko na ngayon. Ang tanging makalumang kagawian na pinanatili ngayon upang ipaalala sa makabagong panahon ang dating ng mga taong laman ng kasaysayan ay ang paglathala ng mga pisikal na aklat.

Maging ako, tuwing nilalanghap ko ang amoy ng bawat pahina ng isang aklat ay nagdudulot ito ng kakaibang kapayapaan sa'king isip. Sa mundong halos pinatakbo  ng mga makabagong teknolohiya ay tanging ang Earth government na lang ang naglilimbag at gumagawa ng aklat upang libreng mabasa ng kahit na sino sa Earth Library. Nilaanan talaga ng maliit na pwesto sa loob ng high-tech na library ang mga babasahing nakalathala sa papel.

Parang isang alamat na lang ang mga larawan ng mga batis, ilog , talon at ibang mga anyong tubig  na tinuturo sa Capital University kung saan nag-aaral lahat ng mga nakatadhanang maging sundalo at opisyales ng Earth government.

Sa katunayan tanging ang malawak na karagatan na lang ang naabutan kong anyong tubig na natitiyak kong  siya ring maaabutan ng susunod na mga henerasyon.

Ang malawak na karagatan din ang dahilan ng pagkawala ng higit sa kalahating lupain ng mundo.

Pero, ayon sa mga itinuturo sa amin sa Capital University ay maging ang dagat ay malaki na ang pinagbago.

Di na ito pwedeng pamuhayan ng karamihan sa mga isda at lamang-dagat kaya hanggang sa aklat  na lang masisilayan kung gaano karami at kakulay ang mga isda noong unang panahon.

Ang laki na talaga ng pinagbago ng mundo dahil maging ang mga punong tumutubo sa buong Earth Capital ay puro artipisyal na at gawa ng mga matatalinong taga Earth government.

Wala naman sigurong kaibahan ang iba't-ibang kulay ng mga puno sa paligid kaysa sa mga kulay berdeng puno na sa aklat na lamang makikita dahil ginagawa naman nila ang  purpose nila which is to give shades, absorb carbon dioxide including any toxics in the air and release some kind of chemical substances that cleansed the air around the Capital.

Wala na rin ang mga tinatawag sa aklat na land animals. Di sila naka-survive sa biglang pagbabago ng mundo kaya iyong ibang nasagip ay nagawan ng paraan upang gawan ng clones.

Pero maging ang mga clones ay inaalagaan at inilagay sa isang fully secured na mga pasilidad kung saan patuloy silang pinag-aaralan kung paano sila makapamuhay sa labas ng pasilidad nang hindi maaapektuhan ng  hangin sa paligid.

Maging ang mga tao na katulad ko ay kinokontrol ng Earth Government ang pagpaparami.

Babies are not anymore made and brought up by parents as what the books told long time ago instead they are made in tubes and brought up by the government.

Nakaplano lahat ng mga karagdagan sa populasyon.

We have frozen egg cells and sperm cells from chosen people ready for the government request of any addition to the population.

Falling SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon